Seminary
Mateo 14; Marcos 6; Juan 5–6


Mateo 14; Marcos 6; Juan 5–6

Buod

Pinakain ng Tagapagligtas ang limang libong tao sa pamamagitan ng limang tinapay at dalawang isda. Marami ang tumugon sa pamamagitan ng paghahanap sa Kanya para makahingi o makatanggap pa ng maraming pagkain. Naglakad si Jesus sa ibabaw ng tubig papunta sa bangka ng mga disipulo habang bumabagyo. Inanyayahan Niya si Pedro na lumakad rin sa ibabaw ng tubig at iniligtas Niya sa paglubog si Pedro matapos itong mag-alinlangan. Itinuro ng Tagapagligtas ang sermon tungkol sa Tinapay ng Buhay. Tinanong Niya ang Kanyang mga disipulo kung iiwan din nila Siya, tulad ng ginawa na ng ilang tagasunod. Nagpatotoo si Pedro na si Jesus ang may mga salita ng buhay na walang hanggan.

Maghandang Magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Mateo 14:13–23; Juan 6:5–14

Layunin ng lesson: Ang lesson naito ay makatutulong sa mga estudyante na maging mas mahabagin at hindi makasarili katulad ni Jesucristo. Matutulungan din sila nitong magkaroon ng mas malaking tiwala na dahil kay Jesucristo, sapat na ang kanilang mga abang handog. 

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na manalangin at maghanap ng pagkakataon na mapaglingkuran ang isang tao bago ang susunod na klase. Hikayatin silang pansinin ang nadarama nila habang naglilingkod sila.

  • Handout: Ihanda ang handout na may dalawang magkaibang sitwasyon bago magklase.

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari kang gumawa ng dalawang breakout room para sa dalawang magkaibang sitwasyon. Hayaang pumili ang mga estudyante kung aling breakout room ang mas gugustuhin nilang salihan. Puntahan ang bawat isa sa mga room, at tulungan ang mga estudyante sa kanilang mga talakayan.

Mateo 14:22–33

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na matularan ang halimbawa ng paghingi ng tulong ni Pedro sa Tagapagligtas kapag nahaharap sila sa mga nakatatakot o mahihirap na sitwasyon.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang mga sumusunod na tanong mula sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin: “Ano kaya ang nakahikayat kay Pedro para iwanan ang kaligtasan sa kanyang bangka sa kalagitnaan ng Dagat ng Galilea sa malakas na bagyo? Ano ang nakahikayat sa kanya na maniwala na kung kayang maglakad ni Jesus sa ibabaw ng tubig, kaya rin niya?” (“Marso 27–Abril 2. Mateo 14; Marcos 6; Juan 5–6: ‘Huwag Kayong Matakot,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: Bagong Tipan 2023).

  • Larawan: Isang larawan ni Pedro na naglalakad sa ibabaw ng tubig

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari mong sabihin sa mga estudyante na maghanap ng paborito nilang larawan ni Pedro at ng Tagapagligtas na naglalakad sa ibabaw ng tubig. Pagkatapos ay bigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na ibahagi ang kanilang screen para maituro ang mga detalye sa larawang pinili nila at maibahagi ang natutuhan nila mula sa salaysay sa banal na kasulatan.

Juan 6:22–58

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na makatukoy ng mga paraan kung paano sila makalalapit sa Tagapagligtas para matugunan Niya ang kanilang mga espirituwal na pangangailangan.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung paano natutulad si Jesucristo sa tinapay at maghandang ibahagi ang kanilang mga nalaman.

  • Object lesson: Maaari kang magdala ng tinapay para makain ng mga estudyante sa simula ng lesson.

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari mong sabihin sa mga estudyante na maghanap ng kaunting tinapay sa kanilang tahanan para magamit sa unang aktibidad ng lesson.

Juan 6:60–71

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na manatiling tapat sa kanilang pangako na sundin si Jesucristo, kahit na posibleng hindi piliin ng iba na sumunod sa Kanya.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang mga pagpapalang natanggap nila dahil sa kanilang pakikibahagi sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na hilingin sa isang kapamilya o kaibigan na piniling manatiling aktibo sa Simbahan kahit na nagsialis na ang mga tao sa paligid nila, na magbahagi ng kanilang karanasan at patotoo.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 5

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na maisaulo ang mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala ng doktrina para sa mga doctrinal mastery passage.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin kung anong mga doctrinal mastery passage ang nagbigay sa kanila ng pag-asa kay Cristo.

  • Mga Materyal para sa mga Estudyante: papel, mga kagamitan sa pagsusulat, at gunting

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari kang maghanda ng isang presentasyon gamit ang iba’t ibang salita at parirala mula sa mga doctrinal mastery passage at gawin itong live at online na laro.