Seminary
Juan 6:22–58


Juan 6:22–58

“Ako ang Tinapay ng Buhay”

Jesus Christ seated at a table. In one hand He is holding a piece of bread. With the other He is gesturing towards Himself. There is a plate of bread on the table in front of Him and a goblet.

Kinabukasan matapos ang himala ng pagpapakain sa limang libo, hinanap ng marami si Jesus, “hindi dahil sa nakakita [sila] ng mga tanda, kundi dahil sa [sila’y] kumain ng tinapay,” at sila ay nangagutom na muli (Juan 6:26). Itinuro sa kanila ng Tagapagligtas, “Ako ang tinapay ng buhay. Ang lumalapit sa akin ay hindi magugutom” (Juan 6:35). Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na matukoy ang mga paraan kung paano ka makalalapit sa Tagapagligtas upang matugunan Niya ang iyong mga espirituwal na pangangailangan.

Mga writing exercise. Ang pag-anyaya sa mga estudyante na tumugon sa mga tanong na nakapagpapaisip sa pamamagitan ng pagsusulat ay makatutulong sa kanila na mapalalim at mapalinaw ang kanilang mga iniisip. Kapag isinusulat ng mga estudyante ang kanilang tugon sa mga tanong bago magbahagi sa klase ng kanilang mga ideya, may oras sila na mapag-isipan nang mabuti ang mga ito at tumanggap ng mga pahiwatig mula sa Espiritu Santo.

Paghahanda ng estudyante. Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung paanong si Jesucristo ay simbolikong katulad ng tinapay at maghandang ibahagi ang kanilang mga kaalaman.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

“Ako ang tinapay ng buhay”

Maaari kang magdala ng tinapay (at, kung kinakailangan, isang alternatibo para sa mga estudyanteng hindi maaaring kumain ng tinapay na may gluten) na makakain ng mga estudyante. Idispley ang mga sumusunod na tanong para makita ng mga estudyante kapag pumasok sila. Sabihin sa kanila na gamitin ang kanilang mga sagot mula sa aktibidad sa paghahanda ng estudyante upang matulungan sila sa buong lesson.

Bread
  • Sa iyong palagay, gaano karaming tinapay ang kaya mong kainin?

  • Gaano man karaming tinapay ang kainin mo ngayon, ano ang mangyayari kalaunan?

Nang pakainin ng Tagapagligtas ang mahigit limang libong tao gamit lamang ang limang tinapay at dalawang isda, tumugon ang ilan sa himalang ito sa pamamagitan ng paghahanap sa Kanya upang makatanggap muli sila ng pagkain sa halip na para sa mga espirituwal na kadahilanan (tingnan sa Juan 6:5–14). Pinangaralan ni Jesus ang mga naghahanap sa Kanya para humingi pa ng tinapay sa halip na hanapin Siya para sa buhay na walang hanggan na maibibigay Niya. Pinagdudahan nila ang Kanyang identidad at kakayahang bigyan sila ng buhay na walang hanggan (tingnan sa Juan 6:30, 41–42).

Basahin ang Juan 6:32, 35 upang malaman kung paano pinangaralan ng Tagapagligtas ang mga tao. Maaari mong markahan sa iyong mga banal na kasulatan ang mga titulo ng Tagapagligtas na “[ang] tunay na tinapay na galing sa langit” at “ang tinapay ng buhay.” Maaari mong idagdag ang mga titulong ito sa iyong journal entry na “Mga Titulo at Ginagampanan ni Jesucristo.” (Maaaring nasimulan mo na ang entry na ito sa lesson para sa Juan 1:1–51.)

  • Sa iyong palagay, bakit tinutukoy ng Tagapagligtas ang Kanyang sarili bilang “[ang] tunay na tinapay na galing sa langit” o “ang tinapay ng buhay”?

  • Ano ang natutuhan mo mula kay Jesucristo sa talata 35 ?

Itinuro sa Juan 6:35 na kung lalapit tayo kay Jesucristo at maniniwala sa Kanya, matutugunan Niya ang ating espirituwal na pagkagutom at pagkauhaw.

Maaari mong isulat o ipakita sa pisara ang mga sumusunod na tanong.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong study journal:

  • Ano ang ilan sa mga dahilan kung bakit kailangan mo si Jesucristo araw-araw? Sa paanong mga paraan ka kasalukuyang “nagugutom” sa espirituwal?

  • Ano ang kasalukuyan mong ginagawa upang humingi ng tulong sa Tagapagligtas upang matugunan ang pagkagutom na iyon? Ano ang magandang nangyayari? Ano ang hindi?

Habang nagpapatuloy ka sa iyong pag-aaral, hingin ang impluwensya ng Espiritu Santo upang matulungan kang matukoy ang mga paraan kung paano ka makalalapit sa Tagapagligtas upang matugunan Niya ang iyong espirituwal na pagkagutom.Basahin ang Juan 6:47–58 , at alamin kung ano ang ipinagagawa sa atin ng Tagapagligtas at kung ano ang ipinapangako Niya bilang kapalit. Pag-isipan kung paano nakatutulong sa iyo ang mga paanyaya at pangakong ito upang mas maunawaan mo kung paano matatanggap ang kaloob ng Tagapagligtas na matugunan ang iyong espirituwal na pagkagutom at pagkauhaw. Maaari kang gumawa ng isang chart na tulad sa sumusunod upang matulungan ka.

Bread

Maaari mong ipakita ang chart na ito sa pisara at sama-samang punan ito bilang isang klase. Ang ilan sa mga paanyaya ng Tagapagligtas ay manampalataya sa Kanya ( Juan 6:47) at kumain ng tinapay ng buhay ( talata 51). Kasama sa ilang pangako ay mabubuhay tayo magpakailanman ( talata 50) at mananatili Siya sa atin ( talata 56).

Ang mga paanyaya ng Tagapagligtas

Ang mga pangako ng Tagapagligtas

  • Ano ang itinuturo sa iyo ng Kanyang mga paanyaya at pangako tungkol sa Kanya?

Ang salaysay tungkol kay Enos sa Aklat ni Mormon ay naglalarawan kung paano matutugunan ng Tagapagligtas ang ating espirituwal na pagkagutom. Maaari mong sabihin sa mga estudyante na basahin ang Enos 1:1–8 at ibahagi ang nalaman nila. Maaaring talakayin ng mga estudyante kung ano ang ginawa ni Enos upang matugunan ang kanyang pagkagutom at kung paano pinagpala ng Panginoon si Enos. Maaari ding pagnilayan ng mga estudyante kung paano makatutulong sa kanila ang halimbawa ni Enos upang matanggap nila ang espirituwal na pagkain o pangangalaga mula sa Tinapay ng Buhay.

Pagtanggap sa laman at dugo ng Tagapagligtas

Maraming taong nakarinig sa pangangaral ng Tagapagligtas ang may mga tanong tungkol sa ibig sabihin ng pagkain sa laman ng Tagapagligtas at pag-inom ng Kanyang dugo (tingnan sa Juan 6:52, 60).

Basahin ang sumusunod na pahayag ni Elder D. Todd Christofferson ng Korum ng Labindalawang Apostol upang mas maunawaan kung ano ang ibig sabihin ng mga salita ng Tagapagligtas at kung paano natin matatanggap ang Kanyang paanyaya.

Portrait of Elder D. Todd Christofferson. Photographed in March 2020.

Ang pagkain ng Kanyang laman at pag-inom ng Kanyang dugo ay isang di-karaniwang paraan para maipakita kung paano magiging lubos na bahagi ng ating buhay ang Tagapagligtas—sa ating pagkatao–upang tayo ay maging isa. …

… Kinakain natin ang Kanyang laman at iniinom ang Kanyang dugo kapag tinatanggap natin mula sa Kanya ang kapangyarihan at mga pagpapala ng Kanyang Pagbabayad-sala.

Nakasaad sa doktrina ni Cristo kung ano ang dapat nating gawin upang matanggap ang nagbabayad-salang biyaya. Iyon ay ang maniwala at manampalataya kay Cristo, magsisi at magpabinyag, at tanggapin ang Espiritu Santo, “at pagkatapos darating ang kapatawaran ng inyong mga kasalanan sa pamamagitan ng apoy at ng Espiritu Santo” [ 2 Nephi 31:17 ]. …

Binanggit ko ang tungkol sa pagtanggap ng nagbabayad-salang biyaya ng Tagapagligtas na mag-aalis ng ating mga kasalanan at ng mga batik ng mga kasalanang iyon sa atin. Ngunit ang matalinghagang pagkain ng Kanyang laman at pag-inom ng Kanyang dugo ay may mas malalim na kahulugan, at iyan ay ang taglayin ang mga katangian at pagkatao ni Cristo sa ating buhay, hubarin ang likas na tao at maging mga Banal “sa pamamagitan ng pagbabayad-sala ni Cristo, ang Panginoon” [ Mosias 3:19 ]. …

… Ang ibig sabihin ng kainin ang laman at inumin ang dugo ni Cristo ay magsikap na matamo ang kabanalan.

(D. Todd Christofferson, “Ang Tinapay na Buhay na Bumabang Galing sa Langit,” Ensign o Liahona, Nob. 2017, 36–38)

  • Paano mo ipaliliwanag ang ibig sabihin ng kainin ang laman at inumin ang dugo ng Anak ng Diyos?

  • Kailan mo sinunod, o ng iba pang tao, ang payo ni Elder Christofferson at nadama na tinugunan ng Tagapagligtas ang espirituwal na pagkagutom mo? Ano ang ginawa mo sa mga karanasang ito na sa iyong palagay ay nag-anyaya sa Tagapagligtas na tugunan ang pagkagutom na iyon?

Isipin kunwari na naroon ka sa panahon ng pangangaral ng Tagapagligtas sa Juan 6:22–58 . Sumulat ng isang journal entry na parang naroon ka. Isama ang sumusunod sa iyong entry:

  1. Ang natutuhan mo tungkol sa Tagapagligtas at ang natutuhan mo mula sa Kanya

  2. Anumang karanasan mo tungkol sa pagtugon ni Jesucristo sa iyong mga espirituwal na pangangailangan (o anumang karanasan ng iba)

  3. Mga gagawin na ipinahiwatig sa iyo ng Espiritu Santo na gawin mo at bakit

Kung may oras pa, hikayatin ang mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga entry sa klase o kapartner o sa maliliit na grupo. Maaari mong tapusin ang talakayan sa pagpapatotoo tungkol sa Tagapagligtas bilang Tinapay ng Buhay at pag-anyaya sa mga estudyante na magpatotoo rin.

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Bakit kaya itinuon ni Jesus ang mga tao sa kanilang mga espirituwal na pangangailangan sa halip na sa kanilang mga pisikal na pangangailangan?

Habang naglilingkod bilang miyembro ng Pitumpu, itinuro ni Elder Carlos H. Amado:

Former official portrait of Elder Carlos H. Amado of the First Quorum of the Seventy, 2008. Retouched version done in March 2009.

Bilang isang Simbahan, dapat nating pakainin ang nagugutom, paginhawain ang maysakit, damitan ang hubad, at bigyan ng matitirhan ang dukha. Gamit ang mga handog-ayuno naiibsan natin ang pangunahin at agarang mga pangangailangan ng mga miyembro, at sa planong pangkapakanan natutugunan ang pangmatagalan nilang mga pangangailangan. Kapag may mga kalamidad, sa pamamagitan ng mga serbisyong-pantao, tumutulong tayo sa ating mga kapatid na hindi miyembro ng Simbahan.

Hindi pinababayaan ang mga temporal na pangangailangang ito, Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, sa utos ng Panginoon, ay patuloy sa pinakadakila at masigasig na paglilingkod, na pagpalain ang lahat ng tao sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila ng doktrina ni Cristo at pag-anyaya sa kanila na tanggapin ang nakapagliligtas na mga ordenansa upang matamo nila ang “kawalang-kamatayan at buhay na walang hanggan” ( Mosias 1:39).

(Carlos H. Amado, “Paglilingkod, Isang Banal na Katangian,” Ensign o Liahona, Mayo 2008, 35–36)

Juan 6:56 . Ano ang ibig sabihin ng Tagapagligtas nang itinuro Niya na mananatili Siya sa atin?

Itinuro ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Former official portrait of Elder Carlos H. Amado of the First Quorum of the Seventy, 2008. Retouched version done in March 2009.

Mahalagang malaman na naparito si Jesucristo sa lupa upang mamatay para sa atin—iyan ay mahalagang bahagi ng doktrina ni Cristo. Ngunit kailangan din nating pasalamatan na hangad ng Panginoon, sa pamamagitan ng Kanyang Pagbabayad-sala at kapangyarihan ng Espiritu Santo, na mapasaatin—hindi lamang patnubayan tayo kundi palakasin din tayo.

(David A. Bednar, “Ang Pagbabayad-sala at ang Paglalakbay sa Mortalidad,” Ensign, Abril 2012, 42)

Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Nais ng Ama na lumapit ang lahat sa Kanyang Anak upang maligtas

Maaari mong sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang Juan 6:39–40 at i-cross reference ang mga talatang ito sa Moises 1:39 at Juan 3:16–17 . Sabihin sa kanila na pagnilayan kung paano nakatutulong sa kanila ang mga talatang ito na mas maunawaan ang hangarin ng Ama sa Langit na iligtas ang lahat ng Kanyang anak. Maaari silang magtuon sa itinuturo ng mga talatang ito at ng mga pangakong nakapaloob dito tungkol sa Ama sa Langit at sa misyon ni Jesucristo bilang Tinapay ng Buhay.

Juan 6:24–27, 48–50 . Pagpili sa espirituwal o walang hanggan kaysa sa makamundo o temporal

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na saliksikin ang mga talatang ito at pag-isipan ang mga dahilan kung bakit pinipili natin ang mga bagay na makamundo o temporal kaysa sa mga espirituwal na bagay. Maaari nilang i-cross reference ang mga talatang ito sa mga banal na kasulatan tulad ng 2 Corinto 4:18 , Mosias 2:41 , Doktrina at mga Tipan 25:10 , at iba pa. Maaari mong hilingin sa kanila na suriin ang sarili nilang mga desisyon sa araw-araw. Sabihin sa kanila na pagnilayan ang alam nila tungkol sa Tagapagligtas at sa plano ng kaligtasan na makatutulong sa kanila na mas magtuon sa mga espirituwal na bagay. Maaari silang tumukoy ng mga paraan kung paano nila maaaring unahin ang mga espirituwal na bagay kaysa sa kasalukuyan nilang ginagawa.

Juan 5:1–16 . “Ibig mo bang gumaling?”

Kung makikinabang ang mga estudyante sa pag-aaral tungkol sa pagpapagaling ni Jesucristo sa isang lalaki sa isang tipunan ng tubig sa Betesda, maaari mong gamitin ang karanasan sa pag-aaral na ito kapalit ng isa sa iba pang mga lesson.

Sabihin sa mga estudyante na basahin ang Juan 5:2–9 , at alamin ang bawat gamit ng salitang “gumaling.” Itanong sa mga estudyante kung ano sa palagay nila ang ibig sabihin ng salitang ito. Talakayin sa mga estudyante kung ano ang matututuhan nila tungkol sa at mula sa Tagapagligtas sa pakikipag-usap Niya sa lalaking ito.

Basahin ang talata 14 , at itanong kung ano ang idinaragdag nito sa pagkaunawa nila sa salitang “gumaling.” Sa anong mga paraan na “lalong masama” ang mga epekto ng kasalanang hindi napagsisihan kaysa sa nakapanghihinang pisikal na kalagayan ng lalaki sa loob ng 38 taon? Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na si Jesucristo, sa Kanyang karunungan, ay hindi palaging pinagagaling ang lahat ng pisikal na kahinaan, tulad ng hindi Niya pinagaling ang lahat ng tao sa araw na iyon (tingnan sa talata 3). Gayunpaman, magagawa at gagawin ng ating mapagmahal na Tagapagligtas na pagalingin ang lahat mula sa mga epekto ng kasalanan kung magsisisi at mananampalataya sila sa Kanya.

2:23