Seminary
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 8


Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 8

Isaulo ang mga Reperensya at Mahahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Larawan
A Bolivian boy reading scriptures.

Ang pagsasaulo ng mga scripture passage at katotohanang itinuturo sa mga ito ay makatutulong sa iyo sa maraming paraan. Sa buong taon, hihikayatin kang isaulo ang mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa bawat isa sa 24 na doctrinal mastery passage sa Bagong Tipan. Layunin ng lesson na ito na tulungan kang maisaulo ang ilan sa mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan mula sa unang 11 doctrinal mastery scripture passage sa Bagong Tipan.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na magdala ng mga kopya ng mga lumang magasin ng Simbahan na maaari nilang gupitin upang makagawa ng visual para sa pagsasaulo ng mga doctrinal mastery passage.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Maaaring kailanganing ituro ang isang doctrinal mastery passage lesson kapalit ng lesson sa pagrerebyu na ito. Tingnan ang iskedyul sa pagtuturo na ibinigay ng area o region director o coordinator upang matiyak na maituturo ang bawat doctrinal mastery passage lesson habang may klase sa seminary.

Para sa aktibidad ng lesson na ito, dalhin ang mga sumusunod na item sa klase: ilang kopya ng mga lumang nalimbag na magasin ng Simbahan, ilang gunting, pandikit, papel na may kulay, marker, at krayola. Maaari ding gamitin ng mga estudyante ang sarili nilang mga device upang maghanap ng mga larawan sa media library ng Simbahan.

Paggamit ng mga visual upang makatulong sa pagsasaulo

Maaari kang gumamit ng isang object lesson upang makatulong na mailarawan ang mga kapakinabangan ng paggamit ng mga visual upang makatulong sa pagsasaulo.

Isang paraan upang magawa ito ay sa pamamagitan ng paglalarawan ng isang sitwasyon o paglilista ng isang set ng mga bagay at pagkatapos ay sabihin sa mga estudyante na ulitin ang mga detalye. Pagkatapos ay gumamit ng isang visual, gaya ng mga larawan o drowing, upang maglarawan ng ibang sitwasyon o maglista ng ibang set ng mga bagay, at sabihin sa mga estudyante na ulitin ang mga detalyeng iyon. Itanong sa mga estudyante kung alin sa dalawang pamamaraan ang mas madali sa kanila upang maalala nila ang mga detalye.

Ang pagsasaulo ng mga doctrinal mastery scripture passage ay makatutulong sa iyo na maalala ang mga salita ng Tagapagligtas at maalala ang mga ito sa mga oras ng pangangailangan. Maraming iba’t ibang estratehiya na magagamit mo upang matulungan kang maisaulo ang mga banal na kasulatan. Ang lesson na ito ay magtutuon sa paggamit ng mga visual upang matulungan kang maisaulo nang lubos ang ilang mahahalagang parirala ng banal na kasulatan mula sa mga doctrinal mastery passage sa Bagong Tipan.

Ang sumusunod ay isang listahan ng unang 11 doctrinal mastery scripture passage sa Bagong Tipan. Maaari mong markahan ang mga scripture passage na ito kasama ang mahahalagang parirala ng banal na kasulatan ng mga ito kung hindi mo pa ito nagagawa.

Ipakita ang sumusunod na handout upang magamit ito ng mga estudyante bilang sanggunian hanggang sa matapos nilang gawin ang kanilang visual sa susunod na aktibidad.

Larawan
Doctrinal Master - Matthew - John

Reperensyang Banal na Kasulatan

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Lucas 2:10–12

“Sapagkat ipinanganak sa inyo ngayon sa lunsod ni David ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo, ang Panginoon.”

Juan 3:5

“Malibang ang isang tao’y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, hindi siya makakapasok sa kaharian ng Diyos.”

Juan 3:16

“Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay niya ang kanyang tanging Anak.”

Mateo 5:14–16

“Paliwanagin ninyo nang gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao.”

Mateo 11:28–30

“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nanlulupaypay at lubhang nabibigatan, at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan.”

Mateo 16:15–19

Sinabi ni Jesus, “Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian.”

Juan 7:17

“Kung ang sinuman ay nagnanais gumawa ng kalooban ng Diyos ay makikilala niya … ang turo.”

Mateo 22:36–39

“Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos. … Ibigin mo ang iyong kapwa.”

Lucas 22:19–20

Iniutos ni Jesucristo, tumanggap ng sakramento “sa pag-aalaala sa akin.”

Juan 17:3

“At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Diyos na tunay, at si [Jesucristo].”

Lucas 24:36–39

“Sapagka’t ang isang espiritu’y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.”

Paggawa ng visual

Depende sa laki ng klase, ang sumusunod na aktibidad ay maaaring gawin nang mag-isa, nang magkakapartner, o sa maliliit na grupo. Kung maaari, magdala ng mga lumang kopya ng mga magasin ng Simbahan sa klase upang magamit ng mga estudyante. Kung walang naka-print na larawan, sabihin sa mga estudyante na gumuhit ng sarili nilang mga larawan sa mga papel. Maaari kang gumawa ng isang visual kasama ang mga estudyante. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga visual sa katapusan ng aktibidad na ito.

Maghanap o gumuhit ng mga larawang makatutulong sa iyo na maalala ang reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan mula sa isa sa unang 11 doctrinal mastery scripture passage sa Bagong Tipan. Ang iyong gawa ay maaaring may isa o dalawang larawang makatutulong sa iyo na maalala ang buong mahalagang parirala ng banal na kasulatan, o maaari itong may iba’t ibang larawan para sa bawat salita sa mahalagang parirala ng banal na kasulatan. Habang tinatapos mo ang iyong gawa, isipin kung paano nauugnay kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo ang scripture passage na pinagtutuunan mo ng pansin.

Kapag natapos na ang mga estudyante, sabihin sa kanila na ibahagi ang kanilang gawa sa iba pa nilang mga kaklase.

Kung may oras pa, maaari ding maghanda ang mga estudyante ng maikling lesson tungkol sa scripture passage na napili nila na magagamit sa home evening o pag-aaral ng mga banal na kasulatan ng pamilya. Sabihin sa mga estudyante na maghanap ng paraan upang magamit ang visual na ginawa nila bilang bahagi ng kanilang lesson. Ang mga sumusunod na tanong ay maaaring gumabay sa mga estudyante habang inihahanda nila ang kanilang mga lesson:

  • Ano ang ipinauunawa sa atin ng scripture passage na ito tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo?

  • Paano makakaapekto sa iyong buhay ang mga katotohanan mula sa scripture passage na ito?

  • Ano ang mga naging karanasan mo na may kaugnayan sa mga katotohanang itinuturo sa scripture passage na ito?

Maaari mong hikayatin ang mga estudyante na magsanay sa pagsasaulo ng mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan nang mag-isa. Maaari din silang pumili ng ilang buong scripture passage na isasaulo.

Print