Seminary
Mateo 19:1–12


Mateo 19:1–12

Ang Kasal ay Inordena ng Diyos

Temple Marriage

Sumagot ng mga tanong si Jesucristo at nagturo ng katotohanan tungkol sa kasal at diborsyo. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maunawaan kung paano gumawa ng paraan ang Ama sa Langit at si Jesucristo upang magkaroon ka ng masayang kasal na walang hanggan sa iyong hinaharap.

Pagkilala sa mga estudyante mo. Habang nakikilala mo ang bawat estudyante, mas magiging handa kang makipag-ugnayan sa kanila nang personal. Pag-isipan nang maaga kung anong mga pahayag o paksa ang maaaring maging hindi komportable para sa ilang estudyante. Habang nagtuturo ka ng totoong doktrina, sikaping magturo nang may pagmamahal at malasakit sa bawat isa sa mga estudyante.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung ano ang magagawa nila ngayon upang makapaghanda para sa isang masayang buhay may-asawa. Hikayatin silang humingi ng payo mula sa isang taong kilala nila na masaya at mabuti ang buhay may-asawa.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang kasal ay bahagi ng plano ng Diyos

Magdala ng isang gulong ng bisikleta o magpakita ng larawan nito sa klase, at itanong ang sumusunod. (Maaaring gumamit ng anumang bagay na may sentro na mahalaga sa paggana nito.)

A bicycle wheel photographed against a white background.
  • Ano ang mangyayari sa gulong ng bisikleta na ito kung tatanggalin ang hub (ang gitna ng gulong)?

Basahin ang unang talata ng “ Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo ” (ChurchofJesusChrist.org), at alamin kung ano ang sentro sa plano ng kaligtasan ng Ama sa Langit.

Kami, ang Unang Panguluhan at ang Kapulungan ng Labindalawang Apostol ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, ay taimtim na nagpapahayag na ang kasal sa pagitan ng isang lalaki at ng isang babae ay inordena ng Diyos at ang mag-anak ang sentro ng plano ng Tagapaglikha para sa walang hanggang tadhana ng Kanyang mga anak.

(“ Ang Mag-Anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo ,” ChurchofJesusChrist.org)

  • Paano maihahambing ang papel na ginagampanan ng mga pamilya sa plano ng Diyos sa hub ng gulong?

  • Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng “inordena ng Diyos” ang kasal?

  • Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa nadarama mo ngayon tungkol sa kasal? (Piliin ang lahat ng naaangkop.)

Maaari mong ipakita ang mga sumusunod na opsiyon o gamitin ang online survey tool upang mapili ng mga estudyante ang kanilang (mga) sagot.

  • Nasasabik—“Inaasahan ko ito sa tamang panahon.”

  • Kinakabahan—“Makakahanap ba ako ng pakakasalan na makakasama ko sa kawalang-hanggan?”

  • Nag-aalala—“Masyado akong maraming nakikitang mag-asawa na malungkot at nagdidiborsyo.”

  • Nalilito—“Napakaraming iba’t ibang opinyon tungkol sa kasal.”

Maglaan ng oras upang maibahagi ng mga estudyante ang kanilang mga naiisip at nadarama tungkol sa kasal. Kapag alam mo ang nadarama nila, maaari itong humantong sa mas epektibong pag-aakma ng lesson.

Ang kasal ay nilayong maging walang hanggan

Sa panahon ng Bagong Tipan, iginigiit ng ilang tao na binibigyang-katwiran ng kautusan ni Moises ang diborsyo kahit sa maliit o makasariling dahilan. Nagturo ang Tagapagligtas ng mahahalagang katotohanan tungkol sa kasal bilang tugon sa mga tanong ng mga Fariseo tungkol sa diborsyo. Habang pinag-aaralan mo ang Kanyang mga turo, pagnilayan kung paano mo mapagkakatiwalaan ang itinuturo ng Tagapagligtas tungkol sa kasal kahit na iba ito sa itinuturo ng mundo.

Basahin ang Mateo 19:3–8 . Markahan ang mga salita o parirala na nagpapakita kung paano itinuturing ng Panginoon ang kasal. Tandaan na ang ibig sabihin ng “hiwalayan” sa mga talatang ito ay diborsyo, ang ibig sabihin ng “papaghiwalayin” ay paghihiwalay, at ang ibig sabihin ng “buhat sa pasimula” ay itinatag ng Diyos mula pa sa paglikha ng daigdig.

  • Anong mga katotohanan ang itinuro ni Jesucristo tungkol sa kasal at diborsyo na gusto mong maunawaan ng mas marami pang tao sa mundo? Bakit?

  • Anong mga partikular na parirala sa scripture passage na ito ang makatutulong sa iyo na maunawaan ang itinuturo ni Jesus?

  • Kung maaari kang magtanong sa Tagapaglitas tungkol sa kasal at pamilya gaya ng ginawa ng mga tao sa Mateo 19 , ano ang gusto mong malaman?

Maaari mong isulat sa pisara ang ilan sa mga tanong ng mga estudyante.

Ang isa sa mga katotohanang matututuhan natin mula sa mga turo ng Tagapagligtas ay ang kasal sa pagitan ng isang lalaki at isang babae ay isang sagradong ugnayang itinatag ng Diyos at nilayong manatili magpakailanman.

  • Paano makatutulong ang katotohanang ito sa pagsagot sa ilan sa mga tanong mo o sa tanong ng iba pang tao sa mundo tungkol sa kasal?

Nais ng Ama sa Langit na magtagal magpakailanman ang kasal. Bagama’t karaniwan na ang diborsyo sa mundo ngayon,itinuro ni Pangulong Dallin H. Oaks, “Karamihan sa mga problema sa pagsasama ng mag-asawa ay hindi diborsyo ang kalutasan kundi pagsisisi” (“Diborsyo,” Ensign o Liahona, Mayo 2007, 71). Ginawang posible ng ating Ama sa Langit na maging walang hanggan ang mga kasal at maging masaya at kuntento ang mga mag-asawa habang nagsisikap silang tuparin ang kanilang mga tipan, ipamuhay ang mga turo ng Tagapagligtas, at palaging ipamuhay ang alituntunin ng pagsisisi. Sa kasamaang-palad, kung minsan ay kailangan ang diborsyo. Tulad ng ipinaliwanag ni Pangulong Gordon B. Hinckley (1910–2008), “Maaaring may lehitimong dahilan paminsan-minsan upang magdiborsyo” (“What God Hath Joined Together,” Ensign, Mayo 1991, 74). Bagama’t dapat nating iwasang husgahan ang mga pagpapasyang ginagawa ng iba, mas maihahanda ng bawat isa sa atin ang ating sarili para sa kasal sa hinaharap na mananatili magpakailanman sa pamamagitan ng pagtitiwala sa Ama sa Langit at sa Kanyang Anak at pagkatutong sundin Sila nang buong puso.

  • Ano ang natutuhan mo tungkol sa Ama sa Langit nang malaman mo na nais Niyang manatili ang mga kasal magpakailanman?

Piliin kung alin sa mga natitirang aktibidad ang magiging pinakakapaki-pakinabang sa mga estudyante na magagawa sa natitirang oras.

Gamitin ang ilan sa mga sumusunod na resources para makapaghanap ng mga karagdagang katotohanan na makatutulong na masagot ang mga tanong mo o ng iba tungkol sa kasal. Pagnilayan kung paano makatutulong ang iyong kaalaman tungkol sa plano ng kaligtasan para masagot ang ilan sa mga tanong. Maghandang ibahagi ang natutuhan mo.

Maaari mong bigyan ang mga estudyante ng ilan sa mga karagdagang resources na matatagpuan sa bahaging “Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon” ng lesson. Maaaring makipagtulungan ang mga estudyante sa isang kapartner o maliit na grupo para sa aktibidad na ito.

  • Mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya o video ng Simbahan na nagtuturo tungkol sa kasal (maghanap sa ChurchofJesusChrist.org o sa indeks ng mga paksa ng mga isyu ng pangkalahatang kumperensya ng Liahona)

  • Isang pinagkakatiwalaang mahal sa buhay na may masayang buhay may-asawa na makokontak mo sa oras ng lesson

Pagkatapos mabigyan ang mga estudyante ng oras para makapag-aral, sabihin sa kanila na ibahagi ang natutuhan nila sa paraang nagtutulot sa kanila na makarinig ng maraming katotohanan. Halimbawa, maaaring lumibot ang mga estudyante sa silid, at ibahagi ang natutuhan nila sa maraming kaklase hangga’t maaari sa ibinigay na oras.

Matuto mula sa mabubuting halimbawa

Itinuro ni Pablo ang pagmamahal ng Tagapagligtas para sa Simbahan bilang isang halimbawa ng pagmamahal na dapat umiral sa buhay may-asawa. Basahin ang Efeso 5:25 , at isipin kung ano kaya ang mangyayari sa pagsasama ng mag-asawa kung inaalagaan ng mag-asawa ang isa’t isa gaya sa pangangalaga ng Tagapagligtas sa mga miyembro ng Kanyang Simbahan.

Kapag pinagtuunan ng pansin ang mga halimbawa ng mga mag-asawa na mabuti ang pagsasama, mapapalakas nito ang ating pananampalataya na ibibigay ng Diyos ang pagpapalang ito sa lahat ng tapat na naghahangad nito, kahit na kailangang maghintay ang ilan hanggang pagkatapos ng kanilang buhay sa lupa para sa pagpapalang ito.

Maaari kang mag-anyaya ng isang mag-asawa mula sa stake para tumulong sa pagtuturo ng lesson na ito, sumagot ng mga tanong, o magpatotoo sa kagalakang nagmumula sa pagsunod sa mga turo ni Jesucristo sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

A bicycle wheel photographed against a white background.
  • Sino ang naging halimbawa mo sa pagbuo ng isang masaya at mabuting buhay may-asawa? Anong mga katangiang tulad ng kay Cristo ang nakatulong sa kanila na magkaroon ng masaya at mabuting pagsasama ng mag-asawa?

  • Bakit mahalagang maghanda ka na ngayon para sa iyong pag-aasawa sa hinaharap?

Maaari kang magbahagi ng mga halimbawa ng masasayang buhay may-asawa at sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang natutuhan nila mula sa paanyaya na ibinigay sa paghahanda ng estudyante para sa lesson na ito.

Pagnilayan ang natutuhan mo sa lesson na ito tungkol sa papel na ginagampanan ng kasal sa plano ng Diyos at kung ano ang nadarama mo habang inaasam mo ang mangyayari sa iyo sa hinaharap.

  • Ano ang gagawin mo ngayon upang maihanda ang iyong sarili para sa kasal na walang hanggan?

  • Ano ang magagawa mo para makatanggap ng tulong mula sa Tagapagligtas upang makapaghanda?

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Ano ang mangyayari sa matatapat na tao na hindi nagkaroon ng pagkakataon para sa kasal na walang hanggan sa buhay na ito?

Sinabi ni Elder D. Todd Christofferson ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Portrait of Elder D. Todd Christofferson. Photographed in March 2020.

Ang ilan sa inyo ay hindi pinagpalang makapag-asawa sa ilang kadahilanan tulad ng kawalan ng mapupusuan, pagkaakit sa kaparehong kasarian, mga kapansanan sa katawan o pag-iisip, o dahil lang sa takot na mabigo na mas nananaig, kahit sa sandaling ito man lang, kaysa sa pananalig. …

… Buong pananalig naming pinatototohanan na ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo ay nakinita na ang lahat ng ito at pupunan, sa huli, ang lahat ng kasalatan at kawalan ng mga taong bumabaling sa Kanya. Walang sinumang nakatadhanang tumanggap ng mas kakaunti kaysa lahat ng mayroon ang Ama para sa Kanyang mga anak.

(D. Todd Christofferson, “Bakit Dapat Mag-asawa at Bumuo ng Pamilya,” Ensign o Liahona, Mayo 2015, 52)

Ano ang itinuro ng Panginoon tungkol sa legal na kasal ng magkaparehong kasarian?

Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson:

Official portrait of President Russell M. Nelson taken January 2018

Bilang mga miyembro ng Simbahan, iginagalang natin ang mga batas ng lupain at sinusunod ang mga ito, kabilang na ang kasal na sibil. Gayunpaman, ang totoo ay sa simula pa lang—sa simula—ang kasal ay inordena ng Diyos! At hanggang ngayon ay tinutukoy Niya ito na kasal sa pagitan ng isang lalaki at isang babae. Hindi binago ng Diyos ang Kanyang pakahulugan sa kasal.

(Russell M. Nelson, “The Love and Laws of God” [Brigham Young University devotional, Set. 17, 2019], speeches.byu.edu.)

Ano ang magagawa ko ngayon upang matulungan akong makahanap ng mabuting asawa sa tamang panahon?

Nagbahagi si Pangulong Tad R. Callister, na dating General Sunday School President, ng isang posibleng paraan upang masagot ang tanong na ito gamit ang isang bagay na itinuro sa kanya ng kanyang ina noong mga 17 taong gulang siya:

Brother Tad R. Callister, Sunday school General President. Official Portrait 2018.

Sinabi niya, “Tad, hinihiling mo ba sa Panginoon na tulungan kang makahanap ng isang mabuting asawa?”

… Sumagot ako ng, “Hindi po,” at sinagot niya ito ng, “Naku, dapat mong ipagdasal iyon, anak; iyon ang magiging pinakamahalagang desisyong gagawin mo.” Tumimo nang malalim ang kanyang mga salita sa puso ko, kaya sa sumunod na anim na taon, ipinagdasal kong tulungan ako ng Diyos na makahanap ng isang mabuting asawa. Ah, sinagot nga Niya ang panalanging iyon.

(Tad R. Callister, “Mga Magulang: Ang Pangunahing mga Guro ng Ebanghelyo sa Kanilang mga Anak,” Ensign o Liahona, Nob. 2014, 33)

Mateo 19:9 . Ayos lang bang muling ikasal pagkatapos ng diborsyo?

Sinabi ni Pangulong Dallin H. Oaks ng Unang Panguluhan:

Brother Tad R. Callister, Sunday school General President. Official Portrait 2018.

Ang uri ng kasal na kailangan para sa kadakilaan—na nagtatagal sa kawalang-hanggan at makadiyos—ay hindi nag-iisip ng diborsyo. … [Ngunit] dahil “sa katigasan ng [ating mga] puso” [ Mateo 19:8 ], hindi ipinatutupad ngayon ng Panginoon ang mga bunga ng paglabag sa selestiyal na pamantayan. Pinapayagan Niyang mag-asawang muli ang mga taong nakipagdiborsyo at hindi sila nagkasala [ng imoralidad na] tinukoy sa mas mataas na batas sa paggawa nito.

(Dallin H. Oaks, “Diborsyo,” Ensign o Liahona, Mayo 2007, 70)

Paano ako matutulungan ng aking pananampalataya sa Tagapagligtas habang naghahanap ako ng pakakasalan na makakasama ko sa kawalang-hanggan?

Itinuro ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Official Portrait of Elder Jeffrey R. Holland. Photographed January 2018.

Maniwala na ang inyong pananampalataya ay may malakas na impluwensya sa inyong pag-iibigan, dahil talagang gayon nga ito. May panganib kapag pinaghiwalay ninyo ang pakikipag-date sa pagkadisipulo. O, sa mas positibong pananalita, si Jesucristo, ang Ilaw ng Sanglibutan, ang tanging ilawan kung saan matagumpay ninyong makikita ang landas ng pagmamahal at kaligayahan para sa inyo at sa inyong kasintahan.

(Jeffery R. Holland, “How Do I Love Thee?” [Brigham Young University devotional, Peb. 15, 2000], speeches.byu.edu)