Seminary
Mateo 20:1–16


Mateo 20:1–16

Ang Talinghaga tungkol sa Mga Manggagawa sa Ubasan

Men and women working in a vineyard picking grapes. Outtakes include the Lord of the vineyard, hiring workers to work in the vineyard, people picking grapes, being paid for their labors and also some pictures of the surrounding countryside/landscape and people working on the film

Itinanong ni Pedro, “Iniwan namin ang lahat, at sumunod sa iyo; ano naman ang makakamit namin?” (Mateo 19:27). Sumagot ang Tagapagligtas sa pamamagitan ng pagbibigay ng talinghaga tungkol sa mga manggagawa sa ubasan. Itinuturo ng talinghagang ito na ang lahat ng pumipiling ilaan ang kanilang buhay sa Kanya ay makatatanggap ng ipinangakong gantimpala, kailan man sila nagsimulang tumahak sa landas ng tipan. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na makadama ng pag-asa na matatanggap mo ang mga pagpapalang ibinibigay ni Jesucristo sa pamamagitan ng Kanyang Pagbabayad-sala.

Pagsasalarawan sa mahihirap na talata. Maaaring mas maunawaan ng mga estudyante ang ilang mahihirap na scripture passage kung maaari nilang isadula o ilarawan sa ibang paraan ang mga ito. Sa pamamagitan nito, matutulungan ang mga estudyante na mas lubos na maunawaan ang mga pangyayari, tao, at detalye sa mga banal na kasulatan.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na gumawa ng listahan ng mga pagpapalang natanggap nila mula sa Panginoon dahil itinuro sa kanila ang ebanghelyo noong bata pa sila. Bilang alternatibo, maaari silang gumawa ng listahan ng mga oportunidad na maaaring mapalampas ng mga tao kung matanda na sila nang maturuan ng ebanghelyo. Sabihin sa mga estudyante na isipin kung ano ang matututuhan nila mula sa listahang ginawa nila.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Sa halip na gamitin ang sitwasyon sa ibaba, maaari mong gamitin ang aktibidad na ito, at iakma ito sa mga pangangailangan at laki ng bawat klase:

Anyayahan ang ilang handang estudyante na tumayo at hawakan ang kanilang mga banal na kasulatan o iba pang aklat gamit ang dalawang kamay at iunat ang kanilang mga bisig sa harapan nila nang 2 minuto. Pangakuan sila ng gantimpala (tulad ng maliliit na kendi) kung magagawa nila iyon sa itinakdang oras. Kada 30 segundo, magtawag ng iba pang mga estudyante para gawin din iyon, ngunit huwag silang pangakuan ng anumang partikular na gantimpala. Sa natitirang 30 segundo ng orihinal na 2 minuto, sabihin sa lahat ng natitirang estudyante na gawin din iyon. Kapag natapos na ang 2 minuto, sabihin sa lahat ng estudyante na ibaba ang kanilang mga bisig. Bigyan ang sinumang nakilahok, simula sa huling sumali, ng buong gantimpala na ipinangako sa mga unang nagboluntaryo.

Tanungin ang mga estudyante kung ano ang nadama nila tungkol sa aktibidad. Kung magrereklamo ang mga unang estudyante tungkol sa hindi patas na pagtrato sa kanila, itanong sa kanila kung bakit ganoon ang pakiramdam nila.

Isipin ang sumusunod na sitwasyon:

Kamakailan lang ay sumapi si Marisol sa Simbahan, kasama ang kanyang ina at lolo’t lola. Hindi nagtagal, pumanaw ang kanyang lolo. Iniisip ni Marisol kung matatanggap din ng kanyang lolo ang mga pagpapalang natatanggap niya, kahit kalaunan lang tinanggap ng kanyang lolo ang ebanghelyo sa buhay nito.

  • Ano ang sasabihin mo kay Marisol?

Itinuro ng Tagapagligtas sa Kanyang mga Apostol ang isang talinghaga na nagpapakita ng Kanyang pagmamalasakit sa lahat ng pumipiling sumunod sa Kanya. Sa buong oras ng lesson na ito, hingin ang inspirasyon ng Espiritu Santo habang naghahanap ka ng mga katotohanan na tutulong sa iyo na mas maunawaan ang mga naisin ng Tagapagligtas para sa atin.

Ang mga manggagawa sa ubasan

Maaari kang gumawa ng isang chart sa pisara na may mga blangkong espasyo para sa sumusunod na impormasyon tungkol sa bawat grupo ng mga manggagawa: oras ng pagsisimula, ipinangakong suweldo, oras ng trabaho, at halagang binayaran. Sabihin sa mga estudyante na kumpletuhin ang chart.

Habang pinag-aaralan mo ang talinghagang ito, makatutulong na malaman na ang isang karaniwang araw ng trabaho sa panahon ng Bagong Tipan ay malamang na nasa humigit-kumulang 12 oras, na nagsisimula nang maaga sa umaga at natatapos nang gabi. Ang salitang barya sa mga talatang ito ay tumutukoy sa isang denario, ang barya ng Roma na karaniwang ginagamit bilang bayad sa isang manggagawa para sa isang buong araw ng pagtatrabaho.

Basahin ang Mateo 20:1–7 , at alamin kung paano inupahan ng panginoon ng ubasan ang mga manggagawa.

3:0

Ipinaliwanag ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Official Portrait of Elder Jeffrey R. Holland. Photographed January 2018.

Sa panahong iyon ng Tagapagligtas, ang karaniwang manggagawa at kanyang pamilya ay umaasa lamang sa kita nila sa maghapon. Kung hindi ka nag-ani o nangisda o nagtinda, malamang na wala kang kakainin.

(Jeffrey R. Holland, “Ang mga Manggagawa sa Ubasan,” Ensign o Liahona, Mayo 2012, 31)

Tulungan ang mga estudyante na suriin ang talinghaga mula sa iba’t ibang pananaw ng bawat grupo ng mga manggagawa.

  • Sino sa palagay mo ang kinakatawan ng panginoon ng ubasan at ng mga manggagawa?

  • Ano sa palagay mo ang pakiramdam ng maging isa sa mga unang manggagawang inupahan sa maghapon?

  • Ano sa palagay mo ang naiisip at nadarama ng mga manggagawang naghihintay na maupahan sa paglipas ng araw?

Basahin ang Mateo 20:8–16 , at alamin kung paano nagtapos ang araw para sa lahat ng manggagawa.

3:0

Maaaring makatulong na malaman na ang maupahan ng panginoon ng ubasan sa talinghagang ito ay maaaring simbolo ng pakikipagtipan sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Ang bayad ay maaaring simbolo ng mga pagpapala ng buhay na walang hanggan.

Itanong ang ilan o ang lahat ng sumusunod na tanong (o iba pang mga tanong) para matulungan ang mga estudyante na matukoy ang mga banal na katangiang ipinakita ng panginoon ng ubasan.

  • Ano ang madarama mo sa panginoon ng ubasan kung isa ka sa mga unang inupahan? isa sa mga huling inupahan?

  • Sa paanong paraan ipinakita ng panginoon ng ubasan ang pagmamahal at pagmamalasakit niya sa lahat ng manggagawa?

  • Kapag naunawaan mo na ang panginoon ng ubasan ay maaaring kumatawan sa Ama sa Langit o kay Jesucristo, anong mga banal na katangian ang nakikita mo sa kanya?

  • Anong mga aral ang matututuhan mo sa talinghagang ito?

Ang awa ng Panginoon

Nagbahagi si Elder Jeffrey R. Holland ng mahahalagang katotohanan na matututuhan natin tungkol sa Panginoon mula sa talinghagang ito. Maaari mong panoorin ang video na “Ang mga Manggagawa sa Ubasan,” na makikita sa ChurchofJesusChrist.org, mula sa time code na 10:02 hanggang 11:42 o basahin ang sumusunod na teksto.

15:23
Official Portrait of Elder Jeffrey R. Holland. Photographed January 2018.

Ang talinghagang ito—gaya ng lahat ng talinghaga—ay hindi talaga tungkol sa mga manggagawa o sahod tulad din na ang ibang talinghaga ay hindi naman talaga tungkol sa mga tupa at kambing. Tungkol ito sa kabutihan ng Diyos, sa Kanyang tiyaga at pagpapatawad, at sa Pagbabayad-sala ng Panginoong Jesucristo. Ito ay kuwento tungkol sa kabaitan at pagkahabag. Ito ay tungkol sa biyaya. Binibigyang-diin nito ang ideyang narinig ko maraming taon na ang nakalilipas na ang bagay na lubhang ikinatutuwa ng Diyos sa pagiging Diyos ay ang pagiging maawain, lalo na sa mga taong hindi ito inaasahan at kadalasan ay nadarama na hindi sila karapat-dapat dito.

Hindi ko alam kung sino sa inyong narito ngayon ang kailangang makarinig sa mensaheng ito ng pagpapatawad na nasa talinghagang ito, ngunit gaano man ninyo iniisip na huli na kayo, gaano man karaming pagkakataon ang iniisip ninyong lumagpas sa inyo, gaano man karaming pagkakamali ang inaakala ninyong nagawa ninyo o mga talentong wala kayo, o gaano man kayo napalayo sa inyong tahanan at pamilya at sa Diyos, pinatototohanan ko na hindi pa rin kayo ganap na napalayo sa pag-ibig ng Diyos. Hindi posibleng lumubog kayo nang mas malalim kaysa kayang abutin ng walang-hanggang liwanag ng Pagbabayad-sala ni Cristo.

(Jeffrey R. Holland, “Ang mga Manggagawa sa Ubasan,” Ensign o Liahona, Mayo 2012, 32–33)

  • Isipin ang itinuro ni Elder Holland na alam mo nang totoo tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Paano mo nalaman na ito ay totoo?

  • Anong mga karagdagang ideya o damdamin ang mayroon ka tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo dahil sa natutuhan mo ngayon?

  • Paano makaiimpluwensya sa buhay mo sa araw-araw ang natutuhan mo?

Patotohanan ang awa ni Jesucristo at ang Kanyang pagnanais na pagpalain ang lahat ng lumalapit sa Kanya. Maaari kang magbahagi ng personal na karanasan o sabihin sa mga estudyante na angkop na ibahagi kung paano nila nadama ang Kanyang awa at biyaya.

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Ano ang layunin ng paggawa sa ubasan ng Panginoon?

Itinuro ni Pangulong Dallin H. Oaks ng Unang Panguluhan:

Official Portrait of President Dallin H. Oaks taken March 2018.

Ang gantimpala ng [Panginoon] sa Huling Paghuhukom ay hindi ibabatay sa kung gaano tayo katagal na nagtrabaho sa kanyang ubasan. Hindi natin nakakamit ang makalangit na gantimpala sa pamamagitan lamang ng pagtatala ng bilang ng oras ng paggawa. Ang mahalaga ay kung paano na ang ating pagtatrabaho sa pagawaan ng Panginoon ay naging dahilan para magkaroon tayo ng kahihinatnan. Para sa ilan sa atin, kakailanganin nito ng mas maraming oras kaysa sa iba. Ang [mahalaga ay] kung ano ang naging kinahinatnan natin sa bandang huli.

(Dallin H. Oaks, ““Ang Paghamon na Magkaroon ng Kahihinatnan,”,” Ensign, Nob. 2000, 34)

Itinuro ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Official Portrait of Elder Jeffrey R. Holland. Photographed January 2018.

Pinatototohanan ko ang nagpapabagong kapangyarihan ng pagmamahal ng Diyos at ang himala ng Kanyang biyaya. Ang mahalaga sa Kanya ay ang pananampalatayang kakamtin ninyo, hindi kung kailan ninyo ito natamo.

Kaya kung nakipagtipan na kayo, tuparin ninyo ang mga ito. Kung hindi pa, makipagtipan na kayo. Kung nakipagtipan na kayo at nilabag ninyo ang mga ito, magsisi at iwasto ang mga ito. Hindi pa huli kailanman hangga’t sinasabi ng Panginoon ng ubasan na may oras pa. … Huwag magpaliban. Baka mahuli na ang lahat.

(Jeffrey R. Holland, “Ang mga Manggagawa sa Ubasan,” Ensign o Liahona, Mayo 2012, 33)

Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Mensahe ni Elder Holland na “Ang mga Manggagawa sa Ubasan”

Depende sa pangangailangan ng mga estudyante, magagamit ang mensahe ni Elder Holland na “Ang mga Manggagawa sa Ubasan” (Ensign o Liahona, Mayo 2012, 31–33) upang magturo tungkol sa mga sumusunod:

  • pagdaig sa inggit at selos (tingnan sa mga talata 2–8 ng kanyang mensahe o sa time code na 0:23–7:08 ng video)

  • pagsasantabi sa mga dating kabiguan at pagsulong nang may pananampalataya (tingnan sa mga talata 9–11 o sa time code na 7:08–9:57)

Lucas 18:1–8, 35–43 . Ang talinghaga ng di-makatarungang hukom at ang pagpapagaling sa isang bulag na pulubi

Ang dalawang salaysay na ito ay maaaring ituro nang magkasama o magkahiwalay. Parehong inilalarawan ng mga ito ang alituntunin na kung tapat at masigasig tayo sa ating mga panalangin sa Ama sa Langit sa araw-araw at kapag nanampalataya tayo kay Jesucristo, matatamo natin ang Kanilang awa.

Sa talinghaga ng di-makatarungang hukom (tingnan sa Lucas 18:1–8), isang hukom na ayaw sanang magmalasakit sa isang balo ang nagpasyang tulungan siya dahil pagod na siya sa kanyang pagsamo. Itinuro ng Tagapagligtas ang talinghagang ito upang bigyang-diin na tiyak na maririnig at sasagutin ng Diyos “ang kanyang mga pinili na sumisigaw sa kanya araw at gabi” ( Lucas 18:7).

Paano inilarawan ang katotohanang ito sa buhay ng isang bulag na pulubi na nagsumamo para sa tulong ng Panginoon? (tingnan sa Lucas 18:35–43).

  • Sa paanong mga paraan makatutulong sa iyo ang pagsasabuhay ng alituntuning ito sa araw-araw?

  • Paano ipinakita ng Ama sa Langit ang Kanyang kagustuhan na sagutin ka, kahit hindi dumarating ang mga sagot na iyon sa panahon o paraang inaasahan natin?