Seminary
Juan 9


Juan 9

Pinagaling ni Jesus ang Isang Lalaking Bulag

Depiction of Jesus healing a blind man. For Mormon Channel use.

Pinagaling ni Jesus ang isang lalaking ipinanganak na bulag. Tinanong ng mga Fariseo ang lalaking ito at pinalayas siya mula sa sinagoga dahil tumanggi siyang tawaging makasalanan si Jesus dahil sa pagpapagaling sa araw ng Sabbath. Hinanap ng Tagapagligtas ang lalaki, at sinamba ng lalaki si Jesus bilang Anak ng Diyos. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maunawaan kung paano mapapalakas ang iyong patotoo sa pamamagitan ng pananatiling tapat sa nalalaman mo tungkol sa Tagapagligtas, maging sa paghihirap.

Pag-pause sa mga video para sa talakayan. Maaaring i-pause ang mga video kung kinakailangan upang makapagtanong, makapagbigay ng konteksto, o maanyayahang magtanong ang mga estudyante. Kapag naghahandang magturo gamit ang isang video, tingnan kung saang mga bahagi ka maaaring mag-pause upang matanong ang mga estudyante tungkol sa itinuturo ng video.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang mga pagkakataon na nanatili silang tapat sa nalalaman at pinaniniwalaan nila tungkol kay Jesucristo sa harap ng nararanasang pagsalungat.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Pananatiling tapat kay Jesucristo

Maaari mong ipasadula sa klase ang sitwasyon sa ibaba gamit ang mga rosas o iba pang bagay.

Kunwari ay binigyan ka ng isang kahon na naglalaman ng dilaw na rosas.

  • Paano ka tutugon kung sasabihin sa iyo na kulay rosas ito ng ibang tao na hindi nakakita sa rosas na nasa kahon?

Kung minsan ay maaaring may makaharap tayong mga indibiduwal o ideya na salungat sa ating kaalaman at mga patotoo tungkol kay Jesucristo. Bagama’t napatotohanan na sa atin ng Espiritu ang mga katotohanan tungkol kay Jesucristo, maaaring subukan ng iba na pabulaanan ang mga katotohanang iyon.

Maaaring may mga karanasan ang ilang estudyante na maaari nilang ibahagi tungkol sa mga pagkakataon na sinalungat sila sa nalalaman nila tungkol kay Jesucristo. Maaaring ibahagi ng mga estudyante ang naisip nila sa aktibidad sa paghahanda ng estudyante. Kung kinakailangan, maaari mong ibahagi ang halimbawa ni Joseph Smith sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:21–26 o ang isang personal na karanasan.

  • Nahaharap ka ba sa anumang pagsalungat sa iyong mga pagsisikap na manatiling tapat sa nalalaman mo tungkol kay Jesucristo?

  • Kung gayon, ano ang naging epekto nito sa buhay mo?

Maaari mong isulat sa pisara ang sumusunod na katotohanan upang maalala ito ng mga estudyante sa pag-aaral nila ng Juan 9 .

Sa Juan 9 , matututuhan mo ang tungkol sa isang lalaking bulag na pinagaling ng Panginoon. Ang isa sa mga alituntunin na matututuhan natin mula sa halimbawa ng lalaking ito ay kapag nanatili tayong tapat sa nalalaman natin tungkol kay Jesucristo kahit na nahaharap tayo sa pagsalungat, lalakas ang ating mga patotoo tungkol sa Kanya. Maghanap ng katibayan ng alituntuning ito habang pinag-aaralan mo ang salaysay sa Juan 9 .

Basahin ang Juan 9:1–12 , at alamin ang natutuhan ng lalaking bulag tungkol kay Jesus.

7:47
  • Sa bahaging ito, ano ang nalalaman ng lalaking ito tungkol kay Jesus?

Matapos gumaling ang lalaking bulag, nagtalo ang ilang tao kung siya ba talaga ang lalaking ipinanganak na bulag, habang iniisip naman ng iba kung paano siya napagaling. Dinala siya sa mga Fariseo, na nagalit dahil isinagawa ang himala sa araw ng Sabbath. Sinimulan nilang tanungin ang lalaki. Tinanong din ng mga Fariseo ang kanyang mga magulang, ngunit tumanggi ang kanyang mga magulang na sagutin ang mga Fariseo, dahil natakot silang mapalayas sa sinagoga kung susuporta sila kay Jesus. Muling tinanong ng mga Fariseo ang lalaki tungkol sa kanyang paggaling. (Tingnan sa Juan 9:13–34 .)

Basahin ang mga talata 11, 17, 25, at 30–33 , at isulat ang sinabi ng lalaki tungkol kay Jesus.

7:47

Maaari mong sabihin sa mga estudyante na ilista sa pisara ang iba’t ibang pahayag na ibinigay ng lalaki tungkol kay Jesus. Maaari ding makatulong sa mga estudyante na markahan ang mga pahayag na ito sa kanilang mga banal na kasulatan.

  • Sa kuwento ng lalaking bulag, anong katibayan ang nakita mo para sa alituntunin na kapag nanatili tayong tapat sa nalalaman natin tungkol kay Jesucristo kahit na nahaharap tayo sa pagsalungat, lalakas ang ating mga patotoo tungkol sa Kanya?

  • Sa iyong palagay, paano mas naunawaan ng lalaking ito kung sino si Jesus?

  • Ano ang itinuturo sa iyo ng mga pahayag ng lalaking ito tungkol kay Jesucristo?

Dahil patuloy na sinabi ng lalaki na si Jesus ay mula sa Diyos, pinalayas siya ng mga Fariseo sa sinagoga (tingnan sa Juan 9:34).

Basahin ang Juan 9:35–38 , at alamin kung paano nagministeryo ang Tagapagligtas sa lalaki.

7:47

Isipin ang mga pangangailangan ng mga estudyante, at pumili ng ilan sa mga sumusunod na tanong na tatalakayin. Maaaring makatulong sa mga estudyante na sagutin muna sa kanilang study journal ang mga napiling tanong bago talakayin ang mga ito ng buong klase.

Mga posibleng tanong sa talakayan

  • Paano napalakas ang patotoo ng lalaking ipinanganak na bulag nang manatili siyang tapat sa nalalaman niya tungkol sa Tagapagligtas?

  • Paano mapalalakas ang ating mga patotoo kay Jesucristo kapag matatag tayong naninindigan sa mga pagsalungat o sa mga pagsubok sa pananampalataya?

  • Ano ang matututuhan natin tungkol sa mga katangian ni Jesucristo mula sa pakikipag-ugnayan Niya sa lalaking ipinanganak na bulag?

  • Paano tinulungan ng Tagapagligtas ang lalaking bulag para mapalakas ang patotoo nito? Paano Niya tayo tinutulungan na palakasin ang ating mga patotoo?

  • Paano makatutulong sa iyo ang natutuhan mo tungkol sa Tagapagligtas sa salaysay na ito sa pagharap sa pagsalungat ngayon o sa hinaharap?

Maaari kang magbahagi ng personal na karanasan tungkol sa pananatiling tapat sa Tagapagligtas kapag nahaharap sa pagsalungat.

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Juan 9:1–3 . Bakit naniniwala ang mga disipulo ni Jesus na ang pagkabulag ng lalaki ay bunga ng kasalanan?

Itinuro ni Pangulong Boyd K. Packer (1924–2015) ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Final official portrait of Elder Boyd K. Packer, President of the Quorum of the Twelve Apostles, 2000. Passed away 3 July 2015.

Karaniwan na sa mga magulang ng mga batang [may kapansanan] na itanong sa kanilang sarili, “Ano ang nagawa naming pagkakamali?” Ang ideya na ang lahat ng pagdurusa ay tuwirang bunga kahit paano ng kasalanan ay itinuro na noon pa mang sinaunang panahon. Maling doktrina ito. Ang palagay na iyan ay tanggap din ng ilan sa mga naunang disipulo hanggang sa iwinasto sila ng Panginoon.

“Sa kanyang paglalakad, nakita niya ang isang lalaking bulag mula pa sa kanyang pagkapanganak.

“Tinanong siya ng kanyang mga alagad, Rabi, sino ang nagkasala, ang taong ito, o ang kanyang mga magulang, kaya siya’y ipinanganak na bulag?

“Sumagot si Jesus, Hindi dahil sa ang taong ito’y nagkasala, o ang kanyang mga magulang man: kundi upang mahayag sa kanya ang mga gawa ng Diyos.” ( Juan 9:1–3 .)

Hindi dapat makonsiyensya tungkol sa [mga kapansanan]. Ang ilang [kapansanan] ay maaaring bunga ng kawalang-ingat o pang-aabuso, at ang ilan ay bunga ng adiksiyon ng mga magulang. Ngunit karamihan sa mga ito ay hindi bunga ng mga ito. Ang mga pasakit ay dumarating sa mga walang-muwang.

(Boyd K. Packer, “The Moving of the Water,” Ensign, Mayo 1991, 7–8)

Ano ang naranasan ng lalaking bulag matapos manampalataya sa Tagapagligtas?

Itinuro ni Pangulong Howard W. Hunter (1907–95):

Howard W. Hunter

Ngayon, naibigay na ang paningin nang dalawang beses—ang una ay upang mapagaling ang pagkabulag mula pagkapanganak at ang pangalawa ay upang makita ang Hari ng mga Hari bago Siya umakyat sa Kanyang trono sa kawalang-hanggan. Pinagaling ni Jesus ang pisikal na paningin at ang espirituwal na paningin. Nagbigay Siya ng liwanag sa isang madilim na lugar, at tinanggap ng lalaking ito ang liwanag at nakakita tulad ng marami pang iba sa panahon niya at sa panahon natin ngayon.

(Howard W. Hunter, “The God That Doest Wonders,” Ensign, Mayo 1989, 16–17)

2:3

Ano ang pakiramdam ng makatanggap ng espirituwal na paningin sa ating buhay?

Itinuro ni Pangulong Thomas S. Monson (1927–2018):

Official portrait of President Thomas S. Monson, 2008.

Yaong mga nakadama ng dantay ng kamay ng Guro ay hindi maipaliwanag ang pagbabagong dumating sa kanilang buhay. May hangaring mamuhay nang mas mainam, maglingkod nang mas tapat, lumakad nang mapakumbaba, at maging higit na katulad ng Tagapagligtas. Nang mamulat ang kanilang mga matang espirituwal at masulyapan ang mga pangako ng walang hanggan, inuulit nila ang mga salita ng bulag na lalaking binigyan ng paningin ng Panginoon: “Isang bagay ang nalalaman ko, na, bagaman ako’y naging bulag, ngayo’y nakakakita ako.” [ Juan 9:25 ].

(Thomas S. Monson, “Sabik sa Paggawa,” Ensign o Liahona, Nob. 2004, 58)

Juan 9:22, 34–35 . Ano ang kahulugan ng mapalayas mula sa sinagoga?

“Ang mga sinagoga ay nagsilbing sentro ng relihiyon at pagtitipon ng maraming komunidad ng mga Judio. Sa mga sinagoga natatamo ang espirituwal na pag-aaral at pagsamba, gayon din ang mga oportunidad na pang-edukasyon at panlipunan. Dahil mahalaga ang sinagoga sa lipunan ng mga Judio, ang mapalayas mula sa sinagoga … ay hindi lamang nangangahulugang ikaw ay natiwalag at hindi na kasama sa mga gawaing panrelihiyon ng komunidad. Nangangahulugan din ito na hindi ka na kasali sa mga gawaing pangkultura at panlipunan. Ang kaparusahang ito ay tila matindi kaya ayaw masangkot ng mga magulang ng lalaking ipinanganak na bulag sa pagsisiyasat tungkol sa himalang ito” (New Testament Student Manual [2014], 230).

Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Juan 9:1–7 . Maaaring gamitin ng Diyos ang ating mga pagdurusa upang maipakita ang Kanyang mga gawa at kapangyarihan

Maaari mong gamitin ang Juan 9:1–7 upang ituro ang sumusunod na katotohanan: Maaaring gamitin ng Diyos ang ating mga pagdurusa upang maipakita ang Kanyang mga gawa at kapangyarihan.Ang ilan sa mga pahayag sa bahaging “Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon” ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan ang alituntuning ito. Maaaring talakayin ng mga estudyante kung paano makaiimpluwensya ang salaysay sa mga talatang ito sa paraan ng pagtingin nila sa sarili nilang mga pagdurusa pati na rin sa pagdurusa ng iba. Maaari ding magbahagi ang mga estudyante ng mga personal na karanasan na may kaugnayan sa alituntuning ito. Maaaring makatulong na ipaalala sa mga estudyante na huwag magbahagi ng mga karanasang masyadong personal o pribado.

Ang katulad na alituntunin ay nasa mga materyal na Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin (tingnan sa “Abril 24–30. Juan 7–10: ‘Ako ang Mabuting Pastol,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: Bagong Tipan 2023). Maaaring gamitin ng mga estudyante ang anumang karanasan o natutuhan nila mula sa pag-aaral nang mag-isa o kasama ang pamilya.

Isang alternatibong konklusyon sa lesson

Upang matulungan ang mga estudyante na maipamuhay ang mga alituntunin mula sa lesson na ito, bigyan sila ng kopya ng sumusunod na diagram. Sabihin sa mga estudyante na takpan ang kanilang kaliwang mata at hawakan ang diagram at iunat ang braso. Sabihin sa kanila na tingnan ang plus sign (+) gamit ang kanilang kanang mata at dahan-dahang ilapit ang papel sa kanilang mukha. Sa bahaging ito, ang itim na bilog sa kanan ay dapat mawala sa kanilang peripheral vision. (Maaari mong ipaliwanag na ang bahagi kung saan nawala ang tuldok ay tinatawag na blind spot.)

A plus sign and a black dot inside a rectangle.

Ipaliwanag na kapag ina-adjust ng mga estudyante ang layo ng papel mula sa kanilang mga mata, makikita muli ang itim na tuldok. Sabihin sa kanila na pagnilayan ang sumusunod na tanong: Kung ang tuldok sa diagram ay kumakatawan sa Tagapagligtas, anong mga pag-aakma ang magagawa mo sa iyong buhay upang mas malinaw mong makita ang Tagapagligtas? Bigyan ng oras ang mga estudyante na maisulat sa kanilang study journal ang gagawin nila.