Seminary
Juan 7


Juan 7

Gawin ang Kalooban ng Diyos upang Makilala ang Kanyang Turo

Jesus Christ is teaching in the temple and being approached by the chief priests, elders and scribes who ask Him the source of his authority. Christ questions them whether the baptism of John the Baptist was of heaven or of man. Outtakes include closeups of people in the crowd and of Caiaphas.

Sa panahon ng Pista ng mga Tabernakulo sa Jerusalem, ipinaliwanag ni Jesus kung paano malalaman ng sinuman para sa kanilang sarili na ang doktrinang itinuro Niya ay mula sa Ama sa Langit. Ang lesson na ito ay tutulong sa iyo na matuklasan kung ano ang gagawin mo upang malaman ang katotohanan ng mga turo ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.

Pagsasali sa mga estudyante. Maghanap ng mga paraan upang mahikayat ang lahat ng estudyante na makibahagi sa klase. Itinuro ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol na ang ating mithiin ay tulungan ang mga estudyante na “umasa sa kanilang sariling espirituwal na kakayahan … habang tinutulungan natin silang matuto sa pamamagitan ng paggawa” (“Seek Learning by Faith” [mensahe sa Church Educational System, Peb. 3, 2006], byu.edu).

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung sino o ano ang pinakanakaimpluwensya sa kanila sa pagkakaroon ngayon ng kaalaman at paniniwala tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang mga turo. Sabihin sa kanila na isulat ang naisip nila sa isang papel at dalhin ang papel sa klase.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Iba’t ibang paniniwala tungkol kay Jesucristo

  • Ano ang ilang paniniwala ng mga tao tungkol sa kung sino si Jesucristo?

  • Bakit mahalagang malaman mo ang katotohanan tungkol kay Jesucristo anuman ang isipin ng iba?

Kung nakumpleto ng mga estudyante ang aktibidad sa paghahanda ng estudyante, maaari mo silang anyayahang ibahagi ang isinulat nila.

Pag-isipan sandali kung ano ang nakaimpluwensya sa iyong mga paniniwala tungkol kay Jesucristo. Alamin kung anong mga materyal o sources ang madalas mong gamitin para maghanap ng katotohanan, at pagnilayan kung paano naiimpluwensyahan ng mga ito ang iyong mga paniniwala. Habang nag-aaral ka ngayon, alamin kung ano ang maaari mong gawin upang malaman ang katotohanan tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang mga turo.

Dahil maraming gustong pumatay kay Jesus sa Jerusalem, pumunta Siya sa Pista ng mga Tabernakulo nang palihim (tingnan sa Juan 7:1, 10). Habang hinahanap ng mga Judio si Jesus, at sa buong pista, ibinahagi ng mga tao sa isa’t isa ang kanilang magkakaibang opinyon tungkol sa kung sino si Jesus.

Ipakita o kopyahin ang chart sa pisara. Maaari mong hatiin ang mga talata at tanong sa mga estudyante upang hindi masyadong magtagal sa bahaging ito ng lesson.

Juan 7:12, 40–41

Ano ang iba’t ibang ideya ng mga tao tungkol sa kung sino si Jesus?

Juan 7:31

Bakit naniniwala ang ilang tao kay Jesus?

Juan 7:41–42, 52

Bakit pinag-uusapan ng mga tao ang pinagmulan ni Jesus?

Juan 7:45–46

Ano ang napansin kay Jesus ng mga kawal na inutusang dumakip sa Kanya?

Juan 7:47

Paano inilarawan ng mga Fariseo ang sinumang naniniwala kay Jesus?

  • Anong mga dahilan ang ibinigay ng mga tao kung bakit sila naniniwala o hindi naniniwala kay Jesucristo?

  • Ano ang ilang opinyon ng mga tao tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang mga turo ngayon?

  • Paano natin malalaman ang katotohanan tungkol kay Jesucristo at sa mga itinuturo Niya?

Pag-alam sa katotohanan tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang mga turo

Sa Pista ng mga Tabernakulo, nagpunta si Jesus sa templo upang magturo. Ipinaliwanag Niya sa mga tao roon na ang doktrinang itinuro Niya at Siya mismo ay mula sa Ama sa Langit (tingnan sa Juan 7:14, 16–18, 28–29)

Basahin ang Juan 7:17 , at alamin ang sinabi ni Jesus na magagawa ng mga tao upang malaman na totoo ang itinuro ni Jesus at isinugo Siya ng Ama sa Langit.

Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang mga alituntunin na matututuhan nila mula sa talatang ito. Isulat sa pisara ang mga pahayag na ibabahagi ng mga estudyante.

Ang isang alituntunin na matututuhan natin mula sa talatang ito ay kung gagawin natin ang kalooban ng Ama sa Langit, malalaman natin na totoo ang Kanyang turo.

Ibig sabihin ng paggawa ng kalooban ng Ama sa Langit ay mamumuhay tayo ayon sa nais Niya. Palaging ipinamumuhay at itinuturo ng Tagapagligtas na si Jesucristo ang kalooban ng Ama sa Langit.

  • Anong mga halimbawa ang maibabahagi mo tungkol sa pagsunod ni Jesus sa kalooban ng Ama?

  • Ano ang maaaring maging mahirap tungkol sa pagpapamuhay ng isang alituntunin na hindi pa natin alam na totoo?

Ibinigay ni Pangulong Bonnie L. Oscarson, dating Young Women General President, ang sumusunod na payo tungkol sa pag-alam sa katotohanan:

Official portrait of Bonnie Lee Green Oscarson, Young Women general president, 2013. Sustained at the April 2013 general conference.

Kung minsan ay kabaligtaran ang ginagawa natin. Halimbawa, maaaring ganito ang pamamaraan natin: Handa akong sundin ang batas ng ikapu, pero kailangan ko munang malaman kung ito ay totoo. Siguro ipinagdarasal pa natin na magkaroon ng patotoo tungkol sa batas ng ikapu at umaasa na ibibigay sa atin ng Panginoon ang patotoong iyan bago pa man natin sulatan ang tithing slip. Hindi sa ganyang paraan mangyayari iyan. Inaasahan ng Panginoon na mananalig tayo. Dapat ay patuloy tayong magbayad ng buo at tapat na ikapu para magkaroon tayo ng patotoo sa ikapu. Angkop din ito sa lahat ng alituntunin ng ebanghelyo ito man ay batas ng kalinisang-puri, alituntunin ng disenteng pananamit, Word of Wisdom, o batas ng ayuno.

(Bonnie L. Oscarson, “Magbalik-loob Kayo,” Ensign o Liahona, Nob. 2013, 77)

  • Sa iyong palagay, bakit nais ni Jesucristo na malaman natin na nagmumula sa Ama sa Langit ang Kanyang turo at totoo ito?

  • Paano rin makatutulong sa atin ang kaalamang totoo ang turo ni Jesucristo para makilala natin Siya?

Tulungan ang mga estudyante na mapalalim ang kanilang pag-unawa sa alituntuning itinuro sa Juan 7:17 . Ang isang paraan upang magawa ito ay magbahagi ng mga karanasan ng mga taong nagkaroon ng patotoo tungkol sa katotohanan sa pamamagitan ng pagkilos ayon dito.

Upang maituro ang alituntunin sa Juan 7:17 , may ilang halimbawang video na kasama sa bahaging “Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral” sa katapusan ng lesson na ito. Maaari ding anyayahan ang mga estudyante na magbahagi ng mga karanasan o gawin ang sumusunod na aktibidad.

Pumili ng isa sa mga turo ng Panginoon na nais mong mapalakas pa ang iyong patotoo tungkol dito. Para sa ilang ideya tungkol sa Kanyang mga turo, maaari kang maghanap ng mga mensahe para sa mga kabataan sa huling pangkalahatang kumperensya. Maaari ka ring maghanap ng mga ideya sa buklet na Para sa Lakas ng mga Kabataan (2011) o sa magasin na Para sa Lakas ng mga Kabataan. Anyayahan ang Espiritu na tulungan kang pumili ng isa sa mga turo ng Panginoon na pagtutuunan mo na lubos na magpapala sa iyo sa panahong ito ng iyong buhay.

Isulat ang turong pinili mo sa itaas ng isang blangkong pahina sa iyong study journal o sa isang blangkong papel. Ngayon, mag-isip ng simpleng larawan o bagay na maidodrowing mo upang kumatawan sa turong ito, at idrowing ito sa gitna ng iyong papel.

Halimbawa, maaaring pinili mong palakasin ang iyong patotoo sa Aklat ni Mormon bilang salita ng Diyos. Maaari kang magdrowing ng simpleng larawan ng Aklat ni Mormon.

Upang matulungan ka na makaisip ng mga kinakailangang gawin upang magkaroon ng patotoo tungkol sa turong pinili mo, mag-isip ng iba’t ibang gawain na maaaring nais ng Ama sa Langit na gawin mo na may kaugnayan sa turo. Magsulat ng kahit tatlong gawain sa paligid ng larawang idinrowing mo.

Isipin kung paano maaaring makaimpluwensya sa iyong ugnayan sa Ama sa Langit at kay Jesucristo ang pagkakaroon ng mas malakas na patotoo sa turong ito.

  • Anong mga balakid ang maaaring makahadlang sa iyo sa pagpapamuhay ng turong ito? Paano mo madadaig ang mga balakid na ito?

  • Ano ang mahalagang maunawaan tungkol sa panahon at pagsisikap na maaaring kailanganin upang malaman na mula sa Diyos ang turong ito?

Maaari mong sabihin sa mga estudyante na ibahagi sa maliliit na grupo kung ano ang isinulat at idinrowing nila at kung anong turo ang pinagtuunan nila.

Maaari mong ibahagi ang iyong mga plano sa isang kapamilya na makatutulong sa iyo na maipamuhay ang turo at malaman na nagmula ito sa Diyos.

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Juan 7:2 . Ano ang Pista ng mga Tabernakulo?

Ang Pista ng mga Tabernakulo (tinatawag ding Pista ng mga Kubol o Kubo) ay nagsisimula at nagtatapos sa araw ng Sabbath, kaya walong araw ang pagdiriwang nito. Bahagi ng pagdiriwang na ito ang pagtatayo ng mga pansamantalang kubo na gawa sa mga sanga ng puno. Nananatili ang mga tao sa mga kubo na ito sa panahon ng pista upang ipaalala sa kanila na pinagpala ng Diyos ang Kanyang mga tao sa loob ng 40 taon habang naninirahan sila sa ilang ng Sinai.

Juan 7:17 . Ano ang kahalagahan ng paghahanap ng katotohanan sa pamamagitan ng pagsunod?

Sinabi ng Tagapagligtas sa Kanyang mga disipulo na malalaman ng mga taong patuloy na sumusunod sa Kanyang mga turo ang katotohanan at ang katotohanang ito ang magpapalaya sa kanila (tingnan sa Juan 8:31–32).Ipinaliwanag ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf ng Korum ng Labindalawang Apostol kung bakit nanaisin nating magsikap na magkaroon ng personal na patotoo sa katotohanan.

Official portrait of Elder Dieter F. Uchtdorf of the Quorum of the Twelve Apostles, 2006. Called as Second Counselor in the First Presidency, 3 February 2008. Made official portrait in 2008 replacing portrait taken in 2004.

Maaaring sabihin ng ilan na napakahirap sundin ang mga hakbang o hindi ito sulit na pagsikapan. Ngunit sinasabi ko na ang personal na patotoong ito sa ebanghelyo at sa Simbahan ang pinakamahalagang bagay na maaari ninyong matamo sa buhay na ito. Hindi lamang ito magpapala at gagabay sa inyo sa buhay na ito, kundi may tuwirang epekto rin ito sa inyong buhay sa buong kawalang-hanggan.

(Dieter F. Uchtdorf, “Pagtanggap ng Patotoo sa Liwanag at Katotohanan,” Ensign o Liahona, Nob. 2014, 22)

Juan 7:39 . Bakit sinabi ni Juan na “[hindi pa ipinagkakaloob ang Espiritu Santo]”?

Ang tinukoy lamang ni Juan “na wala ay ang kaloob na Espiritu Santo, dahil gumagana ang kapangyarihan ng Espiritu Santo sa mga ministeryo nina Juan Bautista at Jesus; dahil kung hindi, walang makatatanggap ng patotoo tungkol sa mga katotohanang itinuro ng kalalakihang ito [ Mateo 16:16–17 ; tingnan din sa 1 Corinto 12:3 ]” (Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “ Espiritu Santo ”).

Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Mga video ng mga halimbawa ng pagsunod na humahantong sa pagkakaroon ng patotoo

Ang mga sumusunod na video ay nagpapakita ng mga halimbawa ng mga taong namuhay ayon sa ebanghelyo at nagkaroon ng patotoo sa pamamagitan ng kanilang tapat na pagsunod. Maaari mong ipanood ang isa o lahat ng video na ito upang mahikayat ang mga estudyante na kumilos nang may pananampalataya at hangaring magkaroon ng sariling patotoo tungkol sa mga turo ng Ama sa Langit.

Video 1: Inilarawan ni Pangulong Bonnie L. Oscarson, dating Young Women General President, kung ano ang buhay bilang tinedyer noong 1960s. Sa pagsunod niya sa Word of Wisdom, pinagtibay sa kanya ng Espiritu Santo ang katotohanan ng alituntuning iyon ng ebanghelyo. (Tingnan sa Bonnie L. Oscarson, “Magbalik-loob Kayo,” Ensign o Liahona, Nob. 2013, 77.)

11:33

Video 2: Ipinaliwanag ni Pangulong Henry B. Eyring ng Unang Panguluhan kung paano siya tinulungan ng Ama sa Langit na maunawaan ang katotohanan tungkol sa mga walang hanggang pamilya nang gawin niya ang kanyang bahagi na iwasang makipagtalo at maghatid ng kapayapaan sa kanyang tahanan. (Tingnan sa Henry B. Eyring, “Isang Buhay na Patotoo,” Ensign o Liahona, Mayo 2011, 126–27).

2:3