Seminary
Juan 7–10


Juan 7–10

Buod

Habang nasa Jerusalem noong panahon ng Pista ng mga Tabernakulo, itinuro ni Jesus sa mga tao na kung gusto nilang malaman kung mula sa Diyos ang doktrinang itinuro Niya, kailangan nilang ipamuhay ito. Tinulungan Niya ang isang babaeng nahuli sa pangangalunya. Nagpatotoo si Jesus na Siya ang Ilaw ng Sanlibutan at pinagaling Niya ang isang lalaking ipinanganak na bulag. Itinuro ni Jesus na Siya ang Mabuting Pastol.

Maghandang Magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Juan 7

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na matuklasan kung ano ang maaari nilang gawin upang malaman ang katotohanan ng mga turo ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung sino o ano ang pinakanakaimpluwensya sa kanila sa pagkakaroon ngayon ng kaalaman at paniniwala tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang mga turo. Sabihin sa kanila na isulat ang naisip nila sa isang papel at dalhin ang papel sa klase.

  • Content na ipapakita: Ang pahayag ni Pangulong Bonnie L. Oscarson

  • Mga materyal para sa mga estudyante: Pag-access sa Para sa Lakas ng mga Kabataan (buklet, 2011), sa digital o print form

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Ang mga banal na kasulatan na nasa chart ay maaaring hatiin sa mga estudyante sa mga breakout group. Maaaring maghanda ang bawat estudyante na ibahagi ang sinabi ni Jesucristo na nabasa nila.

Doctrinal Mastery: Juan 7:17

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na maisaulo ang doctrinal mastery reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan na ito, maipaliwanag ang doktrina, at maipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa isang sitwasyon sa totoong buhay.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang iba’t ibang kautusan, turo, o doktrina ng Tagapagligtas na dapat pagsikapang sundin ng mga tinedyer upang magkaroon ng patotoo tungkol dito.

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari mong ipakita ang content para sa Juan 7:17 sa Doctrinal Mastery mobile app. (Para ma-access ang content na ito, i-click ang button na Isaulo, at pagkatapos ay hanapin ang Juan 7:17.) Maaaring gamitin ng mga estudyante ang app upang maisaulo ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan nang magkakasama.

Juan 8

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na magkaroon ng kaalaman tungkol sa katangian ni Jesucristo at matulungan silang madama ang kapangyarihan ng Kanyang awa.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng isang pagkakataon na naawa sila sa isang tao, o nangailangan o umasam sila ng awa.

Juan 9

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na maunawaan kung paano mapalalakas ang kanilang patotoo tungkol sa Tagapagligtas sa pamamagitan ng pananatiling tapat sa nalalaman nila tungkol sa Kanya, kahit na nakararanas sila ng paghihirap.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang mga pagkakataon na nanatili silang tapat sa nalalaman at pinaniniwalaan nila tungkol kay Jesucristo sa harap ng nararanasang pagsalungat.

Juan 10

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na makadama ng mas malaking tiwala kay Jesucristo bilang kanilang Pastol, at madagdagan ang kanilang hangaring pakinggan ang Kanyang tinig at sumunod sa Kanya.

  • Paghahanda ng estudyante: Ipabasa sa mga estudyante ang tala na “ Mabuting Pastol ” sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan. Sabihin sa kanila na maghandang sagutin ang tanong na “Bakit magandang paglalarawan kay Jesucristo ang titulong ‘Mabuting Pastol’?”

  • Content na ipapakita:Larawan ng Mabuting Pastol

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Gamitin ang whiteboard feature upang makagawa ng listahan ng mga natututuhan ng mga estudyante tungkol kay Cristo bilang Mabuting Pastol na maaari nilang dagdagan habang patuloy na tinatalakay ang lesson.