Seminary
Lucas 22:47–71; Juan 18:1–27


Lucas 22:47–71; Juan 18:1–27

“Hindi Ko ba Iinuman ang Kopang Ibinigay sa Akin ng Ama?”

Judas is giving Jesus a kiss on the cheek, a band of men with torches are behind them. Outtakes include soldiers and men with torches leaving, Peter with a knife in his hand with the savior on the ground healing the wounded man, the people who want to arrest Jesus coming with torches, Peter about to cut the man’s ear, Jesus talking to Judas, Jesus looking at Judas, some of the mob, Jesus healed the man, the backs of James and John watching as Jesus is being taken away, Judas stepping forth from the crowd, Jesus allowing the soldier to bind his hands, and Jesus on the ground with the wounded man, looking up at his disciples.

Si Jesucristo ay lubos na tapat sa paggawa ng kalooban ng Ama sa Langit. Makikita ito lalo na sa Kanyang pagdurusa sa Halamanan ng Getsemani, sa kasunod na pagdakip sa Kanya, at sa mga pangyayaring humantong sa Pagpapako sa Kanya sa Krus. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na matularan ang halimbawa ni Jesucristo sa pamamagitan ng pagpili sa kalooban ng Ama sa Langit sa iyong buhay.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng isang pagkakataon kung kailan pinili nilang gawin ang nais ng Ama sa Langit sa halip na ang sariling kagustuhan nila. Sabihin sa mga estudyante na isipin kung ano ang mahirap at kung bakit nila ito pinili.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Unahin ang kalooban ng Ama sa Langit at hindi ang ating sariling kagustuhan

Upang matulungan ang mga estudyante na pag-isipan ang mga hirap ng pag-uuna sa kalooban ng Ama sa Langit at hindi ang ating sariling kagustuhan, maaari mong gamitin ang sumusunod na sitwasyon. Maaaring anyayahan ang isang estudyante na pumunta sa harap ng klase upang ibahagi ang kanyang mga saloobin tungkol sa mga pagpipiliang ipinakita sa sitwasyon.

Drawing of two doors and siding.

Ipakita ang larawan sa itaas, o gumuhit ng dalawang simpleng pinto sa pisara.

Ipagpalagay na nakatayo ka sa harapan ng dalawang pinto. Kapag pinili mong pumasok sa unang pinto, susundin mo ang kalooban ng Ama sa Langit, ngunit may kakaharapin kang mahirap na pagsubok. Kapag pinili mong pumasok sa pangalawang pinto, matatakasan mo ang pagsubok, ngunit hindi mo magagawa ang nais ng Ama sa Langit para sa iyo.

  • Bakit maaaring piliin ng isang tao ang unang pinto? ang pangalawang pinto?

  • Ano ang alam mo tungkol sa Ama sa Langit na makatutulong sa iyo na piliing pumasok sa unang pinto?

Maglaan ng ilang sandali upang pagnilayan ang buhay ni Jesucristo at kung paano natutulad ang pagpili sa unang pinto sa kung paano Niya piniling mamuhay. Sa lesson ngayon, magkakaroon ka ng pagkakataong basahin ang tungkol sa mga piniling gawin ng Tagapagligtas sa nalalapit na pagtatapos ng Kanyang buhay sa lupa. Habang nag-aaral ka, alamin kung ano ang nagbibigay-inspirasyon sa iyo tungkol sa mga ginawa ni Jesucristo.

Si Jesucristo ay ipinagkanulo at dinakip sa Getsemani

Sa Halamanan ng Getsemani, hiniling ni Jesucristo sa Kanyang Ama na “ilayo mo sa akin ang kopang ito,” ngunit nilinaw Niya na tapat Siya sa paggawa ng kalooban ng Ama nang sabihin Niyang, “Gayunma’y huwag ang kalooban ko ang mangyari kundi ang sa iyo” ( Lucas 22:42). Ang kopang sinabi ni Jesus ay tumutukoy sa Kanyang pagdurusa at kamatayan.

Basahin ang Juan 18:1–4 , at alamin kung paano patuloy na ipinakita ng Tagapagligtas ang Kanyang pagiging tapat sa paggawa ng kalooban ng Ama sa Langit.

Gumawa ng listahan ng ilan sa mahihirap na bagay na alam ni Jesus na “mangyayari sa Kanya” sa mga darating na oras ngunit tinanggap Niya ( talata 4).

Basahin ang Juan 18:5–11 , at alamin kung paano tumugon ang Tagapagligtas sa mga armadong mandurumog na dumating upang dakpin Siya.

Para sa mga karagdagang detalye na hindi itinala ni Juan na nagpapakita ng kamangha-manghang pagmamahal at determinasyon ni Jesucristo, basahin ang Mateo 26:52–54 at Lucas 22:50–51 .

Drawing of two doors and siding.
  • Ano ang hinangaan mo sa pagharap ni Jesus sa mga armadong mandurumog?

  • Ano ang ipinauunawa sa iyo ng halimbawa ni Jesucristo tungkol sa pagharap sa oposisyon?

  • Sa iyong palagay, bakit nagawa ng Tagapagligtas na harapin ang mga sitwasyong ito sa paraang ginawa Niya? Ano ang itinuturo nito sa iyo tungkol sa Kanya?

Ang pahayag ni Elder Bednar sa bahaging “Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon” ay maaaring makatulong dito bilang bahagi ng talakayan tungkol sa mga katangian ng Tagapagligtas at kung ano ang natutuhan ng mga estudyante mula sa Kanyang mga ginawa. (Tingnan sa David A. Bednar, “Maamo at Mapagpakumbabang Puso,” Ensign o Liahona, Mayo 2018, 33.)

Si Jesucristo ay nilitis

Matapos dakpin si Jesus, iniharap Siya sa mataas na saserdote, kay Caifas, at sa iba pang pinunong Judio. Basahin ang Lucas 22:63–65 upang malaman ang tungkol sa ilan sa di-makatarungang pagtrato na natanggap ni Jesus mula sa kanila.

Drawing of two doors and siding.
  • Sa iyong palagay, bakit handang tiisin ng Tagapagligtas ang gayong malupit at di-makatarungang pagtrato?

Sa Aklat ni Mormon, itinuro nina Nephi at Abinadi kung bakit kusang-loob na hinayaan ng Tagapagligtas ang gayong pagtrato sa Kanya. Basahin ang 1 Nephi 19:8–9 at Mosias 15:5–7 upang malaman kung anong mga dahilan ang inilista nila.

Sa iyong study journal, isulat kung anong mga aral ang matututuhan mo tungkol kay o mula kay Jesucristo sa mga talatang ito.

Maaari kang magsulat ng ilang dahilan kung bakit mahalaga o personal na makabuluhan sa iyo na maunawaan ang mga lesson na ito.

Kung kailangan ng mga estudyante ng tulong sa pag-iisip ng mga aral na maaaring matutuhan nila mula sa mga talatang ito, maaari kang magbahagi ng halimbawa. Ang isang halimbawa, bukod pa sa naka-highlight na alituntunin sa ibaba, ay handa si Jesucristo na magdusa para sa atin dahil Siya ay mapagmahal at mabait.Kung pinili ng mga estudyante na isulat ang katotohanang ito sa kanilang study journal, maaari mong hilingin sa ilang boluntaryo na ibahagi kung bakit sa palagay nila ay mahalaga ang lesson na ito.

Hilingin sa mga boluntaryo na ibahagi kung ano ang iba pang lesson na isinulat nila at kung bakit.

Ang isang aral na mahalagang maunawaan mula sa mga talatang ito ay sinunod ni Jesucristo ang kalooban ng Kanyang Ama sa lahat ng bagay.

  • Sa iyong palagay, ano ang naunawaan ni Jesus tungkol sa Ama sa Langit kaya lubos Niyang sinusunod ang kalooban ng Ama sa Langit?

Kung sinabi sa mga estudyante na gawin ang bahagi sa lesson na paghahanda ng estudyante, maaari mong sabihin sa ilang boluntaryo na ibahagi sa klase ang kanilang mga karanasan.

Upang matulungan ang mga estudyante na magkaroon ng makabuluhang talakayan kung bakit mahirap ipasakop ang ating kalooban sa kalooban ng Diyos, maaari mong gamitin ang pahayag ni Elder Maxwell sa bahaging “Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon”.

  • Anong mga pagpapala ang natanggap mo sa pamamagitan ng pagpiling sundin ang kalooban ng Ama sa Langit kahit mahirap ito?

Nagtanong si Pangulong Russell M. Nelson ng ilang tanong tungkol sa kahandaan nating sumunod sa kalooban ng Diyos. Maglaan ng oras upang pagnilayan kung paano mo matapat na masasagot ang mga tanong na ito. Isipin kung ano ang maaari mong gawin upang makapagsabi ka ng oo sa bawat tanong.

Upang matulungan ang mga estudyante na maglaan ng oras na pagnilayan ang mga itinanong ni Pangulong Nelson, maaari mong ipakita ang sumusunod na pahayag.

Official portrait of President Russell M. Nelson taken January 2018

Handa ka bang hayaang manaig ang Diyos sa iyong buhay? Handa ka bang maging pinakamahalagang impluwensya sa buhay mo ang Diyos? Hahayaan mo ba ang Kanyang mga salita, Kanyang mga utos, at Kanyang mga tipan na impluwensyahan ang ginagawa mo sa bawat araw? Mas uunahin mo ba ang Kanyang tinig kaysa sa iba? Handa ka bang unahin ang kailangan Niyang ipagawa sa iyo kaysa sa lahat ng iba pang mga ambisyon mo? Handa ka bang ipasakop ang iyong kalooban sa Kanyang kalooban?

(Russell M. Nelson, “Hayaang Manaig ang Diyos,” Ensign o Liahona, Nob. 2020, 94)

Drawing of two doors and siding.

Batay sa natutuhan mo tungkol sa pagsunod ng Tagapagligtas sa kalooban ng Kanyang Ama, sumulat ng ilang pangungusap tungkol sa gusto mong tandaan, gawin, o kahinatnan. Isaalang-alang ang mga sumusunod na prompt upang matulungan kang isulat ang iyong mga saloobin at hangarin.

  • Gusto kong maalala na ang Tagapagligtas ay …

  • Gaya ni Jesucristo, magagawa ko ang kalooban ng Ama sa Langit sa pamamagitan ng …

  • Ang isang katangiang sisikapin kong mataglay upang maging higit na katulad ni Jesucristo ay …

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Ano ang matututuhan natin tungkol sa Tagapagligtas mula sa Kanyang kahandaang sumunod sa Ama sa Langit?

Itinuro ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol na ang kaamuan ng Tagapagligtas ang pangunahing katangian na nagtulot sa Kanya na ipasakop ang Kanyang kalooban sa kalooban ng Ama sa Langit.

Elder David A. Bednar, Quorum of the Twelve Apostles official portrait. 2020.

Ang patuloy na kahandaang magpasakop at malakas na pagpipigil sa sarili ng Panginoon ay kahanga-hanga at nagtuturo sa ating lahat. Nang dumating ang isang hukbo ng mga kawal sa templo at mga sundalong Romano sa Getsemani para hulihin at dakpin si Jesus, binunot ni Pedro ang kanyang tabak at tinagpas ang kanang tainga ng alipin ng mataas na saserdote [tingnan sa Juan 18:10 ]. Pagkatapos ay hinipo ng Tagapagligtas ang tainga ng alipin at pinagaling siya [tingnan sa Lucas 22:51 ]. Pansinin na tinulungan at pinagaling Niya ang taong nagtangkang dumakip sa Kanya gamit ang kapangyarihan mula sa langit na maaari Niyang gamitin para hindi Siya madakip at maipako sa krus.

… Ang pagiging maamo ng Tagapagligtas ay makikita sa Kanyang pagtugon nang may disiplina, malakas na pagpipigil, at kawalan ng hangaring gamitin ang Kanyang walang hanggang kapangyarihan para sa sariling kapakinabangan.

(David A. Bednar, “Maamo at Mapagpakumbabang Puso,” Ensign o Liahona, Mayo 2018, 33)

Bakit ko gugustuhing ipasakop ang aking kalooban sa Diyos?

Itinuro ni Elder Neal A. Maxwell (1926–2004) ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Last official portrait of Elder Neal A. Maxwell, 1992.

Napakarami sa atin ang … nagkakamali sa pag-aakala na, kahit paano, sa pagpapasakop ng ating kalooban sa kalooban ng Diyos, mawawala ang ating sariling pagkatao (tingnan sa Mosias 15:7). Ang totoong inaalala natin, mangyari pa, ay hindi ang pagkawala ng ating pagkatao, kundi mga makasariling hangarin—tulad ng ating mga katungkulan, ating oras, ating katanyagan, at ating mga pag-aari. Hindi nakapagtataka na iniutos sa atin ng Tagapagligtas na kalimutan ang ating sarili (tingnan sa Lucas 9:24). Iniuutos lamang Niya sa atin na kalimutan ang ating lumang sarili upang mahanap ang bagong sarili. Hindi ito nangangahulugan ng pagkawala ng pagkatao kundi ang paghahanap sa tunay na pagkatao! …

… Ang pagpapasakop ng kalooban ng isang tao ay talagang ang tunay na natatanging personal na bagay na kailangan nating ilagay sa altar ng Diyos. Ang maraming iba pang bagay na ating “ibinibigay,” mga kapatid, ay ang mga bagay na ibinigay o ipinahiram Niya sa atin. Gayunman, kapag sa wakas ay ipinasakop ko at ninyo ang sariling kagustuhan natin sa kalooban ng Diyos, talagang may naibibigay tayo sa Kanya! Ito lamang ang tanging pag-aari natin na talagang maibibigay natin!

(Neil A. Maxwell, “Swallowed Up in the Will of the Father,” Ensign, Nob. 1995, 23, 24)

Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Ang simbolismo ng kopang ininuman ni Jesucristo

Upang matulungan ang mga estudyante na magkaroon ng higit na pagpapahalaga sa Tagapagligtas at sa Kanyang kahandaang tuparin ang kalooban ng Ama sa Langit, maaari mong bigyang-diin ang simbolikong kopa na ininuman ni Jesucristo. Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na ang kopang hiniling ng Ama sa Langit kay Jesucristo na inuman ay simbolo ng Kanyang pagdurusa at kamatayan, na nagdulot ng Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli. Maaaring ipasulat sa mga estudyante ang natutuhan nila tungkol sa Tagapagligtas habang binabasa nila ang mga sumusunod na talata sa banal na kasulatan na tumutukoy sa kopa. Maaari ding hilingin sa kanila na pagnilayan kung paano sila pinagpala dahil uminom si Jesucristo sa mapait na kopa.