Seminary
Mateo 26:36–46; Lucas 22:39–46, Bahagi 2


Mateo 26:36–46; Lucas 22:39–46, Bahagi 2

Paano Maiimpluwensyahan ng Pagdurusa ng Tagapagligtas sa Getsemani ang Aking Buhay?

Painting portraying Jesus Christ lying on the ground in the garden of Gethsemane. A ray of light is coming through the trees.

Ito ang ikalawa sa lesson na may dalawang bahagi tungkol sa pagdurusa ng Tagapagligtas sa Getsemani at sa kahalagahan ng doktrina nito. Bilang bahagi ng Kanyang Pagbabayad-sala, inako ni Jesucristo ang ating mga kasalanan, pasakit, karamdaman, at kahinaan. Dahil sa Kanyang nagbabayad-salang sakripisyo, natutulungan Niya tayo sa mga hamong kinakaharap natin sa mortalidad. Ang lesson na ito ay ginawa upang tulungan kang madama na mas kailangan mo ang lakas at tulong na maibibigay sa iyo ni Jesucristo sa pamamagitan ng Kanyang Pagbabayad-sala.

Pagsasalita tungkol sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo. Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson, “Sa doktrinal na pananalita, hindi sapat ang mga pinaikling pahayag sa pagtukoy sa nagbabayad-salang sakripisyo ng Panginoon, gaya ng ‘Pagbabayad-sala’ o ‘nagbibigay-kakayahang kapangyarihan ng Pagbabayad-sala’ o ‘paggamit ng Pagbabayad-sala sa ating buhay’ o ‘pinalalakas ng Pagbabayad-sala.’ … Walang entidad na walang hugis na tinatawag na ‘Pagbabayad-sala’ na maaari nating hingan ng tulong, pagpapagaling, kapatawaran, o kapangyarihan. … Ang nagbabayad-salang sakripisyo ng Tagapagligtas—ang pinakatampok na kaganapan sa kasaysayan ng buong sangkatauhan—ay higit na mauunawaan at mapapahalagahan kapag tuwiran at malinaw natin itong iniugnay sa Kanya” (Russell M. Nelson, “Paghugot ng Lakas kay Jesucristo sa Ating Buhay,” Ensign o Liahona, Mayo 2017, 40).

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin kung paano sila mapagpapala ni Jesucristo dahil sa Kanyang Pagbabayad-sala.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang lesson na ito ay ikalawa sa dalawang lesson tungkol sa pagdurusa ni Jesucristo sa Halamanan ng Getsemani. Kung may sapat na panahon na maituturo ang content ng dalawang lesson sa isang oras ng klase, sumangguni sa nakaraang lesson (“Mateo 26:36–46; Lucas 22:39–46, Bahagi 1”) para sa mga ideya na maaaring kailangang isama sa lesson na ito.

Bakit kailangang magdusa nang labis si Jesuscristo?

Isipin ang sumusunod na sitwasyon.

Ang kaibigan mong si Chandler ay interesadong matuto pa tungkol sa Simbahan sa nakalipas na ilang buwan. Naglaan siya ng maraming oras sa tahanan ninyo upang mas mapag-aralan pa ang tungkol sa ebanghelyo at ilang beses pa siyang nakibahagi sa pag-aaral ng banal na kasulatan kasama ang iyong pamilya. Isang gabi, matapos pag-aralan ang mga pangyayaring nauugnay sa pagdurusa ng Tagapagligtas sa Getsemani, itinanong ni Chandler, “Bakit kailangang magdusa nang labis si Jesus?”

Maaari mong pagpartnerin ang mga estudyante upang talakayin ang mga sumusunod na tanong.

  • Paano mo sasagutin ang tanong ni Chandler?

Isipin ang iyong mga saloobin tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang Pagbabayad-sala. Kapag iniisip mo ang Kanyang nagbabayad-salang sakripisyo, ano ang mga tanong mo? Paano nakakaapekto sa nadarama mo tungkol sa Kanya ang kaalamang nagdusa Siya para sa iyo?Binigyang-diin sa nakaraang lesson (“Mateo 26:36–46; Lucas 22:39–46, Bahagi 1”) ang marami sa mga detalye ng pagdurusa ng Tagapagligtas sa Getsemani. Maglaan ng ilang sandali upang muling pag-aralan ang Mateo 26:36–39 at Lucas 22:41–44 . Maghanap ng mga partikular na salita o parirala, kabilang na ang mga maaaring nasalungguhitan mo, na makabuluhan sa iyo tungkol sa Tagapagligtas at naglalarawan sa naranasan Niya sa Getsemani.

Bigyan ang mga estudyante ng pagkakataong ibahagi ang nahanap nila. Ang isang paraan upang magawa ito ay sabihin sa mga estudyante na pumunta sa pisara at magsulat ng isang salita o parirala mula sa mga talata ng banal na kasulatan na pinag-aralan nila na pinakatumimo sa kanila tungkol sa mga pagdurusa ni Jesucristo sa Getsemani.

Paggamit ng makabagong paghahayag upang mas maunawaan ang pagdurusa ng Tagapagligtas

Kung wala ang pagpapala ng makabagong paghahayag na natanggap ni Propetang Joseph Smith tungkol sa Tagapagligtas at sa Kanyang Pagbabayad-sala, marami tayong hindi mauunawaan tungkol sa pinagdusahan ni Jesucristo, sa Getsemani at sa krus, bilang bahagi ng Kanyang Pagbabayad-sala at kung bakit Niya pinagdusahan ang mga bagay na ito.

Basahin ang Doktrina at mga Tipan 19:16–19 , at alamin ang itinuro ni Jesucristo tungkol sa Kanyang pagdurusa.

  • Ano ang ipinaunawa sa iyo ng mga talatang ito tungkol sa dahilan kung bakit labis na nagdusa si Jesucristo?

  • Ano ang ipinaunawa ng mga talatang ito tungkol sa pagmamahal ng Tagapagligtas sa iyo?

Basahin ang Alma 7:11–13 , at kumpletuhin ang sumusunod na talahanayan sa iyong study journal. Maaaring makatulong na malaman na ang ibig sabihin ng salitang tutulungan sa talata 12 ay “paginhawahin o saklolohan” (Dallin H. Oaks, “Pinalakas ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo,” Ensign o Liahona, Nob. 2015, 61).

Ano ang pinagdusahan o inako ng Tagapagligtas?

Ano ang nagagawa ni Jesucristo para sa atin dahil sa Kanyang Pagbabayad-sala?

Maaaring makatulong na kopyahin sa pisara ang nakaraang chart at isulat ang mga sagot ng mga estudyante sa mga angkop na column matapos sabihin sa kanila na ibahagi ang nalaman nila.

Kabilang sa mga sagot sa unang column ang mga sumusunod:

  • “mga pasakit at hirap at lahat ng uri ng tukso” (Alma 7:11)

  • “ang mga pasakit at ang mga sakit ng kanyang mga tao” (Alma 7:11)

  • “kamatayan” (Alma 7:12)

  • “mga kahinaan” (Alma 7:12)

  • “mga kasalanan ng kanyang mga tao” (Alma 7:13)

Kabilang sa mga sagot sa ikalawang column ang mga sumusunod:

  • “makalag ang mga gapos ng kamatayan” (Alma 7:12)

  • “mapuspos ng awa” (Alma 7:12)

  • “tulungan ang kanyang mga tao alinsunod sa kanilang mga kahinaan” (Alma 7:12)

  • “mabura ang kanilang mga kasalanan alinsunod sa kapangyarihan ng kanyang pagtubos” (Alma 7:13)

  • Ano ang natutuhan mo mula sa mga talatang ito tungkol sa pinagdusahan ni Jesucristo at kung bakit Niya pinagdusahan ang mga ito?

  • Paano pinagpapala ng mga pagdurusa ng Panginoon sa Getsemani ang bawat isa sa atin?

Ang isang katotohanang matututuhan natin mula sa Alma 7:11–13 ay nagdusa si Jesucristo upang iligtas tayo mula sa kasalanan at kamatayan at tulungan tayo sa mga hamon ng mortalidad. Maaari mong isulat ang katotohanang ito sa iyong mga banal na kasulatan. Maaari mo ring isulat ang katotohanang ito at ang iyong mga sagot sa mga sumusunod na tanong sa iyong study journal.

  • Alin sa mga pagpapalang nakalista sa ikalawang column ng iyong talahanayan ang pinakamakabuluhan para sa iyo na maranasan ngayon? Bakit?

  • Kailan mo naranasan ang pag-asa, kapayapaan, kapanatagan, o lakas na maaaring dumating sa iyo sa pamamagitan ng nagbabayad-salang pagdurusa ni Jesucristo?

.

3:1
6:26

Tingnan ang bahaging “Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral” sa katapusan ng lesson na ito para sa iba pang ideya o video na magagamit upang ilarawan ang banal na tulong na matatanggap natin dahil sa nagbabayad-salang sakripisyo ng Tagapagligtas.

Upang matutuhan pa ang tungkol sa kung paano mapagpapala ng Tagapagligtas ang ating buhay dahil sa Kanyang Pagbabayad-sala, pag-aralan ang ilan sa mga turo ng ating mga lider ng Simbahan sa bahaging “Opsiyonal: Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?” na nasa katapusan ng lesson na ito.

  • Ano ang natutuhan o nadama mo tungkol kay Jesucristo na gusto mong maalala?

  • Ano ang babaguhin mo dahil sa natutuhan o nadama mo tungkol kay Jesucristo?

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Sa paanong mga paraan makakaapekto ang Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas sa ating buhay?

Pangulong Dallin H. Oaks ng Unang Panguluhan:

Official Portrait of President Dallin H. Oaks taken March 2018.

Ang pagkakataong mapatawad sa ating mga kasalanan ang pangunahing kahulugan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo. …

Tiniis ng ating Tagapagligtas at Manunubos ang hindi maunawaang pagdurusa upang maging sakripisyo para sa mga kasalanan ng lahat ng mortal na magsisisi. Inialay ng nagbabayad-salang sakripisyong ito ang sukdulang kabutihan, ang dalisay na korderong walang bahid-dungis para sa sukdulang kasamaan, ang mga kasalanan ng buong sanlibutan. Binuksan nito ang pintuan para malinis ang bawat isa sa atin sa ating personal na mga kasalanan upang muli tayong tanggapin sa kinaroroonan ng ating Diyos Amang Walang Hanggan. Ang bukas na pintuang ito ay para sa lahat ng anak ng Diyos.

(Dallin H. Oaks, “Ano ang Nagawa ng Ating Tagapagligtas para sa Atin?,” Liahona, Mayo 2021, 76)

Elder Dale G. Renlund ng Korum ng Labindalawang Apostol:

14:51
Official portrait of Elder Dale G. Renlund of the Quorum of the Twelve Apostles, January 2016.

Sa mga di-makatarungang sitwasyon, ang isa sa ating mga gagawin ay magtiwala na “lahat ng di-makatarungan sa buhay ay naiwawasto sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo” [Mangaral ng Aking Ebanghelyo: Gabay sa Paglilingkod ng Misyonero (2018), 61]. Dinaig ni Jesucristo ang sanlibutan at “tinanggap” ang lahat ng kawalang-katarungan. Dahil sa Kanya, maaari tayong magkaroon ng kapayapaan sa mundong ito at magalak. Kung hahayaan natin Siya, ilalaan ni Jesucristo ang kawalang-katarungan para sa ating kapakinabangan. Hindi lamang Niya tayo aaluin at ibabalik ang nawala; gagamitin Niya ang kawalang-katarungan para sa ating kapakinabangan.

(Dale G. Renlund, “Nakagagalit na Kawalang-Katarungan,” Liahona, Mayo 2021, 43)

Elder Ulisses Soares ng Korum ng Labindalawang Apostol:

11:9
Elder Ulisses Soares, Quorum of the Twelve Apostles official portrait.

Pinatototohanan ko na kapag tunay nating pinagsisisihan ang ating mga kasalanan, pinahihintulutan natin ang nagbabayad-salang sakripisyo ni Cristo na maging ganap na mabisa sa buhay natin. Magiging malaya tayo mula sa pagkaalipin ng kasalanan, makahahanap ng kagalakan sa ating paglalakbay sa mundo, at magiging karapat-dapat na tumanggap ng walang-hanggang kaligtasan, na inihanda mula pa sa pagkakatatag ng daigdig para sa lahat ng naniniwala kay Jesucristo at lumalapit sa Kanya.

(Ulisses Soares, “Jesucristo: Ang Tagapag-alaga ng Ating Kaluluwa,” Liahona, Mayo 2021, 83)

Elder Michael John U. Teh ng Pitumpu:

8:30
Official Portrait of Elder Michael John U. Teh. Photographed in 2015. Background replaced in March 2017.

Isang nag-iibayong pag-unawa na ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo ay personal na angkop sa atin at tutulungan ang bawat isa sa atin na makilala Siya. Kadalasa’y mas madali para sa atin ang isipin at banggitin ang Pagbabayad-sala ni Cristo sa karaniwang mga kataga kaysa kilalanin ang personal na kabuluhan nito sa ating buhay. Ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo ay walang katapusan at walang hanggan at sumasakop-sa-lahat ang lawak at lalim ngunit lubos na personal at pang-indibiduwal sa mga epekto nito. Dahil sa Kanyang nagbabayad-salang sakripisyo, may kapangyarihan ang Tagapagligtas na isa-isa tayong linisin, pagalingin, at palakasin.

(Michael John U. Teh, “Ang Ating Personal na Tagapagligtas,” Liahona, Mayo 2021, 99)

Sister Reyna I. Aburto,dating tagapayo sa Relief Society General Presidency:

9:18
Official Portrait of Sister Reyna Aburto. Photographed in 2017.

Sa pamamagitan ng nakapagtutubos na Pagbabayad-sala at ng maluwalhating Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo, ang mga nasaktang puso ay mapaghihilom, ang hinagpis ay mapapalitan ng kapayapaan, at ang kabiguan ay mapapalitan ng pag-asa. Mayayakap Niya tayo sa Kanyang bisig ng awa, pinapanatag, pinalalakas, at pinagagaling ang bawat isa sa atin.

(Reyna I. Aburto, “Hindi Nagtagumpay ang Libingan,” Liahona, Mayo 2021, 86)

Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Dula-dulaan ng missionary

Ang sumusunod na ideya ay magagamit upang matulungan ang mga estudyante na magsanay sa pagtuturo sa iba tungkol sa Tagapagligtas at sa Kanyang Pagbabayad-sala.

Maaari mong hatiin ang mga estudyante sa mga grupong may tig-tatatlong miyembro. Sa bawat grupo, ang dalawang estudyante ay maaaring gumanap bilang mga full-time missionary at ang ikatlong estudyante ay maaaring gumanap bilang taong tuturuan nila. Sabihin sa mga missionary na magturo ng limang minutong-lesson tungkol sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo. Maaari nilang basahin ang Alma 7:11–13 sa taong tinuturuan at ipaliwanag ang mga talata. Ang taong tinuturuan ay maaaring magtanong, at maaaring magtapos ang mga missionary sa kanilang mga patotoo kung paano nakaapekto ang sakripisyo ng Tagapagligtas sa kanilang buhay.

4:39