Lucas 22; Juan 18
Buod
Bilang bahagi ng Kanyang Pagbabayad-sala, nagpunta si Jesucristo sa Halamanan ng Getsemani at dumanas Siya ng hindi malirip na pagdurusa habang inaako ang mga kasalanan at paghihirap ng buong sangkatauhan. Pagkatapos ay ipinagkanulo, dinakip, at dinala Siya sa Sanedrin (ang hukuman ng batas ng mga Judio), kung saan Siya pinaratangan nang mali, hinamak, at binugbog.
Maghandang Magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Lucas 22:28–34, 54–61
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na maunawaan na kinakailangan nilang umasa kay Jesucristo at patuloy na palakasin ang kanilang pananampalataya sa Kanya.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na maghandang magbahagi ng karanasan na nakatulong na mapalakas ang kanilang pananampalataya kay Jesucristo.
-
Larawan: Maghandang magpakita ng larawan ni Pedro na itinatatwa si Cristo.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari mong sabihin sa mga estudyante na gamitin ang chat feature sa buong lesson sa pagsagot sa mga tanong na masasagot sa isang salita o parirala. Halimbawa, maaaring maglista ang mga estudyante ng isang kasanayan o kakayahan na maaaring mawala kung hindi ito patuloy na ginagamit o pinalalakas o pinahuhusay. Ang paggamit ng chat feature ay isang madaling paraan upang isali ang maraming estudyante. Binabawasan din nito ang oras na ginugugol mo sa pagsasalita sa klase, na nagbibigay ng mas maraming oras para masagot ng mga estudyante ang mga tanong at makapagbahagi ng mga karanasan at patotoo.
Mateo 26:36–46; Lucas 22:39–46, Bahagi 1
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na maunawaan ang mga detalye tungkol sa pinagdusahan ng Tagapagligtas sa Halamanan ng Getsemani at kung paano ito naging pagpapakita ng pagmamahal sa kanila.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na gumawa ng isang bagay na makatutulong sa kanila na pagnilayan si Jesucristo at ang Kanyang Pagbabayad-sala. Ang mga halimbawa ay maaaring pag-aaral ng isang himno, pagninilay sa isang larawan ni Jesucristo, pagbabasa ng isang scripture passage, o iba pang bagay.
-
Larawan: Maghandang magpakita ng larawan ng Halamanan ng Getsemani.
-
Mga Video: “Ano ang Nagawa ng Ating Tagapagligtas para sa Atin?” (12:44; panoorin mula sa time code na 0:00 hanggang 0:34); ““Magsipanahan sa Aking Pag-ibig”” (15:08; panoorin mula sa time code na 11:33 hanggang 14:03)
-
Chart: Magpakita ng isang kopya ng chart na kasama sa lesson.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Magpatugtog ng isang himno tungkol sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo, gaya ng “Ako ay Namangha” o “Ama, Kayo ang Susundin” (Mga Himno, blg. 115, 111). Habang tumutugtog ang awitin, sabihin sa mga estudyante na gamitin ang kanilang telepono upang basahin ang mga titik ng himno, o ipakita ang mga titik sa screen upang mabasa ng mga estudyante.
Mateo 26:36–46; Lucas 22:39–46, Bahagi 2
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na madama na mas kailangan nila ang lakas at tulong na maibibigay sa kanila ni Jesucristo sa pamamagitan ng Kanyang Pagbabayad-sala.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin kung paano sila mapagpapala ni Jesucristo dahil sa Kanyang Pagbabayad-sala.
-
Chart: Magpakita ng isang kopya ng chart na kasama sa lesson.
Lucas 22:47–71; Juan 18:1–27
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na matularan ang halimbawa ni Jesucristo sa pamamagitan ng pagpili na sundin ang kalooban ng Ama sa Langit sa kanilang buhay.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng isang pagkakataon kung saan pinili nilang gawin ang ninanais ng Ama sa Langit sa halip na ang sariling kagustuhan. Sabihin sa mga estudyante na isipin kung ano ang mahirap at kung bakit nila ito pinili.
-
Mga Larawan: Iba’t ibang larawan ni Jesus na iginagapos, pinahihirapan, nagpapasan ng Kanyang krus, at ipinapako sa krus
-
Video: “Hayaang Manaig ang Diyos” (18:51; panoorin mula sa time code na 12:17 hanggang 13:01)
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Bago ang klase, maaaring sabihin sa mga estudyante na maghanap ng mga halimbawa mula sa buhay ng Tagapagligtas na nagpapakita ng Kanyang hangaring gawin ang kalooban ng Ama sa Langit. Maaaring sabihin sa mga estudyanteng iyon na ibahagi ang nahanap nila matapos matukoy ang naka-highlight na katotohanan sa lesson.
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 10
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay magbibigay sa mga estudyante ng mga pagkakataong magsanay na ipamuhay ang ilan sa mga doctrinal mastery passage na napag-aralan na nila sa taong ito.
Paalala:Maaaring kailanganing ituro ang isang doctrinal mastery passage lesson kapalit ng lesson sa pagrerebyu na ito. Tingnan ang iskedyul sa pagtuturo na ibinigay ng area o region director o coordinator upang matiyak na maituturo ang bawat doctrinal mastery passage lesson habang may klase sa seminary.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na rebyuhin ang apat na doctrinal mastery passage na ipinapakita sa chart na kasama sa lesson. Sabihin sa kanila na maghandang magbahagi ng ilang partikular na paraan kung paano nila maipamumuhay ang mga katotohanan sa mga scripture passage na ito.
-
Chart: Magpakita ng isang chart ng mga doctrinal mastery passage at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan ng mga ito.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari mong sabihin sa mga ward o full-time missionary mula sa iyong lugar na sumama sa videoconference at magbigay ng ilang karanasan sa “tunay na buhay” na magagamit ng mga estudyante upang magsanay na ipamuhay ang mga doctrinal mastery passage sa halip na gamitin ang mga sitwasyong ibinigay sa lesson.