Seminary
Doctrinal Mastery: Juan 17:3


Doctrinal Mastery: Juan 17:3

Makilala ang Ama sa Langit at si Jesucristo

Larawan
A young woman sits on her bed and reads her scriptures in her bedroom.

Sa nakaraang lesson na “Juan 17,” nalaman mo na maaari tayong sumulong sa buhay na walang hanggan kung makikilala natin ang Ama sa Langit at si Jesucristo. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maisaulo ang doctrinal mastery reference at ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Juan 17:3, maipaliwanag ang doktrina, at maipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa isang sitwasyon sa totoong buhay.

Pagpipitagan sa mga pangalan ng Diyos. Dahil ang mga pangalan ng Diyos Ama at ng Kanyang Anak na si Jesucristo ay napakahalaga, tiyaking manghikayat at magpakita ng pagpipitagan habang ginagamit ang Kanilang mga pangalan (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 63:61).

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na tukuyin ang isang taong kilala nila na maaaring kilala nang husto ang Ama sa Langit at si Jesucristo. Sabihin sa mga estudyante na itanong sa taong iyon kung ano ang nakatulong sa kanya na makilala ang Ama sa Langit at si Jesucristo.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ginawa ang doctrinal mastery passage lesson na ito upang ituro pagkatapos ng lesson na “Juan 17,” na siyang kontekstuwal na lesson para sa doctrinal mastery passage na  Juan 17:3 . Kung kailangang ilipat ang doctrinal mastery passage lesson na ito sa ibang linggo, tiyaking ituro din ang kaukulang kontekstuwal na lesson sa linggong iyon.

Isaulo at ipaliwanag

Tulungan ang mga estudyante na isaulo ang reperensya at mahalagang parirala ng banal na kasulatan. Ang sumusunod na aktibidad ay isang paraan upang tulungan silang magawa ito.

Bigkasin nang malakas nang ilang beses ang doctrinal mastery reference na Juan 17:3 at ang mahalagang parirala nito: “At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Diyos na tunay, at si [Jesucristo].”Sa hiwalay na papel, isulat ang reperensya na Juan 17:3 at ang mga unang titik ng bawat salita sa talata: A i a b n w h n i a m n n i D n t a s J. Gamit lang ang mga unang titik ng talata, subukang bigkasin ang reperensya at mahalagang parirala nito. Kapag kaya mo na, subukang bigkasin ang reperensya at parirala nang walang kopya.

Upang matulungan ka na mas maunawaan ang kahulugan ng banal na kasulatang ito, ipaliwanag ang mga katotohanang itinuro sa Juan 17:3 sa sarili mong mga salita. Isama ang sumusunod:

  1. Ang kahulugan ng pariralang “buhay na walang hanggan.”

  2. Ilang paraan upang “makilala” natin ang Ama sa Langit at si Jesucristo.

Sabihin sa ilang estudyante na ibahagi ang kanilang mga paliwanag sa klase. Kung kailangan ng mga estudyante ng tulong upang maunawaan ang kahulugan ng scripture passage na ito, maglaan ng oras upang talakayin ito bago magpatuloy sa lesson.

Maraming pahayag sa bahaging “Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon” ng lesson na ito at ng nakaraang lesson na “Juan 17,” na magagamit upang matulungan ang mga estudyante kung kinakailangan.

Pagsasanay para sa pagsasabuhay

Pag-isipan kung gaano kapamilyar ang mga estudyante sa mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman kapag nagpapasya kung gaano karaming oras ang kailangan para sa sumusunod na iminumungkahing pagrerebyu.

Rebyuhin ang talata 5–12 ng bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2022). Isipin kung paano mo maipapaliwanag ang bawat isa sa mga alituntuning ito sa isang taong hindi pa nakarinig tungkol sa mga ito noon.

Kung makatutulong, pagpartnerin ang mga estudyante at sabihin sa kanila na magsanay na ibahagi nang malakas ang kanilang mga paliwanag tungkol sa mga alituntuning ito.

Basahin ang sumusunod na sitwasyon:

Pagkatapos ng pulong ng pag-aayuno at pagpapatotoo, napansin mo na parang malungkot ang kaibigan mong si Julia. Habang naglalakad ka pauwi kasama niya, sinabi niya na sa pagpupulong ngayon napagtanto niya na hindi niya pala kilala ang Ama sa Langit at si Jesucristo. Sinabi niya na nakadama siya ng kalungkutan at pag-asam na magkaroon ng ugnayan sa Kanila na nahiwatigan niya sa ilan sa mga taong nagbahagi ng kanilang mga patotoo. Nagpasya kang pag-isipan at ipanalanging mabuti sa susunod na ilang araw kung paano tutulungan si Julia.

Gamitin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman at ang mga sumusunod na tanong at aktibidad upang matulungan kang pag-isipan kung ano ang maaari mong sabihin at gawin upang matulungan si Julia. Maaari mong isulat ang natutuhan mo at ang anumang impresyong matanggap mo habang naghahanda ka.

Maaari mong sabihin sa mga estudyante na ihanda ang kanilang mga sagot sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa isang kapartner. Sabihin sa kanila na magkakaroon sila ng pagkakataong ibahagi sa iba pang estudyante ang natutuhan nila.

Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw

  • Sa iyong palagay, bakit nais ng Ama sa Langit na makilala natin Siya at ang Kanyang Anak na si Jesucristo?

  • Bakit gusto mong makilala Sila nang husto sa abot ng iyong makakaya sa buhay na ito?

Hangarin na mas makaunawa sa pamamagitan ng mga itinalagang sources na ibinigay ng Diyos

  • Paano makatutulong kay Julia ang pag-aaral ng panalangin ng Tagapagligtas sa Juan 17:3 sa kanyang mga hangarin?

Gumawa ng listahan ng ilang magandang sources na maaaring makatulong kay Julia na makilala ang Ama sa Langit at si Jesucristo.

Maglaan ng ilang minuto upang pag-aralan ang sources na itinalaga ng Diyos upang matutuhan pa ang tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo at kung paano Sila mas makikilala.

Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang natutuhan nila at kung paano nila nakita ang impormasyon. Makatutulong ito sa iba pang estudyante na matutuhan kung paano mas magagamit ang resources.

Kumilos nang may pananampalataya

Sabihin sa mga estudyante na sumunod sa mungkahi sa paghahanda ng estudyante na ibahagi ang natutuhan nila habang sinasagot nila ang mga sumusunod na tanong.

  • Paano naging pagpapakita ng pananampalataya ang pagsisikap na makilala ang Ama sa Langit at si Jesucristo?

  • Ano ang nagawa mo o ng isang taong kilala mo upang mas makilala ang Ama sa Langit at si Jesucristo na maaari mong imungkahi kay Julia?

  • Anong mga parirala ang nakita mo sa talata 5–7 ng bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2022) na makatutulong sa isang taong tama ang ginagawa ngunit hindi pa rin nadaramang malapit siya Diyos gaya ng gusto niya?

Sabihin sa bawat magkapartner na magtipon kasama ang ilang iba pang magkakapartner at ibahagi sa isa’t isa ang nalaman nila habang ginagamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.

Pagrerebyu ng doctrinal mastery

Sa simula o katapusan ng susunod na lesson, maglaan ng hindi hihigit sa 3 hanggang 5 minuto sa pagrerebyu ng doctrinal mastery passage. Maaari mong isulat sa pisara ang reperensyang banal na kasulatan at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Juan 17:3 na may mga salita sa maling pagkakasunud-sunod. Pagkatapos ay sabihin sa mga estudyante na isaayos ang mga salita.

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Ano ang buhay na walang hanggan?

Ang buhay na walang hanggan ay ang pariralang ginamit sa mga banal na kasulatan upang ilarawan ang uri ng pamumuhay ng ating Amang Walang Hanggan. … Ang buhay na walang hanggan, o kadakilaan, ay ang mamuhay sa piling ng Diyos at magpatuloy bilang pamilya (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 131:1–4).

(Mga Paksa ng Ebanghelyo,“Buhay na Walang Hanggan,” https://www.churchofjesuschrist.org/study/manual/gospel-topics/eternal-life?lang=tgl)

Paano natin makikilala ang Ama at ang Anak para sa ating sarili?

Sinagot ni Elder Robert D. Hales (1932–2017) ng Korum ng Labindalawang Apostol ang tanong na ito.

Larawan
Official portrait of Elder Robert D. Hales of the Quorum of the Twelve Apostles, 2003

Sa pamamagitan ng personal na paghahayag. Personal na paghahayag ang paraan na tinutulungan tayo ng Ama sa Langit na makilala Siya at ang Kanyang Anak, matutuhan at ipamuhay ang ebanghelyo, magtiis hanggang wakas sa kabutihan, at maging karapat-dapat sa buhay na walang hanggan—upang makabalik sa Kanilang piling.

(Robert D. Hales, “Personal na Paghahayag: Ang mga Turo at Halimbawa ng mga Propeta,” Ensign o Liahona, Nob. 2007, 87)

Ano ang dapat kong gawin kung hindi ako sigurado kung naniniwala ako sa Diyos?

Sinabi ni Elder Robert D. Hales (1932–2017) ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Larawan
Official portrait of Elder Robert D. Hales of the Quorum of the Twelve Apostles, 2003

Kung hindi ninyo maalalang maniwala sa Diyos, o kung hindi na kayo naniniwala, o naniniwala ngunit hindi tunay na nananalig, inaanyayahan ko kayo na hangaring magkaroon ng patotoo sa Diyos ngayon. …

… Dahil sa inyong sariling patotoo sa Diyos, mapagpapala ninyo ang inyong pamilya, inyong angkan, inyong mga kaibigan—lahat ng inyong minamahal. Ang inyong sariling kaalaman tungkol sa Diyos ay hindi lamang ang pinakadakilang handog na inyong maibibigay; magdudulot pa ito ng pinakamalaking kagalakan na inyong makakamtan magpakailanman.

… Nangangako ako na kung kayo ng inyong mga mahal sa buhay ay hahangarin Siya nang buong pagpapakumbaba, katapatan, at pagsusumikap, malalaman din ninyo ito nang may katiyakan. Darating ang patotoo sa inyo.

(Robert D. Hales, “Hangaring Makilala ang Diyos, na Ating Ama sa Langit, at ang Kanyang Anak na si Jesucristo,” Ensign o Liahona, Nob. 2009, 32)

Print