Juan 14–17
Buod
Sa Kanyang huling gabi kasama ang Kanyang mga disipulo, tinuruan at pinanatag sila ni Jesucristo. Itinuro Niya sa kanila kung paanong Siya “ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay” (Juan 14:6) at kung paano nila maipapakita ang kanilang pagmamahal sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang mga utos. Sinabi sa kanila ng Tagapagligtas na sumunod sa Kanya at itinuro Niya sa kanila ang tungkol sa misyon ng Espiritu Santo. Nanalangin si Jesucristo para sa kanila nang ialay Niya ang Kanyang dakilang Panalangin ng Pamamagitan.
Maghandang Magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Juan 14:1–6; 15:1–11
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na pagnilayan ang kanilang ugnayan kay Jesucristo at kung paano nila Siya masusunod at paano nila matatanggap ang Kanyang lakas at suporta.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na maghanap o kumuha ng larawan ng isang daanan o ng puno ng ubas o punong may mga sanga. Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng mga paraan kung paano ipinapaalala sa kanila ng kanilang larawan si Jesucristo, at dalhin ang kanilang larawan sa klase.
-
Mga pagkakataon sa pagtuturo: Maaari mong sabihin sa mga estudyante na magturo sa lesson na ito. Maaaring maghanda nang maaga ang mga estudyante upang maituro ang isang bahagi ng lesson, o maaari silang maghanda at magturo sa oras ng klase.
-
Handout: “Si Jesucristo ‘ang Daan, at ang Katotohanan, at ang Buhay’ (Juan 14:6)”
-
Bagay: Isang sanga o bahagi ng isang puno ng ubas
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari mong hatiin ang mga estudyante sa maliliit na breakout group upang ituro ang kanilang inihandang lesson sa isang kaklase.
Juan 14:15–31; 15:10–14
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maipakita ang kanilang pagmamahal sa Ama sa Langit at kay Jesucristo sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanilang mga utos.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na panoorin ang “Kung Ako’y Inyong Iniibig, ay Tutuparin Ninyo ang Aking mga Utos,” ang mensahe ni Carole M. Stephens, na noon ay kabilang sa Relief Society General Presidency, sa Pangkalahatang Kumperensya noong Oktubre 2015, mula sa time code na 0:00 hanggang 4:31. Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung ano ang maituturo sa atin ng salaysay na ito tungkol sa kung bakit tayo binibigyan ng Panginoon ng mga utos.
-
Mga personal na halimbawa: Maghandang magbahagi ng halimbawa kung kailan ipinakita ng mga kapamilya o ng iba ang pagmamahal nila sa iyo.
-
Mga Video: “Kung Ako’y Inyong Iniibig, ay Tutuparin Ninyo ang Aking mga Utos” (11:09); “Magsipanahan sa Aking Pag-ibig” (15:08; manood mula sa time code na 14:27 hanggang 14:50)
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Sabihin sa mga estudyante na anyayahan ang isang magulang o iba pang kapamilya na sumali sa talakayan tungkol sa kung may nalalaman silang isang taong nagmamahal sa kanyang kapwa.
Juan 14–16
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na matukoy kung paano tinutupad ng Espiritu Santo ang Kanyang mga ginagampang tungkulin sa kanilang buhay.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na maghandang sagutin ang tanong na “Paano ka tinutulungan ng Espiritu Santo?” gamit ang mga halimbawa mula sa mga banal na kasulatan o personal na karanasan.
-
Mga materyal para sa mga estudyante: Maliliit na piraso ng papel o note card na masusulatan ng mga estudyante
-
Content na ipapakita: Ang chart tungkol sa mga ginagampanang tungkulin ng Espiritu Santo
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Gumawa ng shared document na naglalaman ng chart. Sabihin sa mga estudyante na i-type ang kanilang mga sagot sa chart. Maaaring i-assign ang mga estudyante sa mga partikular na field. Ipakita ang nakumpletong chart para makita ng lahat.
Juan 17
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay hihikayat sa mga estudyante na makilala nang mas personal ang Ama sa Langit at si Jesucristo sa kanilang buhay.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin ang 3 Nephi 19:16, 26–33 at pagnilayan kung ano ang pakiramdam na marinig ang Tagapagligtas na manalangin sa Ama sa Langit para sa kanila.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari mong gamitin ang mungkahi sa bahaging “Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral” ng lesson na ito na may pamagat na “Aktibidad sa pagguhit—pagkakaisa” upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan na sadya talagang mas nagkakaisa tayo kapag mas napapalapit ang bawat isa sa atin kay Jesucristo.
Doctrinal Mastery: Juan 17:3
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na maisaulo ang doctrinal mastery reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Juan 17:3 , maipaliwanag ang doktrina, at maipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa isang sitwasyon sa totoong buhay.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na tumukoy ng isang taong kilala nila na maaaring kilala nang mabuti ang Ama sa Langit at si Jesucristo. Sabihin sa mga estudyante na itanong sa taong iyon kung ano ang nakatulong sa kanya na makilala ang Ama sa Langit at si Jesucristo.
-
Content na ipapakita: Mga tagubilin at tanong sa ilalim ng bawat isa sa tatlong heading na nauugnay sa mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari mong gamitin ang breakout room function upang makapagsama-sama ang mga estudyante sa maliliit na grupo upang magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa sitwasyon sa lesson. Pagkatapos ay muling pagsama-samahin ang klase upang talakayin ang natutuhan ng bawat grupo.