Juan 14–16
Ang Misyon ng Espiritu Santo
Sa panahon ng ministeryo ng Tagapagligtas, natamasa ng mga Apostol ang kapangyarihan ng Espiritu Santo, ngunit hindi pa nila natatanggap ang kaloob na Espiritu Santo, na magtutulot sa kanila, sa pamamagitan ng kanilang kabutihan, na palaging makasama ang Espiritu Santo (tingnan sa Bible Dictionary, “Holy Ghost”). Nangako si Jesucristo na ibibigay sa kanila ang kaloob na Espiritu Santo pagkatapos ng Kanyang pag-akyat sa langit. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na matukoy kung paano tinutupad ng Espiritu Santo ang Kanyang iba’t ibang ginagampanang tungkulin sa iyong buhay.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Paano ka matutulungan ng Espiritu Santo?
-
Ano ang nauunawaan mo tungkol sa kung paano ka matutulungan ng Espiritu Santo?
-
Ano ang mga tanong mo tungkol sa ginagampanang tungkulin ng Espiritu Santo sa ating buhay?
Habang nag-aaral ka, maghanap ng mga sagot sa mga tanong mo tungkol sa Espiritu Santo at kung paano makatutulong ang ginagampanang tungkulin ng Espiritu Santo sa iyo at sa iyong mga indibiduwal na pangangailangan.
Itinuro ni Jesus sa Kanyang mga Apostol ang tungkol sa Espiritu Santo
Matapos pangasiwaan ng Tagapagligtas ang sakramento, at mabatid na malapit na Siyang magdusa para sa ating mga pasakit, tukso, at kasalanan at pagkatapos ay ipapako sa krus, patuloy Siyang nagturo sa Kanyang mga Apostol.
Basahin ang Juan 14:16–17 , at alamin ang pangako ng Tagapagligtas sa Kanyang mga Apostol.
-
Sa iyong palagay, bakit ipinangako ni Jesucristo sa Kanyang mga Apostol na matatanggap nila ang kaloob na Espiritu Santo pagkaalis Niya?
(Mga) talata |
Isinusugo sa atin ng Ama sa Langit at ni Jesucristo ang Espiritu Santo upang … |
Isang patotoo mula sa Espiritu Santo
Itinuro ng Tagapagligtas na papatotohanan at luluwalhatiin Siya ng Espiritu Santo (tingnan sa Juan 15:26 ; 16:13–14).
Ipinahayag ni Pangulong Russell M. Nelson:
Ang pinakamahalagang katotohanan na pagtitibayin sa inyo ng Espiritu Santo ay si Jesus ay ang Cristo, ang Anak ng buhay na Diyos.
(Russell N. Nelson,“Paghahayag para sa Simbahan, Paghahayag para sa Ating Buhay,”Ensign o Liahona,Mayo 2018, 96)
-
Kailan mo nadama ang Espiritu Santo na nagtuturo at nagpapatotoo sa iyo tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo? Paano nagturo at nagpatotoo sa iyo ang Espiritu Santo?
-
Ano ang maaaring gawin ng isang tao upang maanyayahan ang Espiritu Santo na turuan siya tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo? (tingnan sa Juan 7:17;14:13).
Mga personal na karanasan sa Espiritu Santo
Magdagdag ng pangatlong column sa iyong chart, at lagyan ito ng label na “Paano ito nagawa ng Espiritu Santo para sa akin o para sa isang taong kilala ko.” Para sa bawat scripture passage sa chart, isipin at isulat ang tungkol sa anumang karanasan mo, ng isang kapamilya, o ng isang tao sa mga banal na kasulatan kung saan tinupad ng Espiritu Santo ang ginagampanang tungkuling iyon. Kung hindi mo matukoy o maalala ang isang personal na karanasan para sa bawat isa sa mga ginagampanang tungkulin ng Espiritu Santo na binigyang-diin ng Tagapagligtas sa mga talatang ito, ayos lang iyan. Habang pinagsisikapan mong maging tapat at hanapin ang mga karanasang ito sa iyong buhay, tutulungan ka ng Ama sa Langit na matukoy ang mga ito.
Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon
Ano ang ginagawa ng Espiritu Santo?
Itinuro ni Pangulong Dallin H. Oaks:
Ang pangatlong miyembro ng Panguluhang Diyos ay ang Espiritu Santo, na tinutukoy din bilang Banal na Espiritu, ang Espiritu ng Panginoon, at ang Mang-aaliw. Siya ang miyembro ng Panguluhang Diyos na tagapagbigay ng personal na paghahayag. Bilang isang personaheng Espiritu (tingnan sa D at T 130:22), Siya ay makapananahanan sa atin at magagampanan ang mahalagang tungkulin Niya bilang tagapaghatid ng mensaheng mula sa Ama at sa Anak para sa mga anak ng Diyos sa lupa. Itinuturo sa maraming banal na kasulatan na ang Kanyang misyon ay patotohanan ang Ama at ang Anak (tingnan sa Juan 15:26 ; 3 Nephi 28:11 ; D at T 42:17). Ipinangako ng Tagapagligtas na ituturo sa atin ng Mang-aaliw ang lahat ng mga bagay, ipapaalaala sa atin ang lahat, at papatnubayan tayo sa buong katotohanan (tingnan sa Juan 14:26 ; 16:13). Samakatwid, ang Espiritu Santo ay tumutulong sa atin na malaman ang pagkakaiba ng katotohanan at kabulaanan, gumagabay sa atin sa mahahalagang desisyon, at tumutulong sa atin na makayanan ang mga hamon sa buhay. Sa pamamagitan din Niya tayo ay pinababanal, ibig sabihin, nililinis at dinadalisay mula sa kasalanan (tingnan sa 2 Nephi 31:17 ; 3 Nephi 27:20 ; Moroni 6:4).
(Dallin H. Oaks, “Ang Panguluhang Diyos at ang Plano ng Kaligtasan,” Ensign o Liahona, Mayo 2017, 102)
Bakit mahalagang makilala natin na nangungusap sa atin ang Espiritu Santo?
Itinuro ni Pangulong Dallin H. Oaks ng Unang Panguluhan:
Ang personal na linyang ito ng pakikipag-ugnayan sa ating Ama sa Langit sa pamamagitan ng Kanyang Banal na Espiritu ang pinagmumulan ng ating patotoo sa katotohanan, ng ating kaalaman, at personal na patnubay ng isang mapagmahal na Ama sa Langit. Ito ay mahalagang bahagi ng Kanyang kagila-gilalas na plano ng ebanghelyo, na nagpapahintulot sa bawat isa sa Kanyang mga anak na tumanggap ng personal na patotoo sa katotohanan nito.
(Dallin H. Oaks, “Dalawang Linya ng Pakikipag-ugnayan,” Ensign o Liahona, Nob. 2010, 83)
Juan 14:27 . Paano ako makadarama ng kapayapaan mula sa Espiritu Santo kung nahihirapan ako sa kalusugan sa pag-iisip?
Kung nakararanas ka ng mga hamon sa kalusugan sa pag-iisip tulad ng pagkabalisa o depresyon, maaaring madama mo na napakahirap madama ang Espiritu Santo. Hindi mo ito kasalanan. Alam ng ating Ama sa Langit at ng Kanyang Anak na si Jesucristo ang mga paghihirap na ito, at nais Nilang tulungan ka. Maaari mong rebyuhin ang isa o dalawa sa sumusunod na resources para sa karagdagang impormasyon kung paano makadarama ng kapayapaan mula sa Espiritu Santo kapag nahihirapan ka sa mga problema sa kalusugan sa pag-iisip.
-
Video: “Parang Basag na Sisidlan” (11:36; makukuha sa SimbahanniJesucristo.org)
-
Reyna I. Aburto, “Sa Dilim at Liwanag, Aking Panginoon, Manatili!,” Ensign o Liahona, Nob. 2019, 57–60
-
Juan 16:7 . Ano ang ibig sabihin ng Tagapagligtas nang sabihin Niyang, “Kung hindi ako aalis, ang Mang-aaliw ay hindi darating sa inyo”?
Sa ilang kadahilanang hindi gaanong ipinaliwanag sa mga banal na kasulatan, ang Espiritu Santo ay hindi lubos na ibinigay sa mga Judio sa mga panahong narito sa lupa si Jesus ( Juan 7:39 ; 16:7). Ang mga pahayag na hindi pa naparito ang Espiritu Santo hangga’t hindi pa nabubuhay na mag-uli si Jesucristo ay tumutukoy lamang sa dispensasyong iyon, sapagkat malinaw na ang Espiritu Santo ay naroon sa mga naunang dispensasyon. Dagdag pa rito, ang tinutukoy lamang na wala roon ay ang kaloob na Espiritu Santo, dahil ang kapangyarihan ng Espiritu Santo ay nadarama na sa panahon ng mga pagmiministeryo nina Juan Bautista at Jesus; kung hindi ay walang sinuman ang makatatanggap ng patotoo sa mga katotohanang itinuro ng mga lalaking ito ( Mat. 16:16–17 ; tingnan din sa 1 Cor. 12:3).
(Bible Dictionary, “ Holy Ghost ”)