Seminary
I-assess ang Iyong Pagkatuto 5


I-assess ang Iyong Pagkatuto 5

Mateo 21–26; Marcos 11–14; Lucas 19–21; Juan 12–13

Young woman sitting on a bed reading scriptures.

Layunin ng lesson na ito na tulungan kang suriin ang mga mithiing itinakda mo at ang pansariling pag-unlad na naranasan mo sa iyong pag-aaral ng Bagong Tipan.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang huling ilang lesson at ang mga karanasan nila dahil sa mga lesson na iyon.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Layunin ng lesson na ito na tulungan ang mga estudyante na suriin ang mga mithiing itinakda nila, ang kanilang kakayahang ipaliwanag ang mga turo sa Bagong Tipan, o kung paano nagbabago ang kanilang saloobin, hangarin, at kakayahang ipamuhay ang ebanghelyo. Ang pag-aaral ng klase sa Mateo 21–26; Marcos 11–14; Lucas 19–21; Juan 12–13 ay maaaring nakapagbigay-diin sa mga katotohanang wala sa mga sumusunod na aktibidad. Kung gayon, maaaring iangkop ang mga aktibidad upang maisama ang mga katotohanang iyon.

Ano ang natutuhan mo?

Maglaan ng ilang sandali upang pag-isipan ang natutuhan mo kamakailan mula sa pag-aaral mo ng Bagong Tipan. Ang mga sumusunod na larawan ay maaaring makatulong sa iyo. Maaari ring maging kapaki-pakinabang na tingnan ang mga isinulat mo kamakailan sa iyong study journal. Ang sumusunod na aktibidad ay makatutulong sa iyo na suriin ang iyong pag-unlad dahil sa natututuhan mo.

Jesus turning over a table of a money changer in the temple. Outtakes include images of Christ alone and with the crowd of merchants and buyers fleeing, people buying goods, and people looking.
Jesus washing Peter’s feet. Outtakes show similar scenes.
The resurrected Jesus Christ (wearing white robes with a magenta sash) standing above a large gathering of clouds. Christ has His arms partially extended. The wounds in the hands of Christ are visible. Numerous angels (each blowing a trumpet) are gathered on both sides of Christ. A desert landscape is visible below the clouds. The painting depicts the Second coming of Christ. (Acts 1:11)

Kung mas gusto mo, maaari mong ipasagot sa mga estudyante ang mga sumusunod na tanong nang magkakapartner o sa maliliit na grupo.

  • Ano ang natutuhan mo kamakailan tungkol kay Jesucristo na naging pinakamakabuluhan sa iyo? Anong mga salaysay sa banal na kasulatan ang nakatulong sa iyo na maunawaan ito tungkol sa Kanya?

  • Ano ang mga ginawa mo upang maging mas tapat na disipulo ni Jesucristo?

  • Anong (mga) susunod na hakbang ang maaari mong gawin upang maging mas mabuting tagasunod ng Tagapagligtas?

Ibigin ang Diyos at ibigin ang iyong kapwa

Napag-aralan mo kamakailan ang turo ni Jesus na ang dalawang pinakadakilang utos ay ibigin natin ang Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip natin at ibigin ang ating kapwa na gaya ng ating sarili (tingnan sa Mateo 22:36–39).

Maaari mong sabihin sa mga estudyante na talakayin ang sumusunod na tanong sa isang kapartner.

  • Sa palagay mo, bakit ang mga ito ang dalawang pinakadakilang utos?

Natutuhan mo rin kamakailan ang tungkol sa paghuhugas ni Jesus ng mga paa ng Kanyang mga disipulo at pagbibigay sa kanila ng bagong utos na mahalin ang isa’t isa tulad ng pagmamahal Niya sa kanila (tingnan sa Juan 13).

Ipasagot sa maraming estudyante ang mga sumusunod na tanong. Maaari kang magbigay ng mga follow-up na tanong upang makapagbahagi ang mga estudyante ng mga karanasan nila nang isinagawa nila ang kanilang plano.

  • Kumusta ang iyong naging karanasan sa pagsunod mo sa mga turo ng Tagapagligtas?

  • Ano ang nadama mo tungkol sa pagmamahal ni Jesucristo para sa iyo at sa iba nang tumugon ka sa mga paanyayang ibinigay sa klase?

  • Ano ang gusto mong gawin o patuloy na gawin dahil sa mga turo ng Tagapagligtas?

Maaaring makatulong na muling i-follow up sa mga estudyante ang tungkol sa kanilang mga plano sa susunod. Patotohanan ang mga pagpapalang dumarating kapag sinisikap nating mahalin ang Diyos at mahalin ang ating kapwa tulad ng ginagawa ng Tagapagligtas.

Ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo

Sa bahaging ito ng lesson, maaari mong ipakita ang paglalarawan sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo mula sa simula ng lesson.

Ang isang magandang paraan upang mapasimple ang mga turo ng ebanghelyo ay ipaliwanag ang mga ito sa paraang mauunawaan ng isang bata. Upang matulungan kang maipaliwanag ang mahahalagang aspekto ng Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas sa sarili mong mga salita, sumulat ng buod na para bang isinusulat mo ito para sa isang bata.

Maaaring mag-isa o may kapartner ang mga estudyante sa pagsusulat ng buod.

Tandaan na sa nakaraang lesson, maaaring nag-ukol ang mga estudyante ng ilang oras upang pag-aralan kung paano maiiwasan ang pagkalito, pag-aalinlangan, at takot tungkol sa Ikalawang Pagparito. Maaaring makatulong na sabihin sa mga estudyante na alalahanin ang natutuhan nila sa pag-aaral ng Joseph Smith—Mateo bago nila simulan ang pagsusulat ng kanilang mga buod.

Ang layunin ng iyong buod ay sagutin ang dalawang tanong:

  • Ano ang maaari nating gawin upang maging handa para sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo?

  • Bakit magiging maluwalhati ang Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas? (Alalahanin na sa nakaraang lesson, maaaring nabasa mo ang paanyaya ni Elder Neil L. Andersen na isipin at paghandaan ang mga maluwalhating kaganapan kaugnay ng Ikalawang Pagparito [tingnan sa “Dumating Nawa ang Kaharian Mo,” Ensign o Liahona, Mayo 2015, 122].)

Ang sumusunod na resources ay maaaring makatulong sa iyo na rebyuhin ang natutuhan mo.

Maaaring ibahagi ng mga estudyante ang kanilang buod sa kapartner, o maaaring magboluntaryo ang isa o dalawang estudyante na basahin ang kanilang buod sa klase.