Mateo 26; Marcos 14; Juan 13
Buod
Sa hapunan ng Paskuwa, itinuro ni Jesus sa Kanyang mga disipulo ang tungkol sa paglilingkod at pagmamahal sa isa’t isa. Ipinahayag niya na Siya ay ipagkakanulo. Pinasimulan Niya ang ordenansa ng sakramento bilang bagong paraan upang alalahanin Siya ng Kanyang mga disipulo. Sa linggong ito, kabilang ang isang doctrinal mastery lesson upang matulungan ang mga estudyante na madagdagan ang kanilang kaalaman sa doktrina ng sakramento, at ang isa pang lesson upang matulungan silang i-assess ang kanilang pagkatuto at progreso.
Maghandang Magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Juan 13
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makahihikayat sa mga estudyante na maghangad ng kaligayahan sa pamamagitan ng paglilingkod at pagmamahal sa kapwa tulad ng ginawa ni Jesus.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na maghanap ng pagkakataong maglingkod o magpakita ng pagmamahal na tulad ng kay Cristo para sa ibang tao.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Bukod pa sa pagsasabi sa mga estudyante na gumawa ng sariling plano upang magpakita ng higit na pagmamahal sa kapwa, maaaring gumawa ng plano ang buong klase sa paggawa ng mabuting bagay nang magkakasama para sa ibang tao.
Mateo 26:1–25
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na gamitin ang mga salita ng Tagapagligtas sa mga banal na kasulatan upang masuri ang kanilang buhay at malaman kung aling aspekto ng buhay nila ang kailangan nilang pagbutihin pa.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng isang pagkakataon na ipinamuhay nila ang payo o mga turo mula sa mga banal na kasulatan, mga lider ng Simbahan, o mula sa Espiritu Santo. Paano maiiba ang kanilang buhay kung hindi nila piniling ipamuhay ang payong iyon?
-
Video: “Ako Baga, Panginoon?” (18:17; panoorin mula sa time code na 0:34 hanggang 2:30)
Mateo 26:26–30; Lucas 22:19–20
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan at madama ang kahalagahan ng pag-alaala sa Tagapagligtas kapag tumatanggap sila ng sakramento.
-
Paghahanda ng estudyante: Ipaalam sa mga estudyante na sa lesson na ito, aanyayahan silang i-assess ang kanilang mga karanasan sa pagtanggap ng sakramento. Sabihin sa mga estudyante na isipin ang pinakahuling karanasan nila sa pagtanggap ng sakramento, at maging handang ibahagi ang kanilang ginagawa, iniisip, o nadarama na nakatulong sa kanila na alalahanin ang Tagapagligtas.
-
Video: “Ang Sakramento—Isang Pagpapanibago ng Kaluluwa” (10:38; panoorin mula sa time code na 9:25 hanggang 9:57)
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Isipin kung sa aling sources mo itutuon ang pansin ng mga estudyante habang naghahanda silang pag-aralan ang doktrina ng sakramento. Gumawa ng paraan upang maibahagi ng mga estudyante ang kanilang mga lesson outline tungkol sa sakramento nang magkakapartner o sa maliliit na grupo.
Doctrinal Mastery: Lucas 22:19–20
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay magbibigay sa mga estudyante ng pagkakataong madagdagan ang kanilang kaalaman sa doktrina ng sakramento sa pamamagitan ng pagsasaulo ng reperensya at mahalagang parirala ng banal na kasulatan, pagpapaliwanag ng doktrina, at pagsasabuhay ng mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin kung ano ang nakatutulong sa kanila na alalahanin ang Tagapagligtas kapag tumatanggap sila ng sakramento at maghandang gamitin o ibahagi ang karanasang ito sa lesson na ito.
I-assess ang Iyong Pagkatuto 5
Layunin ng lesson: Layunin ng lesson na ito na tulungan ang mga estudyante na suriin ang mga mithiing itinakda nila at ang pansariling pag-unlad na naranasan nila sa kanilang pag-aaral ng Bagong Tipan.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang huling ilang lesson at ang mga karanasan nila dahil sa mga lesson na iyon.
-
Mga larawan: Mga larawang makatutulong sa mga estudyante na maalala ang ilan sa mahahalagang pangyayari at turo na napag-aralan nila sa nakalipas na tatlong linggo
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Habang ibinabahagi ng mga estudyante ang kanilang mga paliwanag tungkol sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo, maaari mong sabihin sa estudyanteng pinakahuling nagbahagi na pumili ng isa pang kaklase na susunod na magbabahagi. Pagkatapos ay maaaring sabihin sa estudyanteng iyon na magdagdag ng kahit isang detalye na hindi pa naisasama at pagkatapos ay pumili ng isa pang estudyante na magbabahagi. Ang prosesong ito ay maaaring ulitin hanggang sa hindi na makaisip ang buong klase ng iba pang detalye na gusto nilang ipaliwanag.