Seminary
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 9


Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 9

Magsanay sa Pag-unawa at Pagpapaliwanag ng mga Katotohanan

Two young men are talking to each other. They are seated outside.

Ang mga doctrinal mastery scripture passage ay naglalaman ng mahahalagang katotohanan tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na mas maunawaan ang mga katotohanang ito at matutulungan kang magsanay na ipaliwanag ang mga ito sa iba.

Pagsasanay sa pagpapaliwanag. Kapag binigyan ang mga estudyante ng mga pagkakataon na magsanay sa pagpapaliwanag ng mga katotohanang itinuro ng Tagapagligtas, mapagtatanto nila ang nalalaman nila tungkol sa isang katotohanan at mas magkakaroon sila ng kumpiyansa na ibahagi ang kanilang kaalaman sa iba.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumili ng doctrinal mastery scripture passage na natutuhan nila kamakailan at ipaliwanag ito sa isang tao.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Maaaring kailanganing ituro ang isang doctrinal mastery passage lesson kapalit ng lesson sa pagrerebyu na ito. Tingnan ang iskedyul sa pagtuturo na ibinigay ng area o region director o coordinator upang matiyak na maituturo ang bawat doctrinal mastery passage lesson habang may klase sa seminary.

Maaari mong sabihin sa isang estudyante na magpakita ng isang kasanayan na nangangailangan ng pag-eensayo upang malinang, tulad ng pagtugtog ng instrumentong pangmusika o pagkanta.

Paglilinang ng kasanayan

  • Sa anong bagay ka magaling?

  • Paano ka naging magaling dito?

Tinalakay ni Elder Gary E. Stevenson ng Korum ng Labindalawang Apostol kung paano maglinang ng kasanayan.

Official portrait of Elder Gary E. Stevenson of the Quorum of the Twelve Apostles, 2015.

Para maging talagang magaling ang isang tao sa anumang bagay, bukod sa likas na talento ay kailangan ng matinding disiplina, sakripisyo, at maraming oras ng pagsasanay at praktis.

(Gary E. Stevenson, “Ang Inyong Priesthood Playbook,” Ensign o Liahona, Mayo 2019, 47)

  • Paano ito maiaangkop sa iyong pag-aaral ng mga banal na kasulatan?

  • Gaano kalaki ang kumpiyansa mo sa kakayahan mong ipaliwanag sa iba ang mga turo ng Tagapagligtas?

Huwag mag-atubiling pumili ng iba pang doctrinal mastery passage para sa mga sumusunod na aktibidad.

Ngayon, gagamitin mo ang mga doctrinal mastery scripture passage upang mapalalim ang iyong pag-unawa sa mga katotohanang itinuro ng Tagapagligtas, at magsasanay kang ipaliwanag ang mga katotohanang ito sa iba. Una, maaaring makatulong na rebyuhin ang mga doctrinal mastery passage na napag-aralan mo kamakailan. Subukang itugma ang doctrinal mastery scripture reference sa tamang mahalagang parirala ng banal na kasulatan nito.

Huwag mag-atubiling pumili ng iba pang doctrinal mastery passage para sa mga sumusunod na aktibidad. Ang mga sagot para sa aktibidad na pagtutugma ay 1-C, 2-B, 3-A, 4-D.

1. Mateo 11:28–30

A. “Kung ang sinuman ay nagnanais gumawa ng kalooban ng Diyos ay makikilala niya kung ang turo ay mula sa Diyos.”

2. Mateo 16:15–19

B. Sinabi ni Jesus, “Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian.”

3. Juan 7:17

C. “Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nanlulupaypay at lubhang nabibigatan at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan.”

4. Mateo 22:36–39

D. “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos. … Ibigin mo ang iyong kapwa.”

Pag-unawa sa scripture passage

Maaari mong ipagawa ang sumusunod na aktibidad sa buong klase. Sumulat ng doctrinal mastery scripture passage sa pisara (bago magklase, kung maaari). Ibahagi ang mga sumusunod na instruksyon at sabihin sa mga estudyante na isulat sa pisara ang kanilang mga tanong.

Isulat ang lahat ng tanong na maiisip mo tungkol sa doctrinal mastery passage. (Kabilang sa mga halimbawa ng mga bagay na maaari mong itanong ang mga sumusunod: Ano ang ibig sabihin ng pariralang ito? Sino ang kausap ng Tagapagligtas, at bakit? Anong katotohanan ang itinuro ng Tagapagligtas, at bakit? Kailan maaaring makatulong sa akin ang turong ito?)Maghanap ng mga sagot sa iyong mga tanong gamit ang resources tulad ng iba pang mga scripture passage, panalangin, tulong sa pag-aaral ng ebanghelyo, at mga taong pinagkakatiwalaan mo. Itala ang anumang sagot na mahahanap mo.

Mahalagang tandaan na hindi lahat ng sagot ay madaling mahanap. Ang ilan ay nangangailangan ng karagdagang oras, karagdagang pag-aaral, at personal na paghahayag. Gayunpaman, ang pagsasanay sa pagtatanong at paghahanap ng mga sagot ay makapagpapatibay sa iyong ugnayan sa iyong Ama sa Langit at makatutulong sa iyong linangin ang iyong kakayahang maging self-reliant sa aspektong espirituwal.

Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nahanap nila. Pagkatapos ay sabihin sa kanila na gawin ang aktibidad ding iyon nang mag-isa gamit ang ibang scripture passage. O maaaring makatulong na i-assign sa bawat estudyante ang isa sa mga doctrinal mastery scripture passage na nirerebyu at pagkatapos ay hatiin ang mga estudyante sa mga grupo, kung saan magkakaiba ang scripture passage na naka-assign sa bawat estudyante sa grupo.

Pagpapaliwanag ng katotohanan

Maaari mong iakma ang sumusunod na aktibidad sa pamamagitan ng paglalagay ng mga sobre sa paligid ng silid na may isang doctrinal mastery passage sa loob ng bawat sobre. Bigyan ang bawat estudyante ng isa sa mga doctrinal mastery passage na pag-aaralan. Hatiin ang mga estudyante sa mga grupo, at tiyaking magkakaiba ang scripture passage na naka-assign sa bawat estudyante sa grupo. Sabihin sa mga grupo na pumunta sa bawat sobre. Kapag nabuksan na nila ito, sabihin sa estudyante sa grupo na nag-aral ng doctrinal mastery passage na nasa sobre na ipaliwanag sa kanyang mga kagrupo ang kahulugan ng scripture passage at ang natutuhan niya tungkol dito.

Ipagpalagay na binasa ng isang kaibigan mo ang doctrinal mastery scripture passage na pinag-aralan mo nito lang ngunit nahirapan siyang maunawaan ito at kung paano ito nauugnay sa kanyang buhay. Tinanong ka niya tungkol dito.

Sumulat ng paliwanag tungkol sa doctrinal mastery scripture passage sa iyong kaibigan. Tiyaking tukuyin ang mahahalagang katotohanan at ipaliwanag kung bakit mahalaga ang mga ito sa iyo.

Pagtutok sa pagsasanay

Pagnilayan ang karanasang ito sa pagsisikap na mas malalim na maunawaan at maipaliwanag ang mga katotohanang matatagpuan sa mga doctrinal mastery scripture passage.

  • Paano nakaapekto ang pagpapalalim ng iyong pag-unawa sa kakayahan mong ipaliwanag ang mga katotohanan ng ebanghelyo?

  • Ano ang magagawa mo sa hinaharap upang maging handang ipaliwanag sa iba ang mga katotohanang matatagpuan sa mga doctrinal mastery passage at sa iba pang mga scripture passage?