Seminary
Joseph Smith—Mateo


Joseph Smith—Mateo

Maghintay sa Pagparito ng Panginoon

The resurrected Jesus Christ (wearing white robes with a magenta sash) standing above a large gathering of clouds. Christ has His arms partially extended. The wounds in the hands of Christ are visible. Numerous angels (each blowing a trumpet) are gathered on both sides of Christ. A desert landscape is visible below the clouds. The painting depicts the Second coming of Christ. (Acts 1:11)

Sa isang pribadong pag-uusap sa Bundok ng mga Olibo, sinagot ni Jesucristo ang mga tanong ng Kanyang mga disipulo tungkol sa Kanyang Ikalawang Pagparito. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maunawaan ang itinuro ng Tagapagligtas tungkol sa mga palatandaan ng Kanyang pagparito at umasa sa araw na babalik Siya sa mundo.

Pagtulong sa mga estudyante na magkaroon ng mga makabuluhang karanasan. Tandaan na ang mithiin mo bilang titser ay hindi upang ituro ang isang lesson o talakayin ang lahat ng nilalaman nito. Sa halip, layunin mong tulungan ang mga estudyante na pag-aralan ang mga banal na kasulatan sa paraang makatutulong sa kanila na makilala at sundin ang Tagapagligtas.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin ang Joseph Smith—Mateo 1:22–55 at pagnilayan ang kanilang mga naiisip at nadarama tungkol sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Paglalarawan sa isipan ng pagparito ni Jesucristo

Kung sinabi mo sa mga estudyante na basahin ang Joseph Smith—Mateo 1:22–55 at pagnilayan ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo bago magklase, maaari mong ipabahagi sa kanila ang kanilang mga naiisip at nadarama ngayon. Ipakita ang larawan sa itaas, at magtanong ng mga bagay na makatutulong sa mga estudyante na masabi ang kanilang mga naiisip at nadarama tungkol sa paksa. Pakinggan ang ibabahagi ng mga estudyante, at isaalang-alang ang sumusunod na materyal upang mapaganda ang kanilang karanasan sa pag-aaral.

Pag-isipan ang nalalaman mo tungkol sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo at sa mga palatandaang darating bago ito. Ilarawan sa isipan kung ano ang mangyayari.

  • Ano ang nakikita mo sa iyong isipan kapag iniisip mo ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo?

  • Ano ang nadarama mo kapag iniisip mo ang pagparito ng Tagapagligtas?

Pakinggang mabuti ang sasabihin ng mga estudyante. Kung tila kinakabahan o natatakot ang mga estudyante tungkol sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo, maghanap ng mga oportunidad sa buong lesson upang matulungan silang makadama ng kapayapaan. Tulungan silang maunawaan ang mga palatandaan ng pagparito ng Tagapagligtas at umasa sa Kanyang pagbabalik.

Habang nag-aaral ka ngayon, pakinggan ang mga pahiwatig mula sa Espiritu Santo na tutulong sa iyong malaman kung ano ang magagawa mo upang umasa sa araw na muling paparito si Jesucristo.

Ang mga palatandaan bago ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo

Nang tanungin ng mga disipulo ang Tagapagligtas, “Ano ang palatandaan ng inyong pagparito?” ( Joseph Smith—Mateo 1:4), itinuro Niya sa kanila ang tungkol sa mga pangyayaring hahantong sa Kanyang Ikalawang Pagparito. Bagama’t walang sinuman maliban sa Ama sa Langit ang nakakaalam ng eksaktong araw o oras na mangyayari ito, ipinaliwanag ni Jesus ang kahalagahan ng pagbabantay sa iba’t ibang palatandaang ibinigay Niya (tingnan sa Joseph Smith—Mateo 1:40, 46).

Ang isang lugar sa mga banal na kasulatan kung saan nakabalangkas ang mga palatandaan ng pagparito ng Panginoon ay makikita sa Joseph Smith—Mateo . Ito ang pagsasalin ni Joseph Smith, o rebisyon, ng Mateo 24 , na matatagpuan sa Mahalagang Perlas.

  • Ano ang ilang palatandaan na alam mong magaganap bago ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo?

Maaari mong sabihin sa mga estudyante na gumawa sa pisara ng listahan ng mga palatandaan. Matapos ibahagi ng mga estudyante ang nalalaman nila, maaari mong sabihin sa kanila na tingnan ang mga palatandaang ito sa mga banal na kasulatan at maghanap pa ng iba.

Upang makita ang ilan sa mga palatandaang inihayag ng Panginoon at ang dahilan kung bakit Niya inihayag ang mga ito, basahin ang Joseph Smith—Mateo 1:22–23, 28–36, 48 . Maaari mo ring tingnan ang “ Palatandaan ng Panahon, Mga ” sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, na makukuha sa https://www.churchofjesuschrist.org/study/scriptures/gs/signs-of-the-times?lang=tgl.

  • Ano ang pinakanapansin mo tungkol sa mga palatandaang ibinigay ng Tagapagligtas sa Kanyang Ikalawang Pagparito?

  • Ano ang matututuhan natin tungkol kay Jesucristo sa kaalamang inihayag na Niya ang mga palatandaang ito bago ang Kanyang Ikalawang Pagparito?

  • Ano ang nadarama mo habang inilalarawan mo sa iyong isipan ang ebanghelyo na “ip[in]angangaral sa buong daigdig” ( Joseph Smith—Mateo 1:31) at ang Tagapagligtas na “dumarating sa mga ulap ng langit, na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian”? ( Joseph Smith—Mateo 1:36). Bakit?

Maaari mong sabihin sa mga estudyante na rebyuhin ang mga talatang napag-aralan nila sa lesson na ito at markahan ang mahahalagang detalye tungkol sa Tagapagligtas at sa Kanyang mga hangarin para sa kanila. Matapos nilang ibahagi ang minarkahan nila, maaaring makatulong ang sumusunod na aktibidad. Huwag mag-atubiling magdagdag ng mga karagdagang parirala na natukoy nila tungkol sa Tagapagligtas at sa Kanyang mga hangarin para sa kanila.

Pumili ng kahit isa lang sa mga sumusunod na parirala at maaari mo itong markahan sa iyong mga banal na kasulatan. Habang minamarkahan mo ang mga salita, isipin ang mensahe ni Jesucristo. Alamin kung ano ang maituturo sa iyo ng mga salita ng Tagapagligtas tungkol sa Kanya at sa Kanyang mga hangarin para sa iyo.“Tiyaking huwag kayong magulumihanan” ( Joseph Smith—Mateo 1:23).“Siya na hindi padadaig, siya rin ay maliligtas” ( Joseph Smith—Mateo 1:30).“Ang aking mga salita ay hindi lilipas, kundi lahat ay matutupad” ( Joseph Smith—Mateo 1:35).“Kayo ay magsipaghanda rin,” ( Joseph Smith—Mateo 1:48).

  • Sa palagay mo, anong saloobin ang gusto ng Tagapagligtas na mayroon ka tungkol sa Kanyang pagparito?

  • Alin sa mga salita ni Jesucristo ang nakatutulong sa iyo na mahalin at pagkatiwalaan Siya?

Sa buong linggong ito, pag-aaralan mo pa ang tungkol sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo at kung paano ka makapaghahanda para dito.

Pag-asam sa pagbabalik ng Panginoon

Maaari mong sabihin sa mga estudyante na tingnan ang isang larawan o ipikit ang kanilang mga mata at ilarawan sa isipan ang mga pangyayari sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo habang pinakikinggan ang sumusunod na paglalarawan ni Elder Neil L. Andersen.

Habang binabasa mo ang sumusunod na pahayag ni Elder Neil L. Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol, ilarawan sa isipan ang sinasabi niya at isipin ang sarili mong saloobin tungkol sa Ikalawang Pagparito.

Official portrait of Elder Neil L. Andersen of the Quorum of the Twelve Apostles, 2010, August.

Ang ideya na darating Siya ay nagpapasaya sa aking kaluluwa. Magiging kagila-gilalas iyon! Ang saklaw at karingalan, ang lawak at kadakilaan, ay hihigit sa anumang nakita o naranasan na ng tao.

Sa araw na iyon … magpapakita Siya “sa mga alapaap ng langit, nadaramitan ng kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian; kasama ang lahat ng banal na anghel” [ Doktrina at mga Tipan 45:44 ]. … Ang araw at buwan ay magbabago, at “ang mga bituin ay hahagis mula sa kanilang mga lugar”[ Doktrina at mga Tipan 133:49 ]. …

… Luluhod tayo sa pagpipitagan, “at ang Panginoon ay mangungusap sa kanyang tinig, at ang mga dulo ng mundo ay makaririnig nito” [ Doktrina at mga Tipan 45:49 ]. …

Sa araw na iyon ang mga nangungutya ay mananahimik, “sapagkat bawat tainga ay makaririnig … , at bawat tuhod ay luluhod, at bawat dila ay magtatapat” [ Doktrina at mga Tipan 88:104 ] na si Jesus ang Cristo, ang Anak ng Diyos, ang Tagapagligtas at Manunubos ng sanlibutan.

… Nawa’y paghandaan natin ang Kanyang pagparito sa palaging pagsasaisip sa maluluwalhating pangyayaring ito kasama ang mga taong mahal natin.

(Neil L. Andersen, “Dumating Nawa ang Kaharian Mo,” Ensign o Liahona, Mayo 2015, 122)

  • Ano ang mga naisip o nadama mo nang mailarawan mo sa isipan ang inilarawan ni Elder Andersen?

  • Paano naimpluwensyahan ng lesson na ito ang mga naisip o nadama mo sa simula ng klase tungkol sa Ikalawang Pagparito?

  • Ano ang makatutulong sa iyo na mailarawan sa iyong isipan ang pagparito ng Panginoon bilang isang maluwalhating pangyayari?

  • Sino ang isang taong maaari mong kausapin tungkol sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo?

Kung maaari, isipin mong bumili ng maliliit na larawan ng Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas para sa mga estudyante. Maaari mong sabihin sa mga estudyante na ilagay ang larawan sa isang lugar na madalas na magpapaalala sa kanila ng maluwalhating pagbabalik ng Panginoon.

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Joseph Smith—Mateo 1:36–37 . Ano kaya ang mangyayari kapag muling pumarito ang Tagapagligtas?

Sa isa pang pagkakataon, ibinahagi ni Elder Neil L. Andersen ang kanyang mga iniisip tungkol sa panahon na babalik si Jesucristo sa mundo sa kaluwalhatian:

15:1
Official portrait of Elder Neil L. Andersen of the Quorum of the Twelve Apostles, 2010, August.

Walang nagpapasigla sa hangarin kong mas banggitin si Cristo kaysa sa isaisip ang Kanyang pagbabalik. Bagama’t hindi natin alam kung kailan Siya paparito, magiging kamangha-mangha ang mga kaganapan ng Kanyang pagbabalik! Darating Siya sa mga ulap ng langit na may kamahalan at kaluwalhatian kasama ang lahat ng Kanyang banal na mga anghel. Hindi lamang ilang anghel kundi lahat ng Kanyang banal na mga anghel. Hindi ito ang mga querubin na mamula-mula ang pisngi na ipininta ni Raphael, na matatagpuan sa ating mga Valentine card. Ito ang mga anghel ng maraming siglo, mga anghel na isinugo upang isara ang bibig ng mga leon, [tingnan sa Daniel 6:22 ], buksan ang mga pintuan ng bilangguan [tingnan sa Mga Gawa 5:19 ], ibalita ang pinakahihintay na Kanyang pagsilang [tingnan sa Lucas 2:2–14 ], aliwin Siya sa Getsemani [tingnan sa Lucas 22:42–43 ], bigyang-katiyakan ang Kanyang mga disipulo sa Kanyang Pag-akyat sa Langit, [tingnan sa Mga Gawa 1:9–11 ], at buksan ang maluwalhating Pagpapanumbalik ng ebanghelyo.

Naiisip ba ninyong umakyat sa langit upang salubungin Siya, sa buhay na ito o sa kabilang buhay? [tingnan sa 1 Mga Taga Tesalonica 4:16–17 ; Doktrina at mga Tipan 88:96–98 ]. Iyan ang pangako Niya sa mga matwid. Magiging malaking impluwensya ang karanasang ito sa ating kaluluwa magpakailanman.

(Neil L. Andersen, “ “Nangungusap Tayo tungkol kay Cristo,” Ensign o Liahona, Nob. 2020, 91)

Paano kung nag-aalala ako tungkol sa mga palatandaan ng Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas?

Ang video na “Huwag Kayong Mabagabag” (5:10) ay makatutulong sa ating maunawaan na hindi natin kailangang matakot sa mga palatandaan ng mga huling araw. Ang video na ito ay matatagpuan sa SimbahanniJesucristo.org.

NaN:NaN

//media.ldscdn.org/webvtt/scripture-and-lesson-support/doctrine-and-covenants-visual-resource/2010-07-038-be-not-troubled-en.vtt

Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Paghahanda sa mundo para sa pagbabalik ng Tagapagligtas

Maaaring hilingin sa ilang kabataang lalaki ng Aaronic Priesthood na pumasok sa klase na handang bigkasin o ipaliwanag ang bahagi ng tema ng korum ng Aaronic Priesthood tungkol sa paghahanda sa mundo para sa pagbabalik ng Tagapagligtas. Maaari ding hilingin sa mga kabataang babae na ibahagi kung ano ang ginagawa nila upang maihanda ang mundo para sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo.

Mga Talinghaga tungkol sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo

Tulungan ang mga estudyante na malaman ang tungkol sa hangarin ng Panginoon na maghanda tayo para sa Kanyang Ikalawang Pagparito sa pamamagitan ng pag-aaral ng maiikling talinghagang itinuro Niya sa Joseph Smith—Mateo . Ang mga sumusunod na reperensya ay maaaring ipakita upang mapagpilian ng klase o maaari ding hatiin nang pantay-pantay sa mga estudyante. Kung ia-assign ang mga reperensya, isaalang-alang ang haba o pagiging kumplikado ng bawat talinghaga. Pagkatapos magbasa ng mga estudyante, maaari mong hilingin sa kanila na ipaliwanag ang kanilang mga talinghaga sa isang kapartner o sa maliliit na grupo. Maaari mong gamitin ang unang reperensya at paliwanag bilang halimbawa para maipakita sa klase kung paano gagawin ang assignment.

Joseph Smith—Mateo 1:25–26

Ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo ay hindi lihim na mangyayari. Gaya ng liwanag ng araw na nagbibigay-liwanag sa buong mundo, malalaman ito ng lahat.

Joseph Smith—Mateo 1:27

Joseph Smith—Mateo 1:38–39

Joseph Smith—Mateo 1:41–43

Joseph Smith—Mateo 1:46–48

Joseph Smith—Mateo 1:49–54

Pagkatapos magbahagi ng mga estudyante, makatutulong sa mga estudyante na ibuod ang mensahe ng Panginoon na nakapaloob sa mga talinghagang ito sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong na tulad ng sumusunod: Batay sa natutuhan mo mula sa mga talinghagang ito, ano sa palagay mo ang mensahe ng Panginoon sa iyo tungkol sa Kanyang Ikalawang Pagparito?