Joseph Smith—Mateo 1; Mateo 25; Marcos 12–13; Lucas 21
Buod
Sa isang sarilinang pag-uusap sa Bundok ng mga Olibo, sinagot ni Jesucristo ang mga tanong ng Kanyang mga disipulo tungkol sa Kanyang Ikalawang Pagparito. Iniutos Niya sa kanila na “huwag kayong magulumihanan” (Joseph Smith—Mateo 1:23). Itinuro din Niya kung paano maghanda para sa Kanyang pagbabalik, at ibinahagi ang mga talinghaga tungkol sa sampung birhen, mga talento, at mga tupa at mga kambing. Sa linggong ito, rerebyuhin ang isang doctrinal mastery upang matulungan kang maunawaan at maipaliwanag ang mga katotohanang matatagpuan sa mga doctrinal mastery passage.
Maghandang Magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Joseph Smith—Mateo
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan ang itinuro ng Tagapagligtas tungkol sa mga palatandaan ng Kanyang pagparito at asamin ang araw na Siya ay babalik sa mundo.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin ang Joseph Smith—Mateo 1:22–55 at pagnilayan ang kanilang mga saloobin at damdamin tungkol sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas.
-
Mga Materyal: Isang maliit na larawan ng Ikalawang Pagparito ni Jesucristo na ibibigay sa bawat estudyante, kung maaari
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari mong ipasulat sa mga estudyante sa isang papel sa loob ng isang minuto ang lahat ng salita o parirala na maiisip nila na sasagot sa unang dalawang tanong sa lesson. Sabihin sa ilan sa kanila na ibahagi ang isa sa kanilang mga salita o parirala at ipaliwanag kung bakit nila ito isinulat.
Joseph Smith—Mateo 1:21–37; Lucas 21:25–36
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maiwasan ang panlilinlang at madaig ang takot hinggil sa mga pangyayari sa mga huling araw.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na suriin kung paano nakatulong sa kanila ang kanilang mga mithiin sa pag-aaral ng banal na kasulatan. Maaari ding suriin ng mga estudyante kung nahirapan silang tuparin ang kanilang mga mithiin at kung paano nila gustong magpakabuti pa.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari mong ipakita ang mga reperensyang banal na kasulatan mula sa Lucas 21 at ang mga kaukulang pahayag sa isang slide. Basahin nang malakas ang reperensya, itanong kung aling pahayag ang pinakamainam na nagbubuod dito, at sabihin sa mga estudyante na sumagot sa chat feature ng a, b, o c.
Mateo 25:1–13
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan at madama ang kahalagahan ng paghahanda ng kanilang sarili sa pagharap sa Panginoon sa Kanyang muling pagparito.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na i-rate ang kanilang sarili sa scale na 1 hanggang 10 (ang 1 ay nangangahulugang hindi ka sumasang-ayon; ang 10 ay nangangahulugang sumasang-ayon ka) sa sumusunod na pahayag: “Sa palagay ko ay handa na ako sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo.” Sabihin sa kanila na pag-isipang mabuti kung bakit ganoon ang rate nila sa kanilang sarili.
-
Handout: Ang handout tungkol sa mga lampara o ilawan
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Kapag naisulat na ng mga estudyante ang kanilang makabagong bersiyon ng talinghaga tungkol sa sampung birhen, maaari mong hilingin sa isang estudyante na pumili kung kaninong talinghaga ang gusto niyang marinig. O, kung mas gugustuhin niya, maaari lang siyang tumuro sa itaas, ibaba, kaliwa, o kanan, at ang taong ipinapakita sa posisyong iyon sa computer ng titser ay hihilingang magbahagi. (Paalala: hindi pare-pareho ang pagkakaayos ng mga estudyante sa lahat ng computer.) Kung gusto mo, maaaring ulitin ang aktibidad na ito.
Mateo 25:14–46
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na matukoy ang mga katotohanan mula sa talinghaga tungkol sa mga talento at talinghaga tungkol sa mga tupa at mga kambing. Makatutulong din ito sa mga estudyante na maghanda para sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin ang talinghaga tungkol sa mga talento (tingnan sa Matteo 25:14–30) o ang talinghaga tungkol sa mga tupa at mga kambing (tingnan sa Mateo 25:31–46) at maghandang ibahagi ang mga aral na natutuhan nila mula sa kanilang pag-aaral.
-
Handout: Ang handout tungkol sa talinghaga tungkol sa mga talento at talinghaga tungkol sa mga tupa at mga kambing
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari mong hatiin ang mga estudyante sa mga grupo gamit ang mga breakout room upang pag-aralan ang dalawang talinghaga. Pagkatapos ay bumalik sa klase upang talakayin ang mga ito. Kung may kakayahan ang teknolohiya na gawin ito, subukang bisitahin ang iba’t ibang grupo upang hikayatin at gabayan sila.
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 9
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na mas maunawaan ang mga katotohanang matatagpuan sa mga doctrinal mastery passage. Matutulungan din nito ang mga estudyante na magsanay na ipaliwanag ang mga katotohanang ito sa iba.
Paalala: Maaaring kailanganing ituro ang isang doctrinal mastery passage lesson kapalit ng lesson sa pagrerebyu na ito. Tingnan ang iskedyul sa pagtuturo na ibinigay ng area o region director o coordinator upang matiyak na maituturo ang bawat doctrinal mastery passage lesson habang may klase sa seminary.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumili ng isang doctrinal mastery passage na natutuhan nila kamakailan at ipaliwanag ito sa isang tao.
-
Materyal: Ang aktibidad na pagtutugma ng doctrinal mastery na ipapakita sa pisara
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Bago magklase, maaari mong sabihin sa apat na estudyante na gumanap bilang mga kaibigan sa aktibidad na pagpapaliwanag. Hilingin sa kanila na magsalitan sa pagtatanong kung ano ang kahulugan ng mga doctrinal mastery passage at ipasagot sa kanilang mga kaklase.