Seminary
Joseph Smith—Mateo 1:21–37; Lucas 21:25–36


Joseph Smith—Mateo 1:21–37; Lucas 21:25–36

Huwag Kayong Magulumihanan

Profile of a Young Woman in bright sunlight.

Iniutos ni Jesucristo sa Kanyang mga disipulo na “huwag kayong magulumihanan” (Joseph Smith—Mateo 1:23) sa kabila ng kalamidad, paghihirap, at pagkalipol na mangyayari bago ang Ikalawang Pagparito. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na makaiwas sa panlilinlang at madaig ang takot kaugnay ng mga pangyayari sa mga huling araw.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na suriin kung paano nakatulong sa kanila ang kanilang mga mithiin sa pag-aaral ng banal na kasulatan. Maaari ding suriin ng mga estudyante kung nahirapan silang tuparin ang kanilang mga mithiin at kung paano nila gustong magpakabuti pa.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Pagdaig sa panlilinlang

  • Ano ang dalawa o tatlong maling ideya na karaniwan sa mundo ngayon?

Habang nakikipag-usap sa Kanyang mga Apostol, ipinropesiya ng Tagapagligtas na may mga magpapalaganap ng mga maling ideya bago ang Kanyang Ikalawang Pagparito. Basahin ang Joseph Smith—Mateo 1:22 , at alamin ang ipinropesiya ng Tagapagligtas.

  • Bakit mahalagang malaman na maging ang “mga nahirang” ay maaaring malinlang?

Itinuro ni Pangulong Ezra Taft Benson (1899–1994) na ang mga bulaang Cristo at propeta ay hindi lang limitado sa mga tao ngunit maaari ding nasa anyo ng mga maling ideya at turo (tingnan sa Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Ezra Taft Benson [2014], 148). Habang pinag-aaralan mo ang lesson na ito, hingin ang patnubay ng Espiritu sa paghahanap mo ng mga paraan kung paano ka magtitiwala sa Panginoon at madaraig ang anumang maling ideya o panlilinlang.

Pagkatapos Niyang magturo tungkol sa iba pang panlilinlang at tungkol sa mga palatandaan ng Kanyang Pagparito (tingnan sa Joseph Smith—Mateo 1:23–36), nagturo ang Tagapagligtas ng paraan upang madaig ang panlilinlang. Basahin ang Joseph Smith—Mateo 1:37 .

Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nahanap nila sa talata 37 . Maaari mong isulat sa pisara ang sumusunod na alituntunin: Kung pahahalagahan natin ang salita ng Panginoon, hindi tayo malilinlang.

Hangaring tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang ibig sabihin ng pagpapahalaga sa salita ng Panginoon. Mapahahalagahan natin ang salita ng Panginoon habang tayo ay nag-aaral ng mga banal na kasulatan, nag-aaral ng mga salita ng mga propeta at iba pang inspiradong lider, at tumatanggap at kumikilos ayon sa personal na paghahayag.

Ang sumusunod na aktibidad ay isang halimbawa.

A drawing of a treasure chest.

Sa iyong study journal, magdrowing ng isang kayamanan o kaban ng kayamanan. Kapag pinahahalagahan mo ang isang bagay, ibig sabihin ay minamahal, iniingatan, o lubos mong itinatangi ito. Kapag “pinahahalagahan” natin ang salita ng Panginoon, itinuturing natin itong sagrado at pinoprotektahan natin ito (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 43:34). Sa paligid o sa loob ng kaban, sumulat ng mga paraan kung paano natin mapahahalagahan ang salita ng Panginoon.

Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga naiisip tungkol sa pagpapahalaga sa salita ng Panginoon. Maaari kang magdrowing ng kaban ng kayamanan sa pisara at hayaan ang mga estudyante na isulat ang kanilang mga ideya sa paligid ng kaban.

&#160 &#160

Ikinuwento ni Pangulong M. Russell Ballard, Gumaganap na Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol, ang tungkol sa pakikipag-usap niya sa isang nagbabalik na misyonero na nakabasa ng impormasyong bumabatikos sa Simbahan. Maraming tanong ang binatilyo na hindi niya mahanapan ng mga sagot, at nadarama niyang nawawala na ang kanyang patotoo. Pumayag si Pangulong Ballard na maghanda ng mga sagot sa mga tanong ng binatilyo ngunit inanyayahan din niya ang binatilyo na mangakong babasahin nito ang Aklat ni Mormon nang isang oras araw-araw sa loob ng 10 araw. Isinalaysay ni Pangulong Ballard:

Official portrait of President M. Russell Ballard of the Quorum of the Twelve Apostles, 2004.

Pagkaraan ng sampung araw ay bumalik siya sa opisina ko, at handa na ako. Inilabas ko na ang mga papel ko upang simulan ang pagsagot sa kanyang mga tanong, ngunit pinigilan niya ako.

“President,” sabi niya, “hindi na po kailangan iyan.” Pagkatapos ay ipinaliwanag niya: “Alam ko nang totoo ang Aklat ni Mormon. Alam ko na si Joseph Smith ay isang propeta ng Diyos.”

(M. Russell Ballard, “When Shall These Things Be?,” Ensign, Dis. 1996, 60)

  • Sa iyong palagay, bakit nalutas sa araw-araw na pag-aaral ng Aklat ni Mormon ang napakarami sa mga alalahanin ng binatilyong ito?

  • Bakit kaya may kapangyarihan sa ating buhay ang mga salita sa atin ng Tagapagligtas sa mga banal na kasulatan?

Maglaan ng ilang sandali upang mapagnilayan kung paano ka personal na napagpala ng mga salita ng Tagapagligtas. Paano naimpluwensyahan ng Kanyang mga salita ang iyong nadarama sa Kanya? Paano nakatulong sa iyo ang pagpapahalaga sa mga salita ng Tagapagligtas para makaiwas sa panlilinlang?

Bilang pagsunod sa mga pahiwatig ng Espiritu, anyayahan ang ilang estudyante na magbahagi.

Kung makikinabang ang mga estudyante sa pag-aaral ng paksang ito nang mas maraming oras, maaari mong gamitin dito ang aktibidad mula sa bahaging “Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral.”

Ipinayo rin ni Pangulong Ballard:

Official portrait of President M. Russell Ballard of the Quorum of the Twelve Apostles, 2004.

Magtalaga ng oras at lugar upang pag-aralan ang mga banal na kasulatan araw-araw, kahit sa loob lang ng ilang minuto. … Kung titingnan ninyo, kaunting oras lang ang nagugugol sa mga bagay na ito. Ngunit ang mga pangmatagalang pakinabang sa atin at sa ating pamilya ay walang katapusan at walang hanggan, at malaki ang magagawa ng mga ito upang maihanda tayo … para sa mga tumitinding mga hamon sa hinaharap.

(M. Russell Ballard, “When Shall These Things Be?,” Ensign, Dis. 1996, 60–61)

I-assess ang iyong pagsisikap sa pag-aaral at pagpapahalaga sa mga salita ni Jesucristo. Sa iyong palagay, ano ang katayuan mo? Isipin din kung anong mga balakid sa buhay ang kinakaharap mo at kung paano makatutulong sa iyo ang pagpapahalaga sa mga salita ni Cristo upang madaig ang mga ito.

Anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga naiisip. Sikaping magkaroon ng ligtas na kapaligiran kung saan malugod na tinatanggap ang pagiging prangka at matapat.

Sa iyong study journal, sa tabi ng iyong larawan ng kaban ng kayamanan, maaari kang magsulat ng isang mithiin sa kung paano mo gustong pahalagahan ang mga salita ng Tagapagligtas.

Pagdaig sa mga nakagagambala at takot

Maaari mong isulat sa pisara ang mga sumusunod na pahayag at sabihin sa mga estudyante na itugma ang mga reperensya sa banal na kasulatan sa mga pahayag nang mag-isa o sa maliliit na grupo.

Nagtala si Lucas ng mga karagdagang payo at babala na ibinahagi ng Tagapagligtas tungkol sa Kanyang Ikalawang Pagparito. Basahin ang mga sumusunod na talata, at itugma ang mga ito sa mga tamang buod ng mga ito.

  1. Lucas 21:25–26

  2. Lucas 21:34–35

  3. Lucas 21:36

a. Maaari tayong magambala ng kasalanan at mga alalahanin sa buhay na ito mula sa pagiging handa sa pagbabalik ng Tagapagligtas.b. Sa mga huling araw, maraming tao ang madaraig ng takot.c. Kapag masigasig tayong nagbabantay sa mga palatandaan ng Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas, nagdarasal at nagsisikap na maging karapat-dapat, maaari tayong maging handa sa pagbabalik ng Panginoon.

(Paalala: Idinagdag ng Joseph Smith Translation para sa Lucas 21:36, , ang pariralang “at sumunod sa aking mga utos.”)

  • Ano ang pinakanapansin mo habang binabasa mo ang mga banal na kasulatang ito tungkol sa Ikalawang Pagparito?

Pakinggang mabuti ang ibinabahagi ng mga estudyante. Maaari mong dagdagan o bigyang-diin ang ibinabahagi nila sa pamamagitan ng pagtatanong ng ilan sa mga sumusunod.

  • Ano ang ilang dahilan kung bakit magsisipanlupaypay ngayon ang puso ng mga tao dahil sa takot?

  • Paano tayo magagambala ng kasalanan at mga alalahanin sa buhay na ito mula sa pagiging handa sa pagbabalik ng Tagapagligtas? Bakit nakapipinsala ang ganitong pagkagambala?

  • Paano nakatutulong sa atin ang pagdarasal at pagsisikap na maging karapat-dapat na maghandang humarap sa Panginoon?

Nilinaw ng Panginoon ang ilan sa Kanyang mga salita sa pamamagitan ni Pangulong Russell M. Nelson.

A drawing of a treasure chest.
  • Paano makatutulong sa atin ang pagbaling sa Panginoon upang madaig ang ating mga pag-aalinlangan at takot sa mga huling araw na ito?

Pagsasabuhay ng natutuhan mo

Isipin kunwari na pagkatapos ng lesson tungkol sa Ikalawang Pagparito, sinabi ng dalawang kaibigan mo ang sumusunod:

Kaibigan #1: “Palagay ko ay hindi naman talaga malaking bagay ang Ikalawang Pagparito. Sa katunayan, hindi nga naniniwala ang tatay ko na mangyayari ito. Ayaw kong mag-alala tungkol sa isang bagay na tulad niyon.”

Kaibigan #2: “Ayaw kong pag-isipan ang Ikalawang Pagparito. Natatakot at naii-stress ako sa mga bagay sa araw-araw tulad ng pag-aaral at mga problema sa mga kaibigan, pero mas nakakabagabag ang Ikalawang Pagparito. Lahat ng palatandaan ng digmaan at lindol at panlilinlang—nakakatakot ito.”

Pumili ng isa sa mga nabanggit na sitwasyon. Gamit ang natutuhan mo sa lesson na ito, hingin ang patnubay ng Espiritu habang isinusulat mo kung ano ang maaari mong sabihin o gawin upang matulungan ang iyong kaibigan. Maghanap ng mga paraan na mahikayat silang pahalagahan ang mga salita ng Panginoon at magtiwala sa Kanya.

Maaari kang magtawag ng ilang estudyante na magbabahagi ng isinulat nila. Pasalamatan sila para sa pagbabahagi, at banggitin ang mga totoong alituntunin sa mga ibinahagi nila. Magtapos sa pamamagitan ng pagpapatotoo tungkol sa mga alituntunin sa lesson na ito.

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Mateo 24:24 . Ano ang ilang halimbawa ng mga kasinungalingan at panlilinlang sa mga huling araw?

Inilarawan ni Elder Gary E. Stevenson ng Korum ng Labindalawang Apostol ang ilan sa mga paraan kung paano hinahangad ni Satanas na linlangin ang mundo ngayon.

Official portrait of Elder Gary E. Stevenson of the Quorum of the Twelve Apostles, 2015.

Halimbawa, pinagmumukha niyang hindi mapanganib ang droga o pag-inom ng alak at sa halip ay iminumungkahi na ito ay magdudulot ng kasiyahan. Inilulubog niya tayo sa iba’t ibang negatibong elemento na nasa social media, kabilang na ang nakapanlulumong mga pagkukumpara at realidad na ginawang perpekto. Bukod dito, ikinukubli niya ang madilim at mapanirang nilalaman ng internet, tulad ng pornograpiya, tahasang pag-atake sa iba sa pamamagitan ng cyberbullying, at paglalagay ng maling impormasyon na nagdudulot ng pagdududa at takot sa ating puso’t isipan.

(Gary E. Stevenson, “Huwag Mo Akong Linlangin,” Ensign o Liahona, Nob. 2019, 95)

Lucas 21:26 . Paano ko malalabanan ang takot at sa halip ay yakapin ang hinaharap nang may pananampalataya?

Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson ang kahalagahan ng pananatiling konektado sa Ama sa Langit at kay Jesucristo sa panahon ng kawalan ng katiyakan:

Official portrait of Elder Gary E. Stevenson of the Quorum of the Twelve Apostles, 2015.

Mangyari pa, nakasalalay ang kaligtasan natin sa pagiging isa natin sa ating Ama sa Langit at kay Jesucristo! Ang buhay na walang Diyos ay buhay na puno ng pagkatakot. Ang buhay na may Diyos ay buhay na puno ng kapayapaan.

(Russell M. Nelson, “Yakapin ang Bukas nang may Pananampalataya,” Ensign o Liahona, Nob. 2020, 75)

Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Isang alternatibong simula: pagpapahalaga sa salita upang maiwasan ang panlilinlang

Basahin ang sumusunod na listahan ng mga maling ideya. Ipaliwanag kung bakit mali ang mga ito.

  • Ang ebanghelyo ni Jesucristo ay mabuti, ngunit maraming bagay sa buhay ang mas mahalaga.

  • Gusto kong gumawa ng mabuti sa mundo, ngunit wala akong gaanong maibibigay.

  • Interesante si Jesucristo, ngunit sa palagay ko ay hindi naman Niya ako personal na pinahahalagahan.

  • Matagal pa ang Ikalawang Pagparito. Hindi ko talaga kailangang pag-isipan ito.

Sabihin sa mga estudyante na maglista ng iba pang maling ideya na karaniwan sa mundo ngayon.Pagkatapos ay anyayahan silang saliksikin ang mga banal na kasulatan o pahayag ng mga propeta at apostol na tutulong sa kanila na maiwasang malinlang ng mga ideyang ito.