Seminary
Mateo 25:14–46


Mateo 25:14–46

Paghahanda para sa Pagbabalik ng Tagapagligtas

Resurrected Christ with arms outstretched stands above a throng of people of all races and times, some prone, some standing. The people on the right side of Christ are in the attitude of worship. The people on the left side of Christ are in anguish. Scenes of ruin are in the foreground and background. The Washington D.C. temple is pictured in the upper left corner.

Itinuro ng Tagapagligtas ang talinghaga tungkol sa mga talento at ang talinghaga tungkol sa mga tupa at mga kambing upang matulungan ang Kanyang mga disipulo na malaman kung paano sila magiging handa para sa Kanyang Ikalawang Pagparito. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na matukoy ang mga katotohanan mula sa mga talinghagang ito at makatutulong sa iyo na maghanda para sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin ang alinman sa talinghaga tungkol sa mga talento (tingnan sa Mateo 25:14–30) o ang talinghaga tungkol sa mga tupa at mga kambing (tingnan sa Mateo 25:31–46) at maghandang ibahagi ang mga aral na natutuhan nila mula sa kanilang pag-aaral.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Upang matulungan ang mga estudyante na maalala ang kanilang mga nakaraang karanasan sa pag-aaral ng mga talinghaga, ipakita ang mga larawan ng isang binhi, isang pilak, at isang perlas, o, kung maaari, dalhin ang ilan sa mga bagay na ito sa klase. Sabihin sa mga estudyante na alalahanin ang isang talinghaga na natutuhan na nila mula sa Bagong Tipan at magbigay ng maikling paliwanag tungkol sa kahulugan nito. Maaaring makatulong na tumigil sandali upang mabigyan ng sapat na oras ang mga estudyante na maalala ang mga halimbawa. Kung kinakailangan, magbigay ng ilang paalala tungkol sa mga talinghaga (ang isang talinghaga na may kinalaman sa mga binhi ay matatagpuan sa Mateo 13:3–8, 18–23; tungkol sa isang pilak sa Lucas 15:8–10 ; at tungkol sa isang perlas sa Mateo 13:45–46).

Alalahanin ang ilan sa mga talinghaga ng Tagapagligtas. Maaaring makatulong ang mga sumusunod na larawan upang maalala mo ang ilan sa napag-aralan mo na ngayong taon.

Mustard seeds
Stack of old silver coins.
shell sand pearl
  • Anong mga turo ang naaalala mo mula sa mga talinghagang ito?

  • Paano nakatulong sa iyo ang mga turo na natutuhan mo ngayong taon mula sa mga talinghaga?

Kung hindi makaisip ang mga estudyante ng mga partikular na paraan kung paano nakatulong sa kanila ang mga turo, maaari kang magbahagi ng isang personal na halimbawa.

  • Gaano kalaki ang kumpiyansa mo sa iyong kakayahang matuto tungkol sa Tagapagligtas sa pamamagitan ng Kanyang mga talinghaga?

Pakinggan ang mga sagot ng mga estudyante sa mga naunang tanong, at iakma ang sumusunod na materyal ayon sa kanilang mga pangangailangan.

Rebyuhin ang mga paraan kung paano mauunawaan ang mga talinghaga

Maaaring makatulong na rebyuhin ang mga mungkahi kung paano mauunawaan ang mga talinghaga. Sa simula ng taong ito, natuto ka ng apat na hakbang para maunawaan ang mga talinghaga. Kung hindi mo napag-aralan ang mga ito o kung kailangan mo ng tulong upang maalala kung ano ang mga ito, maaari kang sumangguni sa lesson na “Mateo 13.”

Isulat sa iyong study journal ang mga sumusunod na heading. Mag-iwan ng puwang sa pagitan ng bawat heading upang makapagtala ng mga resulta at kaalaman.

  1. Hanapin ang mahahalagang detalye.

  2. Gumawa ng mga espirituwal na paghahambing.

  3. Tuklasin ang mahahalagang aral.

  4. Tukuyin kung paano personal na ipamumuhay ang mga aral.

Habang patuloy mong itinuturo ang lesson na ito, gagamitin mo ang apat na alituntuning ito sa mga talinghagang matatagpuan sa Mateo 25:14–46 .

Hanapin ang mahahalagang detalye

Nang ituro ng Tagapagligtas ang tungkol sa Ikalawang Pagparito at Paghuhukom, nagbahagi Siya ng mga talinghaga upang mabigyang-diin kung ano ang magagawa natin upang maging handa sa Kanyang pagbabalik. Pumili ng isa sa mga sumusunod na talinghaga na ibinigay ng Tagapagligtas at pag-aralan ito, na inaalam ang mahahalagang detalye nito.

Color Handouts Icon

Tiyaking ipakita o ibigay ang mga sumusunod na handout na gagamitin ng mga estudyante habang nag-aaral sila. Iminumungkahi sa mga handout na magdrowing ang mga estudyante ng larawan ng mga talinghaga. Maaari itong gawin ng mga estudyante sa likod ng handout. Depende sa pinakamainam para sa klase, maaari mong hatiin na lang ang klase sa dalawang grupo at sabihin sa bawat grupo na maghandang isadula ang talinghagang pinag-aralan nila. Kung ganito ang gagawin, maaari kang magtalaga ng mga papel na gagampanan para sa mga estudyante (halimbawa, direktor, mambabasa, at aktor) upang matulungan silang makilahok sa kanilang grupo.

New Testament Seminary Teacher Manual - 2023

Ang talinghaga tungkol sa mga talento

Basahin ang Mateo 25:14–30 .

shell sand pearl

Ang sumusunod na impormasyon ay maaaring makatulong habang pinag-aaralan mo ang talinghagang ito:

  • Ang “talento” ay tumutukoy sa isang napakalaking halaga ng salapi noong unang panahon. Sa talinghagang ito, maaari itong sumagisag sa “isang bagay na may malaking kahalagahan,” tulad ng ebanghelyo o mga pagpapala, kaloob, kakayahan, at oportunidad na ibinibigay sa atin ng Panginoon (tingnan sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “ Talento ,” https://www.churchofjesuschrist.org/study/scriptures/gs/talent?lang=tgl).

  • Ang katagang “usury” ay maaaring tumukoy sa simpleng pagbibigay ng interes sa isang loan o maaaring magpahiwatig ng hindi masyadong mataas na interes (tingnan sa Bible Dictionary, “ Usury ”).

  • Ang panginoon ay sumasagisag kay Jesucristo.

  • Ang mga tagapaglingkod ay kumakatawan sa bawat isa sa atin.

Magdrowing ng isang larawan na naglalarawan sa talinghagang ito.

Ang talinghaga tungkol sa mga tupa at mga kambing

Basahin ang Mateo 25:31–46 .

shell sand pearl

Maaaring makatulong na malaman ang sumusunod na impormasyon habang pinag-aaralan mo ang talinghagang ito:

  • Ang “kanang kamay”: Noong unang panahon, ang maupo nang banda sa kanang kamay ng hari, o sa tabi ng hari sa kanyang kanang bahagi, ang pinakamarangal na katungkulan sa isang piging.

Magdrowing ng isang larawan na naglalarawan sa talinghagang ito.

Gumawa ng mga espirituwal na paghahambing, at tuklasin ang mahahalagang aral

Gamitin ang mga sumusunod na tanong upang matulungan kang matukoy ang mga aral na itinuro ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng Kanyang mga talinghaga. Maging detalyado hangga’t maaari.

Tiyaking maglaan ng sapat na oras sa pagitan ng bawat isa sa mga sumusunod na tanong upang mapag-isipan nang mabuti ng mga estudyante ang kanilang mga sagot.

  • Anong mga katotohanan o aral ang natutuhan mo nang pag-aralan mo ang talinghagang ito?

Narito ang ilan sa mga katotohanan na maaaring matukoy ng mga estudyante: Kung matapat nating gagamitin ang mga kaloob at kakayahang ibinigay sa atin ng Panginoon, Siya ay malulugod sa ating mga pagsisikap at pagpapalain tayo ng kagalakan at buhay na walang hanggan. Maipapakita natin ang ating pagmamahal sa Panginoon sa paraan ng pagtrato natin sa ating kapwa.

  • Paano makatutulong sa atin ang kaalaman at pagpapamuhay ng mga katotohanang ito upang makapaghanda sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas? Sa iyong palagay, bakit itinuro ng Tagapagligtas ang mga katotohanang ito?

  • Sa paanong mga paraan kapwa maawain at makatarungan ang Panginoon?

  • Paano mo madarama ang pagmamahal ng Tagapagligtas sa mga katotohanang itinuro Niya sa pamamagitan ng talinghagang ito?

  • Paano nakakaapekto sa iyo na alam mo ang mga katotohanang ito sa iyong hangaring maghandang humarap sa Tagapagligtas sa Kanyang Ikalawang Pagparito?

Tukuyin kung paano personal na ipamumuhay ang mga aral

Tulungan ang mga estudyante na ipamuhay ang natutuhan nila mula sa lesson na ito sa mga paraang makabuluhan sa personal na buhay. Ang mga sumusunod na aktibidad ay mga mungkahi. Gamitin o iangkop ang mga aktibidad na ito ayon sa mga pangangailangan at kakayahan ng mga estudyante.

  1. Kung pinag-aralan mo ang talinghaga tungkol sa mga talento, gumawa ng listahan ng mga kakayahan at pagpapalang ibinigay sa iyo ng Panginoon. Kung maaari, tukuyin ang ilan sa mga pagpapalang iyon sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga taong kilala mo o sa pamamagitan ng pagbabasa ng iyong patriarchal blessing, kung mayroon ka nito. Isipin kung paano ninanais ng Panginoon na gamitin mo ang mga kakayahan at pagpapalang ito.

  2. Kung pinag-aralan mo ang talinghaga tungkol sa mga tupa at mga kambing, pag-isipan kung ano ang maaaring maging kahulugan nito sa pagbibigay mo ng pagkain, inumin, damit, at pagsama sa isang tao. Isipin ang mga taong lagi mong nakikita, at tumukoy ng isang tao na sa palagay mo ay gusto ng Panginoon na tulungan mo. Isulat kung paano mo matutulungan ang taong iyon na mas mapalapit sa Kanya.

  3. Magbahagi ng isang katotohanan na natutuhan mo sa lesson na ito mula sa mga talinghaga ng Tagapagligtas, at ipaliwanag kung paano mo magagamit ang alituntuning iyon sa mga ginagawa mo sa araw-araw.

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga naisip mula sa aktibidad na ginawa nila.

Maaaring makatulong na awitin ang himnong “Mga Pagpapala ay Bilangin” (Mga Himno, blg. 147).

Sabihin sa mga estudyante na magpatotoo tungkol sa mga alituntuning natukoy nila. Hikayatin silang gamitin ang kanilang mga kaloob at kakayahan upang mapaglingkuran ang iba at makapaghandang humarap sa Tagapagligtas.

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Paano kung nakatatanggap ng mas marami o mas kaunti ang isang tao kumpara sa natatanggap ko?

Sinabi ni Elder Quentin L. Cook ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Official portrait of Elder Quentin L. Cook. Called to the Quorum of the Twelve Apostles on 6 October 2007.

Ang paghusay sa ating mga talento ang pinakamainam na sukatan ng ating pag-unlad. … Ang ikumpara ang ating mga pagpapala sa iba ay tiyak na papawi sa ating kagalakan. Hindi maaari na habang nagpapasalamat tayo ay naiinggit din tayo. Kung talagang gusto nating mapasaatin ang Espiritu ng Panginoon at matuwa at sumaya, dapat tayong magalak sa ating mga pagpapala at magpasalamat.

(Quentin L. Cook, “Rejoice!,” Ensign, Nob. 1996, 29–30)

Anong mga gawa natin ang hahatulan ng Tagapagligtas?

Ipinaliwanag ni Elder Joseph B. Wirthlin-(1917–2008) ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Official portrait of Elder Quentin L. Cook. Called to the Quorum of the Twelve Apostles on 6 October 2007.

Sa huling panahon, hindi itatanong ng Tagapagligtas ang naging mga katungkulan natin. Hindi Siya magtatanong tungkol sa kayamanan o kasikatan natin. Itatanong Niya kung kinalinga ba natin ang mga maysakit, pinakain at pinainom ang nagugutom, dinalaw ang mga bilanggo, o pinalakas ang mahihina [tingnan sa Mateo 25:31–40 ]. Kapag tumutulong tayo sa pinakamaliit na mga anak ng Ama sa Langit, ginagawa natin ito sa Kanya [tingnan sa Mateo 25:40 ]. Iyan ang diwa ng ebanghelyo ni Jesucristo.

(Joseph B. Wirthlin, “Ang Dakilang Utos,” Ensign o Liahona, Nob. 2007, 30)

Ano ang inaasahan ng Panginoon na gawin natin sa ibinibigay Niya sa atin?

Nagbahagi si Elder Stanley G. Ellis ng Korum ng Pitumpu ng mga kabatiran sa talinghaga tungkol sa mga talento:

Official Portrait of Elder Stanley G. Ellis. Photographed in March 2017.

Ang tagapaglingkod na tumanggap ng lima at nagbalik ng sampu, gayundin ang nakakuha ng dalawa at nagbalik ng apat, ay ipinahayag na mabuti at tapat na tagapaglingkod. Ngunit ang nakatawag sa pansin ko ay ang tagapaglingkod na tumanggap ng isa, iningatan ito, at maayos na ibinalik sa kanyang panginoon. Nagulat ako sa sagot ng panginoon: “Ikaw na aliping masama at tamad, … alisin nga ninyo sa kanya ang talento, … at ang aliping walang kabuluhan ay inyong itapon sa kadiliman sa labas”! (Tingnan sa Mateo 25:14–30.)

Parang marahas ang reaksyong ito sa isang taong iningatan naman ang ibinigay sa kanya. Ngunit itinuro sa akin ng Espiritu ang katotohanang ito—umaasa ng kaibhan ang Panginoon!

(Stanley G. Ellis, “Pinagkakatiwalaan Niya Tayo!,” Ensign o Liahona, Nob. 2006, 52)

Iminungkahi ni Elder Ellis na magagawa natin ang “kaibhan” na ito sa ating buhay sa pamamagitan ng pagsunod sa Panginoon (tingnan sa Juan 15:5), paggawa ng ating mga espirituwal na tungkulin, at pagsunod sa Espiritu at sa mga lider ng ating Simbahan.

Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Isang alternatibong ideya sa lesson: ang mga kusing ng balo

Kung makikinabang ang mga estudyante sa pag-aaral tungkol sa nadarama ng Panginoon sa inihahandog natin sa Kanya, maaari mong anyayahan ang mga estudyante na matuto mula sa kuwento ng mga kusing ng balo.

Magdala ng dalawang piraso ng pera, isa na may napakaliit na halaga at isa na may mas malaking halaga. Sabihin sa mga estudyante na isipin kung ano ang maaari nilang mabili gamit ang bawat isa sa perang ito. Kung may dalawang taong magbibigay sa kanila ng mga pirasong ito ng pera, alin sa mga ito ang mas pahahalagahan ng mga estudyante? Bakit?

Pagkatapos ay maaaring basahin ng mga estudyante ang Marcos 12:41–44 o Lucas 21:1–4 ” at alamin kung paano pinahahalagahan ng Panginoon ang ating mga handog. Maaaring maglista ang mga estudyante ng mga halimbawa ng mga inihahandog nila sa Panginoon (halimbawa, pagbibigay ng maliit ngunit buong ikapu, paggawa ng mga tahimik na paglilingkod, o pagtuturo ng isang lesson o pagbibigay ng mensahe kahit kinakabahan sila) at talakayin kung bakit pinahahalagahan ng Panginoon ang ating mga handog.

0:58

.

2:7