Seminary
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 10


Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 10

Ipamuhay ang mga Doctrinal Mastery Passage

Illustration of young adults - teenagers of various ethnicity. There is a yellow band above them.

Ang isa sa mga layunin ng doctrinal mastery ay tulungan kang matutuhan kung paano ipamuhay ang doktrinang itinuro sa mga doctrinal mastery scripture passage sa mga sitwasyon sa totoong buhay. Ang lesson na ito ay magbibigay sa iyo ng mga pagkakataong magsanay na ipamuhay ang ilan sa mga scripture passage na napag-aralan mo sa taong ito.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na rebyuhin ang apat na doctrinal mastery passage na ipinapakita sa sumusunod na chart. Sabihin sa kanila na maghandang magbahagi ng ilang partikular na paraan kung paano nila maipamumuhay ang mga katotohanan sa mga scripture passage na ito.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Maaaring kailanganing ituro ang isang doctrinal mastery passage lesson kapalit ng lesson sa pagrerebyu na ito. Tingnan ang iskedyul sa pagtuturo na ibinigay ng area o region director o coordinator upang matiyak na maituturo ang bawat lesson sa doctrinal mastery passage habang may klase sa seminary.

Doktrina para sa tunay na buhay

Rebyuhin ang apat na doctrinal mastery passage sa sumusunod na chart. Habang binabasa mo ang mga sitwasyon sa ibaba, alamin kung aling doctrinal mastery passage ang maaaring makatulong sa bawat sitwasyon.

Reperensyang Banal na Kasulatan

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Mateo 22:36–39

“Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos. … Ibigin mo ang iyong kapwa.”

Lucas 22:19–20

Iniutos ni Jesucristo, tumanggap ng sakramento “sa pag-aalaala sa akin.”

Lucas 24:36–39

“Sapagka’t ang isang espiritu’y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.”

Juan 17:3

“At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Diyos na tunay, at … si [Jesucristo].”

Ipakita sa pisara ang mga sumusunod na sitwasyon upang makita ng mga estudyante kapag pumasok sila. Kung kinakailangan, isaayos ang mga sitwasyon upang mas maiugnay ang mga ito sa mga estudyante. Depende sa oras, maaaring gawin ng mga estudyante ang isa o lahat ng aktibidad sa lesson na ito.

Hikayatin ang mga estudyante na gamitin dito at sa natitirang bahagi ng lesson ang kanilang mga ideya o naisip mula sa aktibidad sa paghahanda ng estudyante.

  1. Si Carlos ay may kaibigang mula sa iba pang relihiyong Kristiyano na nagpapahayag ng kanyang paniniwala na si Jesucristo ay isang espiritu at wala Siyang pisikal na katawan.

  2. Nakikita ni Liz ang kanyang sarili bilang taong tinatanggap ang lahat, kabilang ang pagtanggap ng anumang pag-uugali basta tapat ito. Dahil dito, pinagdudahan niya ang doktrina ng Ama sa Langit tungkol sa kasal at pamilya. Dahil sa kanyang mga tanong, kamakailan lang ay tumigil si Liz sa pagsisimba at pagsunod sa iba pang mga kautusan.

  3. Iniisip ni Maria kung paano niya magagawang mas makabuluhang karanasan ang pagtanggap ng sakramento.

  4. Hindi na pinagtuunan ni Frank ang kanyang mga klase sa seminary at Sunday School dahil sa palagay niya ay sapat na ang alam niya tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

Pumili ng isa sa mga sitwasyon, at isipin ang doctrinal mastery passage na itinugma mo rito.

  • Paano magagamit ang doctrinal mastery passage na pinili mo sa sitwasyong ito?

  • Ano ang maipapaunawa ng scripture passage na ito sa taong iyon sa sitwasyon tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo at sa Kanilang mga ninanais para sa atin?

  • Anong mga hakbang ang maaari mong imungkahing gawin ng taong ito upang maipamuhay ang mga katotohanan sa scripture passage na pinili mo? Bakit?

Pagpapamuhay ng mga doctrinal mastery passage sa mga personal na sitwasyon

Sa iyong study journal, magdrowing ng isang stick figure na tinedyer, at isulat ang kanyang edad, kasarian, at sitwasyon ng pamilya. Ang taong ito ay maaaring tunay o kathang-isip. Magsama ng ilang partikular na tanong, problema, o hamon na kinakaharap ng taong ito sa kasalukuyan.

Maaari mong sabihin sa mga estudyante na gawin ito sa isang piraso ng papel sa halip na sa kanilang study journal. Maaari nilang isumite ang kanilang papel na may simbolo sa sulok ng papel upang matukoy nila ang sarili nilang papel ngunit hindi nila maaaring ihayag sa iba kung kanino ang papel. Ipamahagi ang mga papel sa iba pang estudyante upang masagot nila ang mga sumusunod na tanong batay sa sitwasyong ibinigay. Bilang alternatibo, magagamit ng mga estudyante ang sitwasyon mula sa sarili nilang papel.

Rebyuhin ang mga doctrinal mastery passage sa ibaba (at anupamang pinili mo) at alamin kung aling mga scripture passage ang maaaring makatulong sa sitwasyon.

Ipakita ang sumusunod na chart upang matingnan ito ng mga estudyante sa buong lesson. Kung makatutulong, maaari kang gumamit ng mga karagdagan o iba’t ibang doctrinal mastery passage maliban sa mga binigyang-diin sa lesson na ito.

Doctrinal Master - Matthew - John

Reperensyang Banal na Kasulatan

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Lucas 2:10–12

“Sapagkat ipinanganak sa inyo ngayon sa lunsod ni David ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo, ang Panginoon.”

Juan 3:5

“Malibang ang isang tao’y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, hindi siya makapapasok sa kaharian ng Diyos.”

Juan 3:16

“Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay niya ang kanyang tanging Anak.”

Mateo 5:14–16

“Paliwanagin ninyo nang gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao.”

Mateo 11:28–30

“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nanlulupaypay at lubhang nabibigatan, at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan.”

Mateo 16:15–19

Sinabi ni Jesus, “Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian.”

Juan 7:17

“Kung ang sinuman ay nagnanais gumawa ng kalooban ng Diyos, ay makikilala niya … ang turo.”

Mateo 22:36–39

“Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos. … Ibigin mo ang iyong kapwa.”

Lucas 22:19–20

Iniutos ni Jesucristo, tumanggap ng sakramento “sa pag-aalaala sa akin.”

Juan 17:3

“At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Diyos na tunay, at … si [Jesucristo].”

Lucas 24:36–39

“Sapagka’t ang isang espiritu’y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.”

Sumulat ng maikling mensahe sa tinedyer sa sitwasyon. Isama ang sumusunod:

  • Ang doctrinal mastery passage na sa palagay mo ay pinakamainam na makatutulong sa kanya na maunawaan ang mga ninanais ng Ama sa Langit at ni Jesucristo para sa kanya at kung bakit.

  • Isang personal na karanasan, kuwento sa banal na kasulatan, o halimbawa mula sa buhay ng Tagapagligtas na nauugnay sa itinuturo sa scripture passage at maaaring makahikayat sa taong ito.

  • Mga gagawin niya upang maipamuhay ang mga katotohanan sa doctrinal mastery passage na iminungkahi mo. (Halimbawa, para sa Lucas 22:19–20 maaari kang magsama ng payo tungkol sa pag-anyaya sa impluwensya ng Espiritu Santo at mga bagay na dapat tandaan tungkol sa Tagapagligtas sa oras ng sacrament, o para sa Juan 7:17 , maaari kang magmungkahi ng mga mensahe na maaari nilang basahin upang mas maunawaan ang Ama sa Langit at si Jesucristo.)

  • Ang iyong sariling patotoo tungkol kay Jesucristo at sa mga katotohanang itinuro sa scripture passage na pinili mo.

Kung ginawa ng mga estudyante ang aktibidad na ito sa sitwasyon ng ibang tao, sabihin sa kanila na paghiwa-hiwalayin ang mga papel upang makuha ng bawat estudyante ang sarili nilang papel. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang natutuhan nila sa karanasang ito. Maaari kang magbahagi ng nauugnay na personal na karanasan o patotoo.

Kung isinulat mo ang mensahe para sa isang tunay na tao, maaari mo itong ibigay sa kanya o kausapin siya tungkol sa iyong mensahe.