Seminary
Mateo 27; Marcos 15; Lucas 23; Juan 19


Mateo 27; Marcos 15; Lucas 23; Juan 19

Buod

Matapos dakpin si Jesus at litisin nang mali sa harapan ng mga pinunong Judio, Siya ay dinala upang litisin sa harap ni Pilato. Habang nararanasan Niya ang matinding sakit ng pagkabayubay sa krus, tinuya Siya ng mga kaaway at sinabi sa Kanya na iligtas ang Kanyang sarili mula sa pagpapahirap, ngunit matwid Siyang nagtiis. Pagkamatay Niya, nagsikap nang husto ang Kanyang mga disipulo na makuha ang Kanyang katawan at maingat na inihanda ito para sa libing.

Maghandang Magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Juan 18:33–40; Lucas 23:8–11

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na matutuhan pa ang tungkol sa pagkatao ng Tagapagligtas at kung paano nila matutularan ang Kanyang halimbawa.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan ang pagkatao ni Jesucristo at isipin kung alin sa mga katangian Niya ang gusto nilang mas lubos pang malinang. Sabihin sa mga estudyante na pumasok sa klase na handang magbahagi ng kahit isa sa mga katangian ni Jesucristo at kung bakit sa palagay nila ay magandang taglayin ang katangiang iyon.

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Upang malaman kung aling salaysay tungkol sa paglilitis sa Tagapagligtas ang babasahin ng mga estudyante, sabihin sa kanila na magtaas ng isa hanggang apat na daliri sa kanilang kamay at ipakita ito sa klase. Pagkatapos ay ipakita ang iba’t ibang salaysay na may bilang na isa hanggang apat. Sabihin sa mga estudyante na basahin ang salaysay na tumutugma sa bilang ng mga daliri na ipinakita nila.

Mateo 27:24–66; Marcos 15:15–38

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na mas maunawaan at mapahalagahan ang pagdurusa at kamatayan sa krus ng Tagapagligtas bilang mahalagang bahagi ng Kanyang Pagbabayad-sala.

  • Paghahanda ng estudyante: Ipabasa sa mga estudyante ang Mateo 27:35–50 o ang pahayag ni Bishop Gérald Caussé mula sa lesson na ito. Sabihin sa kanila na pumasok na handang ibahagi kung ano ang ibig sabihin sa kanila ng namatay ang Tagapagligtas para sa kanila.

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari kang magdispley ng mga larawan at pahayag at magpanood ng mga video para matulungan ang mga visual learner na makibahagi sa mga materyal. Gayundin, upang lalo pang magamit ang media sa lesson, maaari mong i-download ang isang himno tungkol sa Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas mula sa SimbahanniJesucristo.org at patugtugin ito habang ginagawa ng mga estudyante ang huling aktibidad.

Lucas 23:33–46; Juan 19:26–30

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na pag-isipan kung ano ang matututuhan nila mula sa halimbawa ng Tagapagligtas sa panahon ng Kanyang Pagkakapako sa Krus at kung paano nakaiimpluwensya ito sa kanilang damdamin at hangaring maging higit na katulad Niya.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumasok na handang magbahagi tungkol sa isang taong kilala nila na nagpakita ng habag o awa kahit nakararanas ng mahihirap na pagsubok.

  • Mga larawan na ididispley: Mga larawan ng iba’t ibang pangyayari sa huling araw ng buhay sa mundo ng Tagapagligtas—tulad ng Kanyang pagdurusa sa Getsemani, paglitis ng mga pinunong Judio, ang paglitis nina Pilato at Herodes, ang pagpapahirap, at ang Pagpapako sa Krus—kung nais

  • Video:Mangag-ibigan sa Isa’t Isa Tulad ng Pag-ibig Niya sa Atin” (9:43; panoorin mula sa time code na 3:22 hanggang 7:54)

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari mong ibahagi ang iyong screen bilang whiteboard. Maaaring i-type ng mga estudyante sa whiteboard ang mga katotohanang natutuhan nila tungkol kay Jesucristo sa buong lesson. Kalaunan sa lesson, maaari din nilang ilista ang mga paraan na maaari silang maging higit na katulad ni Jesucristo.

Mateo 27:50–66; Lucas 23:55–56; Juan 19:39–40

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na maunawaan at mapagnilayan ang nagawa ni Jesucristo para sa kanila at kung ano ang magagawa nila para maipakita ang paggalang at pagpapahalaga sa Kanya.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan kung ano ang nagawa ng Tagapagligtas para sa kanila at ilista ang mga paraan na maipapakita nila ang kanilang pagmamahal sa Kanya.

  • Item: Larawan ng isang mahal sa buhay na pumanaw na o, kung mayroon, obituwaryo o programa mula sa burol

  • Mga Larawan: Isang simpleng diagram ng templo ng Jerusalem sa Bagong Tipan sa pisara; mga larawan ng isang libingan, mira, at pabango

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari mong anyayahan ang isa o dalawang estudyante na magbahagi ng nais nilang maalala tungkol sa isang mahal sa buhay na pumanaw na at kung paano nila sila minamahal at iginagalang.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 11

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na marebyu ang mga katotohanang matatagpuan sa mga doctrinal mastery scripture passage at tutulong sa kanila na magsanay na magamit ang mga katotohanang ito sa iba’t ibang sitwasyon.

  • Paghahanda ng estudyante: Kung maaari, bigyan ang mga estudyante ng kopya ng handout na kasama sa lesson na ito. Sabihin sa kanila na rebyuhin ang mga doctrinal mastery scripture reference at mahahalagang parirala. Sabihin din sa kanila na mag-isip ng mga sitwasyon kung saan makatutulong ang mga katotohanang matatagpuan sa mga doctrinal mastery passage na ito.

  • Chart: Ang doctrinal mastery chart na ididispley sa pisara o ipamimigay

  • Materyal para sa mga estudyante: Papel na pagsusulatan

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Matapos magsulat ang lahat ng estudyante ng isang sitwasyon sa isang papel, pumili ng isang estudyante na magpapakita sa klase ng isinulat niyang sitwasyon. Maaaring makatulong na sabihin sa klase na piliin ang speaker view sa kanilang videoconference software (hindi gallery view) para makita nang mas malinaw ang isinulat ng estudyante. Pagkatapos ay maaaring tumugon ang mga estudyante na may kasamang doctrinal mastery passage na makatutulong sa isang tao sa sitwasyong iyon. Pagkatapos ay maaaring pumili ang estudyanteng iyon ng isa pang estudyante para magpakita ng sitwasyon na kanyang isinulat, at gawin din ito sa iba pa.