Seminary
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 11


Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 11

Unawain at Ipamuhay

Larawan
Painting of Christ reading to people from a scroll in a synagogue.

Ang lesson na ito ay tutulong sa iyo na marebyu ang mga katotohanang matatagpuan sa mga doctrinal mastery scripture passage at tutulong sa iyo na magsanay na maipamuhay ang mga katotohanang ito sa iba’t ibang sitwasyon.

Paghikayat sa mga estudyante na matuto. Ang mga estudyanteng aktibong nakikilahok sa learning experience ay mas malamang na maalala ang natutuhan nila. Anyayahan ang mga estudyante na makibahagi sa mga aktibidad na kinapapalooban ng pisikal na pagkilos at pakikipag-ugnayan sa mga tao at mga bagay sa paligid nila.

Paghahanda ng estudyante: Kung maaari, bigyan ang mga estudyante ng kopya ng handout na kasama sa lesson na ito. Sabihin sa kanila na rebyuhin ang mga doctrinal mastery scripture reference at mahahalagang parirala. Sabihin din sa kanila na mag-isip ng mga sitwasyon kung saan makatutulong ang mga katotohanang matatagpuan sa mga doctrinal mastery passage na ito.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Maaaring kailanganing ituro ang isang doctrinal mastery passage lesson kapalit ng lesson sa pagrerebyu na ito. Tingnan ang iskedyul sa pagtuturo na ibinigay ng area o region director o coordinator upang matiyak na maituturo ang bawat doctrinal mastery passage lesson habang may klase sa seminary.

Rebyuhin ang mga doctrinal mastery passage

Maglaan ng oras na rebyuhin ang mga doctrinal mastery passage sa Bagong Tipan. Alin sa mga ito ang alam na alam mo? Alin sa mga ito ang hindi mo gaanong alam?

  • Ano ang ilang katotohanan na itinuturo ng mga scripture passage na ito na talagang makabuluhan sa iyo?

Kung makikinabang ang mga estudyante sa pagrerebyu ng mga doctrinal mastery scripture reference at mahahalagang parirala, maaari mong gawin ang alinman o lahat ng sumusunod na aktibidad:

Paalala: Sa gayong mga aktibidad, makatutulong na anyayahan ang mga estudyante na gumawa nang may kapartner. Maaari mong pagpartnerin ang mga estudyanteng nangangailangan ng tulong at ang mga estudyanteng handa at may kakayahang tulungan sila.

1. Idispley ang mga reperensyang banal na kasulatan sa isang panig ng pisara at ang mahahalagang parirala, na nakalista nang hindi sunud-sunod, sa isa pang panig ng pisara. Sabihin sa mga estudyante na tingnan kung ilang reperensya at mahahalagang parirala ang maitutugma nila nang tama. Sabihin sa kanila na gamitin ang kanilang mga banal na kasulatan para makita kung tama ang kanilang ginawa.

2. Magpakita ng isang bahagi ng isang mahalagang parirala, at sabihin sa mga estudyante na kumpletuhin ito at ibigay ang reperensya.

3. Simulang basahin nang dahan-dahan ang isang mahalagang parirala, nang paisa-isang salita. Kapag sa palagay ng mga estudyante ay alam nila kung aling doctrinal mastery passage ang tinutukoy, maaari na nilang buksan ang kanilang banal na kasulatan sa scripture passage na iyon.

Larawan
Doctrinal Master - Matthew - John

Reperensyang Banal na Kasulatan

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Lucas 2:10–12

“Sapagkat ipinanganak sa inyo ngayon sa lunsod ni David ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo, ang Panginoon.”

Juan 3:5

“Malibang ang isang tao’y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, hindi siya makapapasok sa kaharian ng Diyos.”

Juan 3:16

“Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay niya ang kanyang tanging Anak.”

Mateo 5:14–16

“Paliwanagin ninyo nang gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao.”

Mateo 11:28–30

“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nanlulupaypay at lubhang nabibigatan, at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan.”

Mateo 16:15–19

Sinabi ni Jesus, “Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian.”

Juan 7:17

“Kung ang sinuman ay nagnanais gumawa ng kalooban ng Diyos, ay makikilala niya … ang turo.”

Mateo 22:36–39

“Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos. … Ibigin mo ang iyong kapwa.”

Lucas 22:19–20

Iniutos ni Jesucristo, tumanggap ng sakramento “sa pag-aalaala sa akin.”

Juan 17:3

“At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Diyos na tunay, at … si [Jesucristo].”

Lucas 24:36–39

“Sapagka’t ang isang espiritu’y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.”

Ang isang paraan para maalala ang mga katotohanan sa mga banal na kasulatan ay iugnay ang mga ito sa mga bagay na nakikita sa araw-araw. Pumili ng dalawang doctrinal mastery scripture passage, at rebyuhin ang mahalagang parirala na nauugnay sa bawat isa. Pagkatapos ay gawin ang mga sumusunod sa bawat isa sa mga scripture passage:

Larawan
Christmas lit white lightbulbs
  • Magdrowing o kumuha ng larawan ng isang bagay na sa palagay mo ay nauugnay sa mahalagang parirala sa scripture passage. (Halimbawa, para sa Mateo 5:14–16 , maaari kang magdrowing o kumuha ng larawan ng isang ilaw).

  • Sumulat ng maikling paliwanag kung paano nauugnay ang bagay sa katotohanang itinuro sa scripture passage.

Pag-uugnay ng mga katotohanan sa ating buhay

Itinuro ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol ang isang katotohanan na makatutulong sa atin na ipamuhay ang mga doctrinal mastery passage. Itinuro niya na ang mga alituntunin ng ebanghelyo ay “[n]aglalaan ng mahalagang pananaw ng kawalang-hanggan habang pinagdaraanan natin ang iba’t ibang kalagayan, hamon, desisyon, at karanasan ng mortalidad” (“Ang mga Alituntunin ng Aking Ebanghelyo,” Liahona, Mayo 2021, 123–24). Ang mga alituntuning matatagpuan sa mga doctrinal mastery passage ay makatutulong sa atin na malaman kung paano tutugon sa maraming sitwasyon na maaaring mangyari sa ating buhay.

Para sa sumusunod na aktibidad, maaaring isulat ng mga estudyante ang sitwasyon sa harap ng isang papel at ang doctrinal mastery scripture passage at paliwanag sa likod.

Ilarawan ang isang sitwasyon kung saan maipamumuhay ng isang tao ang katotohanan mula sa isang doctrinal mastery passage na pinili mo. Ipaliwanag kung paano makatutulong sa taong iyon ang pagpapamuhay sa katotohanang iyan para matanggap ang tulong ng Tagapagligtas.

Maaari mong kolektahin ang mga sitwasyong isinulat ng mga estudyante at basahin ang mga ito sa klase. Sa paggawa nito, maririnig ng mga estudyante ang mga ideya ng kanilang mga kaklase at makikita na maraming iba’t ibang katotohanan ang maiaangkop sa isang sitwasyon.

Ang opsiyon na pag-ibayuhin ang partisipasyon ng mga estudyante ay maaaring pagbabasa ng isang sitwasyon at paghikayat sa mga estudyante na magsulat (nang mag-isa o magkakasama sa maliliit na grupo) ng isang doctrinal mastery reference at mahalagang parirala na sa palagay nila ay makatutulong sa taong nasa sitwasyon. Kung ang isang estudyante o grupo ay nakatukoy ng ibang katotohanan maliban sa isinulat ng orihinal na estudyante, sabihin sa kanila na ipaliwanag kung paano rin makatutulong ang katotohanang iyon.

Pagninilay tungkol sa mga katotohanan ng Tagapagligtas

Pagnilayan ang mga doctrinal mastery scripture passage at mahahalagang parirala na itinuro sa unang kalahati ng taon (tingnan ang chart na ipinakita kanina sa lesson).

Sumulat ng maikling liham sa isang tao na magsisimula nang pumasok sa seminary at hindi alam ang tungkol sa mga doctrinal mastery passage. Ipaliwanag sa kanila kung paano makatutulong sa kanila ang mga scripture passage na mas makilala ang Tagapagligtas at magbibigay sa kanila ng mga sagot sa mga tanong at hamon na maaaring mangyari sa kanilang buhay. Maaari kang magbahagi ng halimbawa kung kailan ka napagpala o ang isang taong kilala mo dahil nalaman at naalala mo ang mga katotohanan ng Tagapagligtas na itinuro sa mga doctrinal mastery passage.

Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Magdula-dulaan

Sinabi ni Pangulong Joy D. Jones, na naglingkod bilang Primary General President, na ang pagdudula-dulaan ay “maaaring magpatibay sa mga bata para maging handa sa isang mahirap na sitwasyon” (“Makabuluhang mga Pag-uusap,” Liahona, Mayo 2021, 13). Maaaring anyayahan ang mga estudyante na tukuyin ang isang sitwasyon kung saan makatutulong ang isang katotohanan mula sa isang doctrinal mastery passage. Pagkatapos ay maaari nilang isadula ang pagtugon sa sitwasyon gamit ang katotohanan mula sa doctrinal mastery passage.

Print