Seminary
Lucas 23:33–46; Juan 19:26–30


Lucas 23:33–46; Juan 19:26–30

Ang Pagkahabag ng Tagapagligtas Habang Nakabayubay sa Krus

Women at the foot of the cross, Bible Video stills, From “Jesus is Scourged and Crucified”

Ang mga bagay na sinabi ni Jesus habang Siya ay nakabayubay sa krus ay nagpapakita ng Kanyang pagkatao at mga banal na katangian. Sa iyong pag-aaral, sikaping madagdagan ang iyong hangaring maging higit na katulad ni Jesucristo habang natututo ka mula sa Kanyang halimbawa noong Siya ay ipinako sa krus.

Maipaunawa at mapagtibay ang layunin. Ang pagkakaroon ng nagkakaisang layunin na malinaw sa kapwa mga titser at estudyante ay makapagpapalakas ng pananampalataya at makapagbibigay ng direksyon at kahulugan sa karanasan sa klase.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumasok sa klase na handang magbahagi ng tungkol sa isang taong kilala nila na nagpakita ng habag o awa kahit nakararanas ng mahihirap na pagsubok.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Pagmamalasakit sa kapwa

Isipin ang mga sumusunod na tanong:Madalas ka bang magpakita ng pagkahabag sa iba? Bakit oo o bakit hindi?

Sa iyong study journal, ilista ang mga sitwasyon kung saan maaaring mahirap para sa iyo na pagmalasakitan ang tungkol sa mga problema at kapakanan ng iba. Ipaliwanag kung bakit dahil sa mga sitwasyong iyon ay mahirap para sa iyo na gawin ito.

Sa halip na ilista ang mga sitwasyong ito sa kanilang journal, maaaring ilista ng mga estudyante ang kanilang mga sagot sa pisara. Bilang alternatibo, maaaring tumayo ang isang estudyante sa tabi ng pisara bilang tagasulat habang ang klase ay may dalawang minuto para ilista ang lahat ng kanilang sagot sa abot ng kanilang makakaya at maipaliwanag ang kanilang mga sagot pagkatapos nilang ilista ang mga ito.

Sagutin sa iyong study journal ang mga sumusunod na tanong:

  • Paano magiging mas mabuti ang iyong buhay kung nagpakita ka ng pagkahabag sa iba kahit mahirap ang kalagayan mo?

Sa lesson na ito magkakaroon ka ng pagkakataong pag-aralan ang halimbawa ng Tagapagligtas sa pagmamalasakit sa iba sa panahong nagdurusa Siya sa pagkakapako sa krus. Habang pinag-aaralan mo ang halimbawa ng Tagapagligtas, hingin ang patnubay ng Espiritu Santo para matulungan kang hangarin mo na maging higit na katulad ni Jesucristo.

Mga karanasan bago ang Pagpapako sa Krus at habang Nakapako sa Krus

Alalahanin ang mga karanasan ng Tagapagligtas bago ang Pagpapako sa Krus at habang Nakapako sa Krus:

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na alalahanin ang mga sumusunod na detalye sa halip na sabihin ang mga ito sa kanila. Maaaring makatulong na magdispley ng mga larawan ng ilan o lahat ng sumusunod na pangyayari.

  • Nagdusa Siya para sa mga kasalanan ng sanlibutan sa Getsemani (tingnan sa Lucas 22:39–44).

  • Siya ay ipinagkanulo ni Judas at pinabayaan ng Kanyang mga Apostol (tingnan sa Marcos 14:43–50).

  • Siya ay nilitis, binugbog, at dinuraan ng mga pinunong Judio (tingnan sa Mateo 26:57–68).

  • Nilitis Siya kapwa nina Pilato at Herodes at kinutya ni Herodes at ng kanyang mga kawal ( Lucas 23:1–24).

  • Siya ay malupit na binugbog at hinampas ng mga kawal na Romano (tingnan sa Mateo 27:26–31).

  • Pinasan Niya ang Kanyang krus sa daan patungong Golgota (tingnan sa Juan 19:16–17).

  • Siya ay ipinako sa Kanyang mga kamay at paa at ipinako kasama ng dalawang kriminal (tingnan sa Lucas 23:33 ; tingnan din sa Juan 20:25).

  • Siya ay nakabayubay sa krus (tingnan sa Mateo 27:45–50 ; Marcos 15:25).

Isipin kung paano nakaapekto ang mga pangyayaring ito sa nadarama mo sa Tagapagligtas at sa kung ano ang tiniis Niya para sa iyo.Basahin ang mga sumusunod na scripture passage, na naglalaman ng mga pahayag ng Tagapagligtas habang Siya ay nakabayubay sa krus. Tukuyin ang mga katotohanan tungkol kay Jesucristo mula sa Kanyang mga pahayag, at ilista ang mga ito sa iyong study journal.

Ipakita ang sumusunod na kontekstuwal na mga tulong at scripture passage:

Lucas 23:33–34 . Sinabi ng Tagapagligtas ang mga salitang ito tungkol sa mga kawal na nagpako sa Kanya (tingnan sa Pagsasalin ni Joseph Smith, Lucas 23:35 ).

Lucas 23:39–43 . Nakatala sa mga talatang ito ang sinabi ng mga kriminal na ipinako sa krus kasama ng Tagapagligtas at kung paano tumugon ang Tagapagligtas. (Tandaang itinuro ni Propetang Joseph Smith na nang sabihin ng Tagapagligtas sa kriminal na ito na makakasama Niya ito sa paraiso, itinuturo Niya sa kanya na “Ako ay paroroon sa daigdig ng mga espiritu at tuturuan kita o sasagutin ko ang iyong mga tanong” [“Discourse, 11 June 1843–A, as Reported by Wilford Woodruff,” 44, josephsmithpapers.org]).

Juan 19:26–27 . Nakatala sa mga talatang ito ang sinabi ng Tagapagligtas sa Kanyang inang si Maria, at kay Apostol Juan.

Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang isinulat nila. Maaari kang magtanong ng mga follow-up na tanong, tulad ng nasa ibaba:

  • Ano ang natutuhan mo tungkol kay Jesucristo na pinakamakabuluhan sa iyo? Bakit?

Kapag nagbahagi ang mga estudyante, isulat sa pisara ang kanilang mga sagot. Maaaring mabanggit ng mga estudyante ang mga alituntuning tulad ng mga sumusunod:

Matutularan natin ang halimbawa ni Jesucristo sa pagpiling magpatawad sa mga taong nagmamalupit sa atin. Matutularan natin ang halimbawa ng Tagapagligtas sa pagpiling tumulong sa iba kahit nangangailangan din tayo.

  • Sa anong mga paraan mo gustong maging katulad ng Tagapagligtas? Bakit?

Hindi lamang ang mga kawal na Romano, ang mga kriminal, at ang Kanyang ina ang inisip ng Tagapagligtas habang nakabayubay sa krus. Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson ang karagdagang paraan ng pagtutuon ng Tagapagligtas sa iba habang Siya ay nagdurusa.

Official portrait of President Russell M. Nelson taken January 2018

Tulad sa lahat ng bagay, si Jesucristo ang ating dakilang huwaran, “na Siya dahil sa kagalakang inilagay sa harapan niya ay nagtiis ng krus” [ Mga Hebreo 12:2 ]. Isipin ninyo iyan! Para mapagtiisan Niya ang pinakamatinding karanasang tiniis sa lupa, nagtuon ang ating Tagapagligtas sa kagalakan!

At ano ang kagalakang inilagay sa harapan Niya? Tiyak na kabilang dito ang kagalakang linisin, pagalingin, at palakasin tayo; ang kagalakang pagbayaran ang mga kasalanan ng lahat ng magsisisi; ang kagalakang gawing posible na makabalik tayo—nang malinis at karapat-dapat—sa piling ng ating mga Magulang sa Langit at ng ating pamilya.

(Russell M. Nelson, “Kagalakan at Espirituwal na Kaligtasan,” Ensign o Liahona, Nob. 2016, 82–83).

  • Ano ang pinagtuunan ng pansin ng Tagapagligtas habang nagdurusa Siya para sa atin?

  • Ano ang itinuro sa iyo ni Pangulong Nelson tungkol sa mga ninanais ng Tagapagligtas para sa iyo?

Isipin sandali ang katotohanan na habang nakabayubay sa krus ang Tagapagligtas, nagtuon Siya sa iyo at sa kagalakan ng pagtulong sa iyo na makabalik sa Ama sa Langit.

  • Anong kaibhan ang magagawa nito sa iyong buhay kapag naunawaan mo ang katotohanang ito? Bakit makagagawa ng gayong kaibhan ang kaalamang ito sa iyo?

Sabihin sa mga estudyante na alalahanin ang naisip at nadama nila mula sa kanilang paghahanda para sa klase.

  • Kailan ka nakatulong sa isang tao habang nararanasan mo ang isang pagsubok o problema, o kailan ito ginawa ng isang tao para sa iyo?

Kung makatutulong para makakita ng isang halimbawa, panoorin ang “Mangag-ibigan sa Isa’t Isa Tulad ng Pag-ibig Niya sa Atin,” na matatagpuan sa SimbahanniJesucristo.org, mula sa time code na 3:22 hanggang 7:54. Mangag-ibigan sa Isa’t Isa Tulad ng Pag-ibig Niya sa Atin

2:3

Hingin ang inspirasyon ng Espiritu Santo sa pamamagitan ng pagninilay sa halimbawa ng Tagapagligtas at sa nadama mo ngayon. Tukuyin ang mga paraan na maaari kang maging higit na katulad ni Jesucristo sa pagpapakita ng pagmamahal at pagkahabag sa iba kahit sa panahong nakararanas ka ng mga pagsubok sa sarili mong buhay. Pagkatapos ay isulat ang mga paraan na ito sa iyong study journal. Rebyuhin ang listahang ginawa mo, at mapanalanging pumili ng isa sa mga paraan na maaari kang maging higit na katulad ni Jesucristo. Tukuyin ito sa iyong journal entry. Manalangin at humanap ng mga pagkakataong magawa ito.

Hikayatin ang mga estudyante na handang magbahagi ng plano nilang gawin para matularan ang halimbawa ng Tagapagligtas. Maaari kang magbahagi ng isang nauugnay na personal na kuwento o patotoo para tapusin ang klase.

“Natupad na”

Matapos magdusa nang ilang oras sa krus, binigkas ng Tagapagligtas ang Kanyang huling mga salita.

Basahin ang Juan 19:28–30 at Lucas 23:46 . Markahan ang huling mga sinabi ng Tagapagligtas sa mortalidad.

  • Ano ang naipaunawa sa atin ng mga pahayag na ito tungkol sa Tagapagligtas at sa Kanyang misyon?

Tulad ng Tagapagligtas, matutupad natin ang nais ng Ama na gawin natin sa ating buhay. Tandaan ito habang sinisikap mong gawin ang ipinasiya mong ipamuhay ngayon.

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Juan 19:27 . Ano ang matututuhan natin mula sa sinabi ng Tagapagligtas na “Narito ang iyong ina”?

Matutularan natin ang halimbawa ni Jesucristo habang nagsisikap tayong pahalagahan, mahalin, at pangalagaan ang ating mga ina. Pinapurihan ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol ang mabubuting ina at inihambing ang kanilang pagmamahal sa pagmamahal ng Tagapagligtas.

Panoorin ang “Narito, ang Iyong Ina,” na makukuha sa SimbahanniJesucristo.org, mula sa time code na 0:20 hanggang 2:53.

16:43

Paano nakaiimpluwensya sa magiging kung sino tayo ang pagtulong sa iba kahit tayo mismo ay may nararanasang pagsubok sa buhay?

Itinuro ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Elder David A. Bednar, Quorum of the Twelve Apostles official portrait. 2020.

Naipapakita ang tunay na pagkatao … sa kakayahang mapansin ang pagdurusa ng ibang mga tao kapag nagdurusa rin tayo; sa kakayahang maramdaman na nagugutom ang iba habang nagugutom din tayo; at sa kakayahang tumulong sa iba at magpakita ng pagkahabag sa mga taong dumaraan sa mga espirituwal na pagsubok kapag tayo rin ay nasa ganitong kalagayan. Samakatwid, naipapakita ang tunay na pagkatao sa pamamagitan ng pagmamalasakit at pagtulong kahit ang natural at likas na reaksyon ay magtuon lamang sa sarili at sa sariling problema. Kung ang gayong kakayahan ang talagang pinakadakilang pamantayan ng mabuting pagkatao, samakatwid ang Tagapagligtas ng mundo ang pinakadakilang halimbawa ng gayong hindi pabagu-bago at matulungin at mapagmahal na pag-uugali.

(David A. Bednar, “The Character of Christ” [Brigham Young University–Idaho devotional, Ene. 25, 2003], byui.edu)

Anong mga pagpapala ang darating kapag naglilingkod tayo sa iba bagama’t mahirap para sa atin ang mga bagay-bagay?

Itinuro ni Pangulong Henry B. Eyring ng Unang Panguluhan:

Official Portrait of President Henry B. Eyring taken March 2018.

Bukod dito, kailangan nating pansinin ang paghihirap ng iba at subukang tumulong. Iyan ay magiging lalong mahirap kapag tayo mismo ay labis ring sinusubok. Ngunit matutuklasan natin na kapag pinagagaan natin ang pasanin ng iba, nang kahit kaunti, ang ating mga likod ay napalalakas at nakakakita tayo ng liwanag sa kadiliman.

(Henry B. Eyring, “Sinubok, Napatunayan, at Pinino,” Ensign o Liahona, Nob. 2020, 98)

Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Juan 19:30 . “Natupad na”

Upang matulungan ang mga estudyante na pagnilayan ang natutuhan nila tungkol sa nagawa ng Tagapagligtas para sa kanila sa Getsemani at sa krus, sabihin sa kanila na rebyuhin ang pahayag ng Tagapagligtas na “Natupad na” ( Juan 19:30). Ang pahayag na ito ay maaaring isulat sa pisara, at maaari itong kopyahin ng mga estudyante sa kanilang study journal. Pagkatapos ay isulat nila ang lahat ng “natupad na” ng Tagapagligtas para sa kanila. Pagkatapos ay maaari silang anyayahang pag-isipan kung ano ang gagawin nila dahil sa nagawa Niya para sa kanila.