Mateo 28; Marcos 16; Lucas 24; Juan 20–21
Buod
Pagkatapos ng libing ng Tagapagligtas, nasumpungan ng matatapat na disipulo ang walang lamang libingan. Ipinahayag ng mga anghel na nabuhay na ang Panginoon. Nagpakita si Jesucristo sa maraming tao at grupo pagkatapos ng Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli. Sa dalampasigan ng Dagat ng Tiberias (Galilea), kumain Siya kasama ang Kanyang mga disipulo at inanyayahan Niya si Pedro na ipakita ang kanyang pagmamahal sa Kanya sa pamamagitan ng pagpapakain at pag-aalaga sa Kanyang mga tupa.
Maghandang Magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Lucas 24:1–12, 36–48
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na mas maunawaan ang doktrina ng Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas at kung paano ito nakakaapekto sa kanilang buhay.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan at isiping ilista ang nalalaman nila tungkol sa pagkabuhay na mag-uli at kung bakit personal na mahalaga sa kanila ang Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas.
-
Content na ipapakita: Isang larawan ng walang lamang libingan ng nabuhay na mag-uling Tagapagligtas
-
Mga Video: “Ang Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo” (15:41; panoorin mula sa time code na 9:06 hanggang 12:01); “Siya ay Buhay—Ipagdiwang ang Pasko ng Pagkabuhay Dahil si Jesucristo ay Buhay” (2:26)
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference:Maaaring gamitin ng mga estudyante ang chat feature upang sagutin ang iba’t ibang tanong. Halimbawa, maaaring ibahagi ng mga estudyante ang nalalaman nila tungkol sa pagkabuhay na mag-uli o kung bakit mahalaga sa kanila ang Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas.
Doctrinal Mastery: Lucas 24:36–39
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na madagdagan ang kanilang kaalaman at pagkaunawa sa doktrina ng pagkabuhay na mag-uli sa pamamagitan ng pagsasaulo ng reperensya at mahalagang parirala ng banal na kasulatan, pagpapaliwanag ng doktrina, at pagpapamuhay ng mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa isang sitwasyon sa tunay na buhay.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan ang natutuhan at nadama nila nang pag-aralan nila ang Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas sa Lucas 24:1–9, 36–48 .
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference:Maaari mong pagpartner-partnerin ang mga estudyante sa mga breakout room upang matalakay nila kung paano nakatulong sa kanilang buhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.
Mateo 28; Lucas 24; Juan 20
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong na mapatibay ang mga patotoo ng mga estudyante na buhay ang Tagapagligtas.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin ang Eter 12:5–9 na isinasaisip ang tanong na ito: Paano mo malalaman na buhay si Jesucristo gayong hindi mo Siya nakikita?
-
Content na ipapakita: Isang larawan ng nabuhay na mag-uling si Jesucristo
-
Video: “Magsiparito sa Akin” (17:36; panoorin mula sa time code na 16:18 hanggang 16:47)
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Isiping mag-anyaya ng iba’t ibang indibiduwal na dumalo sa klase at gumanap na isa sa mga saksi na inilarawan sa lesson. Maaari nilang ibahagi ang kanilang karanasan sa klase na para bang isa sila sa mga indibiduwal sa salaysay. Hindi naaangkop para sa isang indibiduwal na gumanap na Tagapagligtas.
Juan 21:1–17
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maipakita ang kanilang pagmamahal sa Tagapagligtas habang nagsisikap silang maglingkod sa iba tulad ng ginawa Niya.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin ang Juan 21:15–17 sa tahanan kasama ang mga kapamilya o kaibigan, at talakayin kung ano ang ibig sabihin ng pakainin at alagaan ang mga tupa ng Panginoon.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference:Maaari mong gamitin ang chat feature sa mga estudyante bilang bahagi ng lesson na ito. Halimbawa, maaaring sabihin sa mga estudyante na mag-post ng iba’t ibang paraan upang mapakain at maalagaan ang mga tupa ng Panginoon.
I-assess ang Iyong Pagkatuto 6
Layunin ng lesson: Layunin ng lesson na ito na tulungan ang mga estudyante na suriin ang mga mithiing itinakda nila at ang pansariling pag-unlad na naranasan nila sa kanilang pag-aaral ng Bagong Tipan.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan ang kanilang karanasan sa pag-aaral ng unang kalahati ng Bagong Tipan at ang ministeryo ni Jesucristo. Hikayatin ang mga estudyante na pumasok sa klase na may naihandang isang bagay na natutuhan o nadama nila mula saapat na Ebanghelyo (Mateo, Marcos, Lucas, at Juan) na mahalaga sa kanila.
-
Content na ipapakita: Isang puso na idinrowing sa pisara para sa unang aktibidad sa assessment; ang pariralang “Dahil sa Kanya…” na nakasulat sa pisara para sa pangalawang aktibidad sa assessment
-
Video: “Dahil sa Kanya” (2:36)
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Para sa unang aktibidad sa assessment, maaari mong sabihin sa bawat estudyante na magdrowing ng sarili nilang puso at ilista ang mga bagay na gusto nila tungkol sa Tagapagligtas. Pagkatapos ay anyayahan ang ilang estudyante na itapat ang kanilang papel sa camera para makita ng lahat. Para sa pangatlong aktibidad sa assessment, maaari mong sabihin sa mga estudyante na kumpletuhin ang kanilang mga post sa social media bago pumasok sa klase. Maaaring mag-ukol ng oras sa klase upang hikayatin ang mga estudyante na ibahagi ang isinulat nila para sa kanilang mga post at upang magpatotoo.