Seminary
Doctrinal Mastery: Lucas 24:36–39


Doctrinal Mastery: Lucas 24:36–39

“Ang Isang Espiritu’y Walang Laman at mga buto, na Gaya ng Inyong Nakikita na Nasa Akin”

The resurrected Jesus Christ (dressed in white robes) standing at the entrance to the Garden Tomb. Christ is portrayed looking toward the heavens.

Sa iyong pag-aaral ng Lucas 24:1–9, 36–48, natutuhan mo ang tungkol sa Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas. Gamit ang doctrinal mastery passage na Lucas 24:36–39, tutulungan ka ng lesson na ito na maragdagan ang iyong pagkaunawa sa doktrina ng pagkabuhay na mag-uli sa pamamagitan ng pagsasaulo ng reperensya at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan, pagpapaliwanag ng doktrina, at paggamit ng mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa tunay na sitwasyon sa buhay.

Paggamit ng oras. Dapat maikli at epektibo ang mga aktibidad sa pagrerebyu ng doctrinal mastery. Maging disiplinado habang pinangangasiwaan mo ang mga aktibidad na ito sa pagrerebyu para hindi maraming oras ang maigugol sa mga ito.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan ang natutuhan at nadama nila nang pag-aralan nila ang Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas sa Lucas 24:1–9, 36–48 .

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Isaulo at ipaliwanag

Alalahanin na matapos ang pagdurusa ng Tagapagligtas sa Getsemani at kamatayan sa krus, ang Kanyang katawan ay kinuha at inihimlay sa isang libingan. Makalipas ang tatlong araw, si Jesucristo ay nabuhay na mag-uli. Basahin ang doctrinal mastery passage na Lucas 24:36–39 at salungguhitan ang mahahalagang salita o parirala na itinuro ng Tagapagligtas sa Kanyang mga disipulo pagkatapos ng Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli.

Kunwari ay hinihilingan kang sagutin ang sumusunod na tanong para sa bahaging “Mga Tanong at mga Sagot” ng magasin na Para sa Lakas ng mga Kabataan. Isipin kung ano ang maaari mong ibahagi sa 2–3 pangungusap lamang.

Kung hindi pamilyar ang mga estudyante sa bahaging “Mga Tanong at mga Sagot” ng magasing Para sa Lakas ng mga Kabataan, maaari kang magbahagi ng mga halimbawa mula sa mga pinakahuling edisyon nito.

  • Ano ang napakaespesyal tungkol sa Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo?

Bigyan ang mga estudyante ng pagkakataong isaulo ang reperensya para sa doctrinal mastery passage na Lucas 24:36–39 at ang kasama nitong mahalagang parirala ng banal na kasulatan. Makikita sa ibaba ang isang halimbawa kung paano ito gagawin.

Para maisaulo ang reperensyang ito at ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan, hatiin sa apat na bahagi ang isang pahina sa iyong study journal. Isulat ang reperensya at ang isa sa mga parirala (tulad ng makikita sa ibaba) sa bawat bahagi. Maaari kang magdrowing ng isang simpleng katugmang larawan o icon para kumatawan sa bawat isa sa apat na bahagi ng reperensyang banal na kasulatan at mahalagang parirala. Magpraktis na bigkasin ang bawat isa sa mga ito hanggang sa mabigkas mo ang lahat ng ito nang walang kopya.

  • Lucas 24:36–39

  • Sapagkat ang isang espiritu’y

  • walang laman at mga buto,

  • na gaya ng inyong nakikita na nasa akin

Pagsasanay para sa pagsasabuhay

Tulungan ang mga estudyante na marebyu ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa pamamagitan ng pagkumpleto ng aktibidad sa ibaba sa loob ng mga 3–5 minuto. Maaari mong sabihin sa kanila na ibahagi kung nagawa nilang ilista ang tatlong alituntunin nang walang kopya, at anyayahan ang mga handang magbahagi kung paano nagamit, o magagamit ang mga alituntuning ito sa kanilang buhay.

Rebyuhin sandali ang talata 5–12 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2022). Ang isang paraan na maaaring magawa ito ay tingnan kung maililista mo ang lahat ng tatlong alituntunin nang walang kopya. Pagkatapos, sa iyong study journal, isulat kung paano mo nagamit, o magagamit, ang mga alituntuning ito sa iyong buhay.

Ngayon ay magsanay na gamitin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman at ang doktrinang itinuro sa Lucas 24:36–39 sa pamamagitan ng pagbabasa ng sitwasyon sa ibaba at pagsagot sa mga tanong na kasunod.

Maaari mong iangkop ang sitwasyon para makaugnay ito sa mga estudyante.

Isa sa malalapit mong kaibigan, si Jinyoon, ay pumayag na turuan siya ng mga missionary sa iyong tahanan. Lumipat si Jinyoon at ang kanyang pamilya kamakailan sa inyong bayan, at wala siyang nauunawaan o nalalaman tungkol kay Jesucristo. Nang ituro ang plano ng kaligtasan at ang tungkuling ginagampanan ni Jesucristo, tila hindi komportable si Jinyoon ngunit wala siyang sinabing anuman. Kalaunan, matapos umalis ang mga missionary, sinabi niya sa iyo na hindi siya naniniwala sa konsepto ng pagkabuhay na mag-uli at kabilang-buhay.

Ang mga sumusunod na tanong ay naglalayong bigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na magsanay sa paggamit ng mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman nang mag-isa. Tatalakayin man ang mga tanong na ito bilang isang klase o sa maliliit na grupo, tiyaking makinig na mabuti sa mga estudyante upang masukat ang kanilang kakayahan na gamitin ang mga alituntuning ito nang mag-isa. Kung kailangan ng mga estudyante ng tulong, maaari mong itanong sa kanila ang mga tanong na tulad ng nasa ilalim ng mga heading ng bawat alituntuning nakalista sa ibaba.

  • Ano ang maaari mong gawin o sabihin para matulungan si Jinyoon na maunawaan ang hangarin mong tulungan siya?

  • Ano ang maaari mong itanong para mas maunawaan kung ano ang pinaniniwalaan ni Jinyoon o kung saan siya nanggaling?

  • Paano mo magagamit ang bawat isa sa tatlong alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman upang matulungan si Jinyoon?

Kumilos nang may pananampalataya

  • Paano ka maaaring kumilos nang may pananampalataya sa sitwasyong ito?

  • Ano ang maaari mong ibahagi kay Jinyoon tungkol sa pagkilos nang may pananampalataya? Bakit mahalagang hakbang ito sa paghahanap ng mga sagot sa kanyang mga tanong?

Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw

  • Anong mga tanong o walang hanggang katotohanan ang maaari mong patotohanan kay Jinyoon sa pagsisikap mong tulungan siyang makita ang kanyang pag-aalala nang may walang-hanggang pananaw?

  • Paano ito makatutulong kay Jinyoon na simulang maunawaan ito nang may walang-hanggang pananaw?

  • Ano ang nakatulong sa iyo upang maunawaan ang Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas at ang ginagampanan nito sa plano ng kaligtasan?

Hangarin na mas makaunawa sa pamamagitan ng mga itinalagang sources na ibinigay ng Diyos

  • Anong mga partikular na banal na kasulatan mula sa Lucas 24 ang maaari mong gamitin kapag tumutugon kay Jinyoon? Anong mga karagdagang sources ang maaari mong rebyuhin bago ka tumugon? (Ang ilan sa mga materyal na napag-aralan mo sa nakaraang lesson sa Lucas 24 ay maaaring makatulong.)

  • Ano pang mga resources ang ituturo mo kay Jinyoon kung gusto pa niyang mag-aral nang mag-isa?

Matapos magkaroon ng oras ang mga estudyante na magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman, sabihin sa kanila na pagnilayan kung ano ang nadama nila. Maaari mong sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga karanasan sa paggamit ng mga alituntuning ito sa sarili nilang buhay. Anyayahan silang ibahagi kung ano ang kahulugan ng mga alituntuning ito sa kanila.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery

Gamitin ang sumusunod na aktibidad sa pagrerebyu sa isang lesson na ituturo sa susunod na mga araw.Ipakita ang sumusunod na apat na bahagi ng reperensyang banal na kasulatan at mahalagang parirala para sa Lucas 24:36–39 tulad ng makikita.

walang laman at mga buto,

Sapagkat ang isang espiritu’y

Lucas 24:36–39

na gaya ng inyong nakikita na nasa akin

Sabihin sa mga estudyante na isulat ang reperensyang banal na kasulatan na ito at ang mahalagang parirala sa tamang pagkakasunud-sunod sa kanilang study journal.