“Paano ko tatalakayin sa aking ward o pamilya ang tungkol sa suicide o pagpapakamatay?” Mga Bagay na Madalas Itanong (2018).
“Paano ko tatalakayin sa aking ward o pamilya ang tungkol sa suicide o pagpapakamatay?” Mga Bagay na Madalas Itanong.
Paano ko tatalakayin sa aking ward o pamilya ang tungkol sa suicide o pagpapakamatay?
Ang pakikipag-usap tungkol sa pagpapakamatay ay hindi makahihikayat sa isang tao na magtangkang magpakamatay. Sa katunayan, ang hayagang pakikipag-usap tungkol sa pagpapakamatay ay isang epektibong paraan para mapigilan ang pagpapakamatay. Dapat ang layunin ng anumang talakayan tungkol sa pagpapakamatay ay tulungan ang mga lider at miyembro na mag-minister nang mas epektibo sa mga taong naapektuhan ng pagpapakamatay.
Maaaring naisin ng mga lider at magulang na magdaos ng mga talakayan kung paano mapipigilan ang pagpapakamatay, pagharap sa pagkawala ng isang mahal sa buhay dahil sa pagpapakamatay, at pag-minister sa mga taong nahihirapan. Dapat ang mga talakayang ito ay idaos nang mayroong pag-iingat at malasakit, naaangkop sa edad, at naaayon sa mga turo ng Simbahan. Maging maingat kapag nagdaraos ng isang talakayan para maiwasan ang mga salita na maaaring maging dahilan para makaramdam muli ng matinding sakit ang isang tao.
Sa mga talakayan pagkatapos ng pagkawala ng isang mahal sa buhay dahil sa pagpapakamatay, huwag pag-usapan ang tungkol sa kung paano kinitil ng isang tao ang kanyang buhay. Hindi man sinasadya, maaari itong makahikayat sa isang tao sa grupo na gawin din ang bagay na inilarawan. Kung mayroong isang tao sa grupo na nagsimulang magbahagi ng mga detalye tungkol dito, ibaling ang pag-uusap sa ibang bagay sa magalang na paraan.
Resources mula sa Simbahan at sa Komunidad
(Ang ilan sa resources na nakalista sa ibaba ay hindi nilikha, tinutustusan, o kontrolado ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Ang mga materyal na ito ay nilayon na magsilbi bilang karagdagang resources habang pinag-aaralan mo ang paksang ito. Ang Simbahan ay hindi nag-eendorso ng anumang content na hindi naaayon sa mga doktrina at mga turo nito.)
-
“Listen to Learn,” Russell M. Nelson, Ensign, May 1991, 22–25.
-
“Pag-uukol ng Panahon para Mag-usap at Makinig,” Rosemary M. Wixom, Liahona, Abr. 2012, 34–37.
-
“Parents and Children: Listening, Learning, and Loving,” M. Russell Ballard, New Era, Feb. 2011, 2–7.
-
“Mamuno sa mga Inspiradong Talakayan,” Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas (2015), 33.
-
“How to Talk to a 9–13-Year-Old Child about a Suicide Attempt in Your Family,” U.S. Department of Veterans Affairs.
-
“Preventing Suicide: How to Start a Survivors’ Group,” World Health Organization.