“Ano ang dapat kong gawin kung sasabihin sa akin ng isang tao na iniisip niyang magpakamatay?” Mga Bagay na Madalas Itanong (2018).
“Ano ang dapat kong gawin?” Mga Bagay na Madalas Itanong.
Ano ang dapat kong gawin kung sasabihin sa akin ng isang tao na iniisip niyang magpakamatay?
Huwag mangangakong ilihim na iniisip ng isang tao na magpakamatay. Kung hihilingin niya sa iyo na huwag mo itong sabihin kaninuman, ipaliwanag na igagalang mo ang kanyang pribadong buhay hangga’t maaari ngunit kailangan niya ng dagdag na tulong kaysa sa maibibigay mo. Hikayatin siyang makipag-usap sa isang taong makapagbibigay ng karagdagang suporta. Ibahagi ang contact information ng resources kung paano mapipigilan ang pagpapakamatay sa inyong lugar.
Kung ayaw niyang humingi ng tulong, kailangan mo itong ipagbigay-alam sa kinauukulan para sa kanya. Maaari kang magsabi ng isang pahayag tulad ng, “Nagmamalasakit ako sa iyo at nais kong maging ligtas ka. Tatawag ako ng isang taong makapagbibigay sa iyo ng tulong na kailangan mo.” Igalang ang kanyang pribadong buhay sa pamamagitan ng pagsasabi lamang sa isang tao na sa palagay mo ay makatutulong, tulad ng isang malapit na kapamilya, bishop ng taong iyon, isang counselor sa paaralan, o isang propesyonal sa pangangalaga ng kalusugan. Kung hindi ka sigurado kung kanino mo ito sasabihin, tumawag o magpadala ng mensahe sa isang libreng crisis helpline sa inyong lugar. Tandaan, hindi inaasahan ng Panginoon na suportahan mo nang mag-isa ang taong iyon.
Resources mula sa Simbahan at sa Komunidad
-
“Magligtas: Kaya Nating Gawin Ito,” Mervyn B. Arnold, Liahona, Mayo 2016, 53–55.
-
“Pag-uukol ng Panahon para Mag-usap at Makinig,” Rosemary M. Wixom, Liahona, Abr. 2012, 34–37.
-
“Understanding Suicide,” New Era, Sept. 2016, 36–37.