“Paano ko matutulungan ang isang taong nawalan ng mahal sa buhay dahil sa pagpapakamatay?” Mga Bagay na Madalas Itanong (2018).
“Paano ko matutulungan ang isang taong nawalan ng mahal sa buhay?” Mga Bagay na Madalas Itanong.
Paano ko matutulungan ang isang taong nawalan ng mahal sa buhay dahil sa pagpapakamatay?
Ang mga kaibigan at miyembro ng Simbahan ay maaaring makatulong nang malaki sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay dahil sa pagpapakamatay. Kadalasan, ang pagpapakamatay ay isang biglaan at nakapanlulumong pangyayari na maaaring magpatindi sa dalamhating nararamdaman ng mga sangkot dito. Unawain na ang pagdadalamhati ay isang proseso na maaaring magtagal.
Ang pinakamainam na magagawa natin ay tulungan ang isang tao na maranasan ang mga pagpapala ng pagmamahal ng Ama sa Langit at ang awa at biyaya ng Tagapagligtas. Kapag ang isang tao o pamilya ay nawalan ng mahal sa buhay dahil sa pagpapakamatay, mapanalanging alamin ang kanilang mga pangangailangan at sikaping suportahan sila. Kadalasan, ang ating pagtulong sa isang tao o pamilya ay nagsisimula sa pakikinig nang may pagmamahal at kabaitan. Magkaroon ng kamalayan na ang pagdiriwang ng mahahalagang okasyon at anibersaryo ay maaaring maging napakahirap.
Ipinayo ni Pangulong M. Russell Ballard na: “Maging maingat sa kung ano ang sinasabi mo tungkol sa pagpapakamatay at tanggapin na hindi natin alam ang buong kadahilanan sa bawat pagpapakamatay. Ang Panginoon lamang ang nagtataglay ng lahat ng katotohanan, at Siya lamang ang nakakaalam sa layunin ng puso ng isang tao. Hindi natin dapat husgahan ang mga kumitil sa sarili nilang buhay, at dapat nating suportahan at aluin ang mga naulila matapos ang gayong pagkamatay ng isang mahal sa buhay” (“Questions and Answers” [debosyonal sa Brigham Young University, Nob. 14, 2017], 3, speeches.byu.edu).
Kung bahagi ka ng isang ward council, hikayatin ang council na talakayin kung paano makapagbibigay ang mga miyembro ng ward ng angkop na suporta sa tao o sa pamilyang iyon. Hikayatin ang mga miyembro ng council na mag-ulat tungkol sa ibinigay na suporta. Ang ilan sa mga tanong na tatalakayin ay:
-
Ano ang napansin ng mga ministering brother at sister, at ano na ang tulong na naibigay nila?
-
Ano ang emosyonal at espirituwal na suporta na patuloy na kakailanganin ng tao o pamilyang iyon? Sino ang pinakahandang magbigay ng suportang ito?
-
Ano ang kanilang mga temporal na pangangailangan—transportasyon, pagkain, at marami pang iba?
-
Paano masusuportahan ng mga ward auxiliary leader, pati na ng mga lider ng Primary o kabataan, ang mga bata at kabataan na apektado?
Resources mula sa Simbahan at sa Komunidad
(Ang ilan sa resources na nakalista sa ibaba ay hindi nilikha, tinutustusan, o kontrolado ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Ang mga materyal na ito ay nilayon na magsilbi bilang karagdagang resources habang pinag-aaralan mo ang paksang ito. Ang Simbahan ay hindi nag-eendorso ng anumang content na hindi naaayon sa mga doktrina at mga turo nito.)
-
“Magmasid Muna at Pagkatapos ay Maglingkod,” Linda K. Burton, Liahona, Nob. 2012, 78–80.
-
“Nailigtas Matapos ang Pagpapakamatay ng Aking Anak,” Le Etta Thorpe, Liahona, Set. 2017, 34–36.
-
“Suicide, Healing, and Hope: How to Be a Friend to Someone Who Has Lost a Loved One to Suicide,” Marissa Widdison, New Era, Set. 2017, 16–17.
-
“Sustained by God’s Love,” Suzanne Lutz, Ensign, Hulyo 2015, 14–15.
-
“19 Suicide Survivors Share What They Needed after Their Loss,” Sarah Schuster, The Mighty.
-
“Bereaved by Suicide,” Befrienders Worldwide.