“Ang pakikipag-usap ba tungkol sa pagpapakamatay ay mas makahihikayat sa isang tao na magtangkang magpakamatay?” Mga Bagay na Madalas Itanong (2018).
“Ang pakikipag-usap ba tungkol sa pagpapakamatay ay mas makahihikayat sa isang tao na magtangkang magpakamatay?” Mga Bagay na Madalas Itanong.
Ang tao bang nagsasalita tungkol sa pagpapakamatay ay malamang na magtangkang magpakamatay?
Ang pakikipag-usap tungkol sa pagpapakamatay ay hindi makahihikayat sa isang tao na magtangkang magpakamatay. Sa katunayan, ang hayagang pakikipag-usap tungkol sa pagpapakamatay ay isang epektibong paraan para mapigilan ang pagpapakamatay. Ang diretsahang pagtatanong sa isang tao kung iniisip niyang magpakamatay ay nagbibigay sa kanya ng pagkakataong ipahayag kung ano ang naiisip at nararamdaman niya nang walang pag-aalala na huhusgahan siya. Maaari mong itanong, “Iniisip mo bang kitilin ang iyong buhay?” Kung sasabihin niya na iniisip niyang magpakamatay, tanungin siya kung mayroon siyang plano. Maaari mong itanong, “Mayroon ka bang plano na saktan ang sarili mo?” Kung mayroon siyang plano, tumawag kaagad sa isang emergency service provider o crisis help line sa inyong lugar.
Kung wala siyang plano, ipakita na nagmamalasakit ka sa pamamagitan ng pakikinig sa sinasabi niya. Pagkatapos ay hikayatin siyang makipag-usap sa isang taong makapagbibigay ng karagdagang suporta. Tingnan ang “Paano Tulungan ang Isang Taong May Mabigat na Pinagdaraanan” sa website na ito para sa mga karagdagang ideya.
Resources mula sa Simbahan at sa Komunidad
(Ang ilan sa resources na nakalista sa ibaba ay hindi nilikha, tinutustusan, o kontrolado ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Ang mga materyal na ito ay nilayon na magsilbi bilang karagdagang resources habang pinag-aaralan mo ang paksang ito. Ang Simbahan ay hindi nag-eendorso ng anumang content na hindi naaayon sa mga doktrina at mga turo nito.)
-
“Pag-uukol ng Panahon para Mag-usap at Makinig,” Rosemary M. Wixom, Liahona, Abr. 2012, 34–37.
-
“Listening Skills,” Befrienders Worldwide.
-
“Suicide Myths—Quiz,” Befrienders Worldwide.
-
“News Room: Suicide,” World Health Organization.
-
“Preventing Suicide [Paano Mapipigilan ang Pagpapakamatay],” Carol F. McConkie (video, suicide.ChurchofJesusChrist.org).