Pagpapakamatay
Paano ko matutulungan ang isang taong nakaligtas sa tangkang pagpapakamatay?


“Paano ko matutulungan ang isang taong nakaligtas sa tangkang pagpapakamatay?” Mga Bagay na Madalas Itanong (2018).

“Paano ko matutulungan ang isang taong nakaligtas?” Mga Bagay na Madalas Itanong.

Paano ko matutulungan ang isang taong nakaligtas sa tangkang pagpapakamatay?

Ang mga mahal sa buhay at mga miyembro ng ward ay maaaring magkaroon ng mahalagang papel sa pagbangon ng isang taong nakaligtas sa tangkang pagpapakamatay. Ang pakiramdam na minamahal at kabilang sila ay makapagbibigay sa mga taong nakaligtas sa tangkang pagpapakamatay ng pag-asa para sa hinaharap at maaaring makatulong sa kanila na umiwas sa isa na namang tangkang pagpapakamatay. Kapag nagbibigay ka ng tulong, maging mahabagin at madasalin (tingnan sa I Ni Pedro 3:8). Alam ng Ama sa Langit kung ano ang kailangan nila at magagabayan Niya ang iyong mga pagsisikap. Kung bahagi ka ng isang ward council, pag-isipan kung paano makatutulong ang mga miyembro ng ward at stake. Narito ang ilang bagay na dapat isaisip kapag nagbibigay ka ng tulong:

  • Ito ay kanilang kuwento. Hayaan ang mga taong nakaligtas sa tangkang pagpapakamatay na ibunyag ang mga hamon sa kanilang buhay sa kanilang sariling panahon at sa mga taong pinili nila. Huwag maghinanakit kung tanggihan nila ang iyong mga paanyayang magbahagi.

  • Magpakatotoo ka. Kausapin ang mga taong nakaligtas sa tangkang pagpapakamatay sa parehong paraan kung paano mo sila kausapin noon. Mag-alok na makinig kung nais nilang magsalita. Huwag balewalain ang sakit na nararamdaman nila o ihambing ang kanilang karanasan sa karanasan ng ibang tao, maging sa iyong sariling karanasan.

  • Maniwala na ang pagbangon ay posible. Bagama’t maaaring mahirap bumangon mula sa tangkang pagpapakamatay, ito ay posible. Maging matiyaga at maunawain habang ang taong iyon ay sumasailalim sa anumang pisikal, emosyonal, o espirituwal na sakit. Kailanman ay huwag kalimutan na sila, tulad ng ibang tao, ay maaari ring maging mas malusog at malakas sa tulong ng Tagapagligtas.

  • Ugaliing isabuhay ang mainam na pangangalaga sa sarili. Maglaan ng oras para pangalagaan ang iyong sariling espirituwal, pisikal, mental na kalusugan at pakikipagkapuwa (tingnan sa Mosias 4:27). Palakasin ang iyong pananampalataya sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga banal na kasulatan at pagdalo sa templo. Kumain ng masusustansyang pagkain, mag-ehersisyo, at matulog nang sapat para magkaroon ka ng pisikal at emosyonal na lakas. Bisitahin ang mentalhealth.ChurchofJesusChrist.org para sa mga karagdagang ideya.

Resources mula sa Simbahan at sa Komunidad

(Ang ilan sa resources na nakalista sa ibaba ay hindi nilikha, tinutustusan, o kontrolado ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Ang mga materyal na ito ay nilayon na magsilbi bilang karagdagang resources habang pinag-aaralan mo ang paksang ito. Ang Simbahan ay hindi nag-eendorso ng anumang content na hindi naaayon sa mga doktrina at mga turo nito.)