Pagpapakamatay
Paano ko sisimulan ang pakikipag-usap sa isang taong inaakala kong may tangkang magpakamatay?


“Paano ko sisimulan ang pakikipag-usap sa isang taong inaakala kong may tangkang magpakamatay?” Mga Bagay na Madalas Itanong (2018).

“Paano ko sisimulan ang pakikipag-usap?” Mga Bagay na Madalas Itanong.

Paano ko sisimulan ang pakikipag-usap sa isang taong inaakala kong may tangkang magpakamatay?

Maghanap ng oras at lugar kung saan pareho kayong komportableng makipag-usap. Sabihin sa iyong kaibigan na talagang nagmamalasakit ka sa kanya. Ipaliwanag kung ano ang napansin mo kamakailan, tulad ng, “Parang napakalungkot mo nitong mga nakaraang araw.” Bigyan siya ng oras para maipaliwanag kung ano ang nararamdaman niya. Ipakita na nagmamalasakit ka sa pamamagitan ng pakikinig sa sinasabi niya. Igalang ang nararamdaman niya sa pamamagitan ng pagsasabi ng, “Nalulungkot ako na masyado kang nasasaktan” o “Hindi ko napagtanto noon kung gaano kahirap ang mga bagay para sa iyo.”

Kapag tila tama na ang panahon, tanungin siya nang diretsahan kung iniisip niyang magpakamatay. Maaari kang magtanong ng tulad ng, “Iniisip mo bang kitilin ang iyong buhay?” Kung sasabihin niya na iniisip niyang magpakamatay, tanungin siya kung mayroon siyang plano. Maaari mong itanong, “Mayroon ka bang plano na saktan ang iyong sarili?” Kung mayroon siyang plano, tumawag kaagad sa isang emergency service provider o crisis help line sa inyong lugar.

Kung wala siyang plano, ipakita na nagmamalasakit ka sa pamamagitan ng pakikinig sa sinasabi niya. Pagkatapos ay hikayatin siyang makipag-usap sa isang taong makapagbibigay ng karagdagang suporta. Tingnan ang “Paano Tulungan ang Isang Taong May Mabigat na Pinagdaraanan” sa website na ito para sa mga karagdagang ideya.

Resources mula sa Simbahan at sa Komunidad

(Ang ilan sa resources na nakalista sa ibaba ay hindi nilikha, tinutustusan, o kontrolado ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Ang mga materyal na ito ay nilayon na magsilbi bilang karagdagang resources habang pinag-aaralan mo ang paksang ito. Ang Simbahan ay hindi nag-eendorso ng anumang content na hindi naaayon sa mga doktrina at mga turo nito.)