Paano Maibabahagi ng mga Bata ang Ebanghelyo
Minahal at pinaglingkuran ni Jesucristo ang ibang tao. Ibinahagi Niya ang ebanghelyo sa kanila at inanyayahan sila na sundin Siya. Matutulungan mo ang iyong mga kaibigan na malaman pa ang tungkol kay Jesucristo at madama rin ang Kanyang pagmamahal. Maaari mong ipakita sa kanila ang iyong pagmamahal, ibahagi sa kanila ang iyong pinaniniwalaan, at anyayahan sila na alamin pa ang tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang Simbahan.
Mga Paraan na Maibabahagi ng mga Bata ang Ebanghelyo
-
Manalangin sa Ama sa Langit at humingi ng tulong.
-
Ipaalala sa isang tao na mahal siya ng Diyos—at mahal mo rin siya!
-
Magkaroon ng bagong kaibigan.
-
Humingi ng tulong sa iyong mga magulang na paglingkuran ang isang kapitbahay.
-
Magbahagi ng kwento kung paano sinagot ng Diyos ang iyong mga panalangin.
-
Maging mabuting halimbawa sa iba.
-
Anyayahan ang isang kaibigan na sumama sa iyo na magsimba o dumalo sa isang aktibidad sa Primary.
Mga Resource na Maibabahagi ng mga Bata sa Kanilang mga Kaibigan
Payo ng Propeta
Sinabi sa atin ni Pangulong Russell M. Nelson na ang bawat tao ay mayroong “sagradong responsibilidad na ibahagi ang kapayaaan ni Jesucristo sa lahat ng makikinig”—maging sa mga bata. Kaya mong ibahagi ang ebanghelyo ngayon at maghandang maging isang full-time missionary sa pamamagitan ng “pagiging mabuting halimbawa” at “pagsunod kay Jesucristo upang ang Kanyang liwanag ay magningning sa inyong mga mata” (“Paano Kayo Magiging Isang Missionary,” Kaibigan, Hulyo 2023, 2).
Manalangin at hilingin sa Ama sa Langit na tulungan kang mag-isip ng mga paraan para maibahagi ang ebanghelyo. Tutulungan ka Niya na malaman kung sino ang handa nang malaman pa ang tungkol kay Jesucristo. Tutulungan ka Niya na magkaroon ng lakas ng loob at malaman kung ano ang sasabihin. Tutulungan ka Niya na maibahagi sa iba ang pagmamahal ni Jesucristo. At tutulungan ka Niya na makadama ng kagalakan at kapayapaan kapag ginawa mo ito!