“Paano Ka Magiging Isang Missionary,” Kaibigan, Hulyo 2023, 2–3.
Mula sa Unang Panguluhan
Paano Kayo Magiging Isang Missionary
Hango sa “Pangangaral ng Ebanghelyo ng Kapayapaan,” Liahona, Mayo 2022, 6–7; at “Maging Uliran ng mga Nagsisisampalataya,” Liahona, Nob. 2010, 47–49.
Sinabi ng Panginoon sa Kanyang mga disipulo na “humayo … sa buong sanlibutan, at … ipangaral ang ebanghelyo sa lahat ng nilikha” (Marcos 16:15). Lahat ay nararapat bigyan ng pagkakataong malaman kung saan nila matatagpuan ang pag-asa at kapayapaan ni Jesucristo. Mayroon tayong sagradong responsibilidad na ibahagi ang kapayaaan ni Jesucristo sa lahat ng makikinig.
Matutulungan ninyo ang iba na mahanap ang kapayapaan ng ebanghelyo sa pamamagitan ng:
-
Pagiging mabuting halimbawa.
-
Pagsunod kay Jesucristo upang ang Kanyang liwanag ay magningning sa inyong mga mata.
-
Pagkakaroon ng mas maraming kaibigan.
-
Pag-anyaya sa isang kaibigan na basahin ang Aklat ni Mormon.
-
Pag-anyaya sa isang kaibigan na sumama sa inyo sa isang miting o aktibidad sa Simbahan.
Maaari rin kayong magpasiyang magmisyon kapag mas matanda na kayo. Pagpapalain kayo nito at ang marami pang iba.
Isang Grupo ng mga Kaibigan
Sa larawan sa ibaba, tingnan kung gaano karaming kaibigan na nasa isang aktibidad sa Primary ang may:
-
Itim na buhok
-
Dilaw na kamiseta
-
Nakatirintas na buhok
-
Salamin sa mata
-
Isang berdeng backpack
-
Mga pulang sapatos
-
Wheelchair
-
Bola ng soccer