“Hello mula sa Nepal!” Kaibigan, Hul. 2023, 18–19.
Hello mula sa Nepal!
Alamin ang tungkol sa mga anak ng Ama sa Langit sa buong mundo.
Ang Nepal ay isang bansa sa Timog Asia. Mga 30 milyong tao ang naninirahan doon.
Isang Espesyal na Watawat
Ang Nepal ang tanging bansa na may watawat na hindi isang parihaba! Mayroon itong araw at buwan.
Bundok Everest
Sa Nepal matatagpuan ang pinakamataas na bundok sa mundo, na 29,032 talampakan (8,849 m) ang taas. Mahigit 6,000 katao ang nakaakyat na hanggang sa tuktok nito.
Mga Kaibigang Hindu
Karamihan sa mga tao sa Nepal ay sumusunod sa Hinduismo. Sa relihiyong ito, ang mga baka ay mga sagradong hayop na iginagalang.
Dal Bhat
Bawat araw kumakain ang mga tao ng pagkain na may dal (mga lentehas) at bhat (kanin). Madalas silang kumain ng iba pang mga pagkain kasama nito, tulad ng gulay na may curry at inatsarang gulay.
Ang Aklat ni Mormon
Ang buong Aklat ni Mormon ay inilathala sa Nepali sa unang pagkakataon noong 2017. Nasabik nang husto ang mga miyembro ng Simbahan doon!