2023
Lakas-ng-Loob mula sa Espiritu Santo
Hulyo 2023


“Lakas-ng-Loob mula sa Espiritu Santo,” Kaibigan, Hulyo 2023, 29.

Isinulat Mo

Lakas-ng-Loob mula sa Espiritu Santo

Larawan
Alt text

Larawang-guhit ni Toby Newsome

Noong maliit pa ako, sinabi ng mga doktor sa mga magulang ko na may selective mutism ako o labis na pangingimi. Ito ay isang pagkabalisa na nagiging dahilan para mahirapan na makipag-usap sa iba. Ang malalapit na kapamilya ko lang ang kaya kong kausapin.

Palagi akong nag-aalala, lalo na kung may taong nakikipag-usap sa akin. Ang pagdarasal ay palaging nagpapabuti sa aking pakiramdam at pinapayapa ako nito. Nakipagkita rin ako ng isang counselor sa paaralan para humingi ng tulong. Pero pakiramdam ko ay hindi bumubuti nang kalayagan ko. Halos sumuko na ako, pero patuloy akong nanampalataya.

Paparating na ang ikawalong kaarawan ko noon. Hinamon ako ng mga magulang ko na basahin ang Aklat ni Mormon at ipagdasal na tulungan akong magpasiya kung magpapabinyag ako. Gabi-gabi nagdarasal ako para magtanong kung dapat akong magpabinyag. Palagi akong nakakatanggap ng parehong sagot—isang mainit at panatag na damdamin sa puso ko. Alam ko na sinasabi sa akin ng Espiritu Santo na tamang pagpili ang pagpapabinyag.

Nang ibigay sa akin ang kaloob na Espiritu Santo matapos akong mabinyagan, nakarinig ako ng mga salita ng pag-asa, pagmamahal, at panghihikayat. Alam ko na papanatagin ako ng Espiritu Santo at bibigyan ako ng lakas-ng-loob.

Nagpasiya akong makipag-usap sa matalik kong kaibigang si Charlie. Buong linggo ko itong sinubukan, pero napakahirap niyon. Pero isang araw, kami lang ni Charlie ang nasa halamanan ng paaralan. Tahimik akong nanalangin sa puso ko. Ama sa Langit, tulungan po Ninyo akong magsalita kahit na isang salita lang.

Pagkatapos ay binuksan ko ang aking bibig at nagsabi ng, “Hi, Charlie!” Nagulat siya talaga. Napakasaya ko!

Pagkatapos ng araw na iyon, naging mas madali nang tapusin ang iba pang mga mithiin. Hindi nagtagal ay nakakausap ko na ang lahat! Nagpapasalamat ako na binigyan ako ng Espiritu Santo ng lakas-ng-loob na kausapin si Charlie.

Print