“Nagsimula ito sa Isang Baseball Field,” Kaibigan, Hulyo 2023, 32.
Kaibigan sa Kaibigan
Nagsimula Ito sa Isang Baseball Field
Mula sa isang interbyu kasama si Lucy Stevenson Ewell.
Noong 13 gulang ako, naglaro ako sa isang baseball team kasama ang ilang kaibigan. Hindi ako miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, pero dalawa sa mga kasama ko sa team ang miyembro. Kambal sila. Ang pangalan nila ay Rob at Lane.
Isang araw sa praktis, inanyayahan nila akong pumunta sa home evening kasama ang kanilang pamilya. Hindi ko alam kung ano ang home evening, kaya nagtanong ako tungkol dito. Sinabi nila sa akin na pag-aaralan namin ang tungkol sa mga bagay-bagay sa simbahan at kakanta kami ng mga awitin. Hindi ako gaanong nasasabik tungkol dito. Pero nangako sila na mayroong panghimagas, kaya nagpasiya akong pumunta.
Nagpunta ang pamilya ko sa bahay nila para sa home evening. Talagang may nadama akong kakaiba. Hindi ko alam kung ano ito, pero pamilyar ito. Masarap iyon sa pakiramdam. Nadama rin ito ng nanay ko.
Hindi ko alam noon na miyembro ng Simbahan ang nanay ko. Nabinyagan siya noong dalagita pa siya. Pero halos hindi siya nagsimba.
Pagkatapos ng gabing iyon, nagsimulang magsimbang muli ang nanay ko. Sumama ako sa kanya para mas matuto pa. Makalipas ang ilang buwan, bininyagan ako ng tatay nina Rob at Lane.
Lubos akong nagpapasalamat na nagmalasakit talaga sa akin sina Rob at Lane para ibahagi nila ang ebanghelyo. Ngayon ay mapalad akong magkaroon ng walang-hanggang pamilya. At nagsimula ang lahat ng ito sa isang baseball field!
Tulad nina Rob at Lane, malaki ang epekto ninyo sa iba. Makagagawa kayo ng kaibhan sa inyong pamilya. Makapagbabahagi kayo ng ebanghelyo sa mga kaibigan ninyo.