2023
Ano ang Nasa Isip Mo?
Hulyo 2023


“Ano ang Nasa Isip Mo?,” Kaibigan, Hulyo 2023, 42.

Ano ang Nasa Isip Mo?

Hindi nabuklod sa templo ang mga magulang ko. Ibig bang sabihin niyan ay hindi ako maaaring maging bahagi ng isang walang-hanggang pamilya?

—Nagtataka mula sa Warsaw

Larawan
alt text

Minamahal naming Nagtataka,

Ikaw ay anak ng mga magulang sa langit. Bago ka pa man naparito sa mundong ito, ikaw ay bahagi na ng Kanilang pamilya. At hinding-hindi iyan magbabago! Kaya anuman ang mangyari, palagi kang magiging bahagi ng isang walang-hanggang pamilya!

Ikaw at ang iyong mga magulang ay mahal na mahal ng Ama sa Langit. Nais Niya na bumalik kayong lahat sa Kanya. Ikaw at ang iyong pamilya ay patuloy Niyang babasbasan at gagabayan. Manalangin sa Kanya tungkol sa iyong mga alalahanin, at papanatagin ka Niya.

Nagmamahal,

Ang Kaibigan

Iguhit ang bawat miyembro ng inyong pamilya at ang isang bagay na gustung-gusto mo tungkol sa kanila! Hanapin ang mabuti sa inyong pamilya. Sabihin sa kanila kung ano ang nakikita mo!

Print