2023
Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Hulyo 2023


“Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin,” Kaibigan, Hulyo 2023, 6–7.

Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Para sa home evening, o pag-aaral ng mga banal na kasulatan—o para lang sa paglilibang!

Sundan ang Lider

Alt text

Mga larawang-guhit ni Katy Dockrill

Para sa Mga Gawa 1–5

Kuwento: Pagkamatay ni Jesus, tinawag si Pedro na maging pinuno ng Simbahan ng Panginoon. Maaari mong basahin ang kuwentong ito sa pahina 46 o sa Mga Gawa 2–3.

Awit: “Ang Tama’y Ipaglaban” (Aklat ng mga Awit Pambata, 81)

Aktibidad: Pumili ng isang tao na magiging lider. Magpagawa sa lider ng isang kilos (tulad ng pagtalon gamit ang isang paa o pag-ikot). Gagayahin siya ng iba. Kapag binago ng lider ang kilos, gagayahin ng iba ang bagong kilos. Maghalinhinan sa pagiging lider hanggang sa ang bawat tao ay nagkaroon na ng pagkakataon.

Malinis nang Muli

Alt text

Para sa Mga Gawa 6–9

Kuwento: Isang lalaking nagngangalang Saulo ang nagtangkang sirain ang Simbahan ni Jesucristo. Pagkatapos ay nagsisi siya at binago ang kanyang buhay. Siya ay naging missionary at nagturo sa mga tao tungkol kay Jesucristo. Nakilala siya bilang si Pablo. (Tingnan sa Mga Gawa 9:1–20.)

Awit: “Aking Ama’y Buhay” (Aklat ng mga Awit Pambata, 8)

Aktibidad: Lagyan ng lupa ang iyong mga kamay. Ano ang pakiramdam mo kapag madumi ang iyong mga kamay? Pagkatapos, hugasan ang iyong mga kamay gamit ang sabon at tubig. Ang paghuhugas ng ating mga kamay ay katulad ng pagsisisi. Dahil kay Jesus, maaari tayong magsisi at maging malinis muli pagkatapos nating magkasala.

Hamon ng Missionary

Alt text

Para sa Mga Gawa 10–15

Kuwento: Sina Bernabe at Pablo ay mga missionary (tingnan sa Mga Gawa 13:2–4). Nagturo sila sa mga tao tungkol sa Tagapagligtas. Nagtuturo rin ngayon ang mga missionary sa mga tao tungkol sa Kanya.

Awitin: “Ang mga K’wento kay Jesus,” (Aklat ng mga Awit Pambata, 36)

Aktibidad: Pumili ng isang hamon mula sa mga pahina 38–39 na gagawin ninyo nang magkakasama, tulad ng paglilingkod sa isang kapitbahay. Paano ka magiging missionary ngayon?

Isang Larawan ng Iyong Sarili

Alt text

Para sa Mga Gawa 16–21

Kuwento: Itinuro ni Apostol Pablo na tayong lahat ay mga anak ng Diyos (tingnan sa Mga Gawa 17:28–29). Mahal ng Ama sa Langit ang lahat ng Kanyang mga anak. Binigyan Niya ang bawat isa sa atin ng magkakaibang kaloob at talento.

Awitin: “Ako ay Anak ng Diyos” (Aklat ng mga Awit Pambata, 2–3)

Aktibidad: Gumuhit ng larawan ng iyong sarili. Sa itaas, isulat ang “Ako ay Anak ng Diyos.” Sa paligid ng larawan, isulat o idrowing ang mga bagay na gusto mong gawin. Paano mo magagamit ang iyong espirituwal na mga kaloob para matulungan ang iba?