“Pagsunod kay Jesus sa Nepal,” Kaibigan, Hulyo 2023, 16–17.
Pagsunod kay Jesus sa Nepal
Kilalanin si Samyog!
Tungkol kay Samyog
Edad: 9
Mula sa: Bagmati Province, Nepal
Mga Wika: Nepali, Engish
Mga mithiin at pangarap: 1) Maging isang piloto. 2. Sumunod kay Jesucristo. 3) Pangalanan ang kanyang panganay na anak na “Sreejal,” na ang ibig sabihin ay kadalisayan.
Pamilya: Samyog, Aama (Inay), Buba (Itay), at dalawang didi (mga ate)
Paano Sinusunod ni Samyog si Jesus
Sa Nepal, hindi marami ang mga Kristiyano. Maraming tao ang walang gaanong alam tungkol kay Jesucristo. Mahilig magkuwento si Samyog sa iba tungkol kay Jesus.
Minsan, ang paaralan ni Samyog ay may pagdiriwang ng Pasko upang tulungan ang mga estudyante na malaman ang tungkol sa mga holiday sa buong mundo. Sinabi ni Samyog na Kristiyano siya. Sinagot niya ang mga tanong ng kanyang mga guro at kaklase tungkol kay Jesus.
“Gusto kong sundin si Jesucristo habambuhay,” sabi ni Samyog.
Mga Paborito ni Samyog
Kuwento tungkol kay Jesus: Nang mamatay Siya para sa atin dahil mahal Niya tayo
Lugar: Ang sala sa kanyang tahanan
Awit sa Primary: “Propeta’y Sundin,” (Aklat ng mga Awit Pambata, 58–59)
Mga Pagkain: Cake at kukhura (manok)
Mga kulay: Orange at asul
Mga subject sa paaralan: Science at matematika