2023
Ang Propetang si Pedro
Hulyo 2023


“Ang Propetang si Pedro,” Kaibigan, Hulyo 2023, 46–47.

Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan

Ang Propetang si Pedro

Alt text

Mga larawang-guhit ni Apryl Stott

Matapos mabuhay na muli si Jesucristo at makapunta sa langit, si Pedro ang naging propeta.

Alt text

Nagturo si Pedro sa mga tao tungkol sa binyag at sa Espiritu Santo. Pinili ng libu-libong tao na magpabinyag!

Alt text

Isang araw nakita ni Pedro ang isang lalaki sa labas ng templo. Hindi makalakad ang lalaki. Sabi ni Pedro, “Sa pangalan ni [Jesucristo], tumayo ka at lumakad.”

Alt text

Gumaling ang lalaki dahil sa kanyang pananampalataya! Nagturo si Pedro sa mga tao sa templo tungkol kay Jesucristo.