2023
Hamon ng Missionary
Hulyo 2023


“Hamon ng Missionary,” Kaibigan, Hulyo 2023, 38–39.

Masasayang Bagay

Hamon ng Missionary

Larawan
Alt text

Mga larawang-guhit ni Sammie Francis

Alamin kung ano ang ginagawa ng mga missionary! Pagkatapos ay sundan ang landas at gawin ang hamon.

Ang mga missionary ay nakakakilala ng mga bagong tao at nakikipag-usap sa kanila.

Kilalanin ang isang tao sa iyong klase o kapitbahayan na hindi mo kilala.

Ang ilang missionary ay natututo ng bagong wika.

Matutong bumigkas ng ilang salita sa isang bagong wika. Maaari mong matutuhang sabihin ang, “Mahal ako ni Jesus” o ang “Ako ay anak ng Diyos.”

Ibinabahagi ng mga missionary ang kanilang mga talento! Ang ilan ay tumutugtog ng piyano sa simbahan, natututo ng mga banal na kasulatan na maibabahagi, o gumagamit ng iba pang mga talento para pagpalain ang iba.

Isipin ang isang talento mo. Pagkatapos ay gamitin ang talento na iyon para paglingkuran ang isang tao!

Ipinagdarasal ng mga missionary ang ibang tao.

Isipin ang dalawa o tatlong taong kilala mo at ipagdasal sila. Hilingin sa Ama sa Langit na pagpalain sila.

Tinuruan ng mga missionary ang ibang tao tungkol kay Jesucristo.

Sabihin sa isang kaibigan o kapamilya ang isang bagay na natutuhan mo tungkol kay Jesus sa Primary.

Print