2023
Inutusan Tayo ni Jesus na Ibahagi ang Ebanghelyo
Hulyo 2023


“Inutusan Tayo ni Jesus na Ibahagi ang Ebanghelyo,” Kaibigan, Hulyo 2023, 24–25.

Mga Kuwento tungkol kay Jesus

Inutusan Tayo ni Jesus na Ibahagi ang Ebanghelyo

Tanggalin ang pahinang ito at itupi ito sa gitna. Pagkatapos ay itaas ang larawan habang nagkukuwento ka.

Larawan
alt text

Matapos Siyang mabuhay na mag-uli, binisita ni Jesus ang Kanyang mga Apostol. Binigyan Niya sila ng isda at tinapay na makakain.

Tinanong ni Jesus si Pedro, “Minamahal mo ba ako?”

Sumagot si Pedro ng oo. Pagkatapos ay sinabi ni Jesus, “Pakanin mo ang aking mga kordero.”

Dalawang beses pang tinanong ni Jesus si Pedro. “Mahal mo ba ako?”

Sa dalawang pagkakataong ito ay sumagot si Pedro ng oo. At dalawang beses sinabi ni Jesus na, “Pakanin mo ang aking mga tupa.”

Nalaman ni Pedro na inuutusan siya ni Jesus na ibahagi ang ebanghelyo. Si Jesus ang ating Pastol, at tayo ang Kanyang mga tupa.

Maipapakita natin ang ating pagmamahal kay Jesus sa pamamagitan ng pagtulong sa iba na malaman ang tungkol sa Kanya at sumunod sa Kanya.

Print