“Magkakasamang Sumusunod kay Jesus,” Kaibigan, Hulyo 2023, 26–27.
Magkakasamang Sumusunod kay Jesus
Iori I., edad 8, Aichi, Japan
Hailey P., edad 6, Arizona, USA
Laura, Chiara, at Davi R., mga edad 9, 8, at 6, São Paulo, Brazil
“Nagtatatag ng Sion,” Darius, David, at Daniel U., mga edad 5, 2, at 8, Kharkiv, Ukraine
Jane T., edad 10, Minnesota, USA
“Hinahati ni Moises ang Dagat na Pula,” Athziri P., edad 8, Veracruz, Mexico
“Ako ay Anak ng Diyos,” Tommy at Jamie G., mga edad 11 at 7, Tennessee, USA
Nawawala ang paborito kong stuff toy. Hinanap ko ito at nagdasal para humingi ng tulong. Pagkaraan ng isang linggo, natagpuan ito ng kapatid ko. Naalala ko ang isang lesson sa Primary kung paano sinasagot ng Diyos ang mga panalangin. Maaaring abutin ito ng isang araw, isang linggo, o kahit 10 taon, pero sinasagot pa rin Niya ang ating mga dalangin.
Hunter S., edad 9, Colorado, USA
Pumunta ang pamilya ko sa Utah, USA. Noong Pioneer Day, nagpunta kami sa This Is the Place Heritage Park. Nakita namin ang mga bantayog nina Jane Elizabeth Manning, Green Flake, Hark Wales, at Oscar Smith. Sila ang ilan sa mga unang pioneer na pumasok sa Lambak ng Salt Lake.
August E., edad 8, Washington, USA
Nagpunta kami ng pamilya ko sa Nauvoo Illinois Temple. Naisip ko ang mga pioneer na nagsikap na itayo ang templo at ang aking mga ninuno na napilitang lisanin ang Nauvoo at tumawid sa nagyeyelong Ilog Mississippi. Wala pa ako sa edad para makapasok sa loob ng templo, pero nadarama kong malapit ako sa aking mga ninuno at sa Espiritu Santo tuwing malapit ako rito.
Rosalind Y., edad 8, Iowa, USA
Gustung-gusto kong ate ako ni Macy, na may Down syndrome. Gusto ko siyang iugoy sa mga swing sa parke at tulungang akyatin ang hagdan para makapag-slide!
Ali R., edad 8, Ontario, Canada
Sana’y maging missionary ako balang-araw.
Ebenezer S., edad 11, Greater Accra Region, Ghana