“Mga Aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin para sa Maliliit na Bata,” Kaibigan, Hulyo 2023, 49.
Bagong Tipan
Mga Aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin para sa Maliliit na Bata
Para sa Mga Gawa 1–5
Tulungan ang inyong mga musmos na sabihin ang, “Kaya kong sundin ang propeta.” Magpakita sa kanila ng larawan ni Pangulong Nelson at kantahin ang koro ng “Propeta’y Sundin” (Aklat ng mga Awit Pambata, 66–67). Magbahagi ng isang pagkakataon na sinunod mo ang propeta.
Para sa Mga Gawa 6–9
Tipunin ang inyong mga musmos at patayin ang mga ilaw sa isang silid. Gumamit ng flashlight para gabayan sila sa paligid ng silid. Ipaliwanag na ang Espiritu Santo ay parang flashlight dahil magagabayan at maipapakita Niya sa atin ang daan.
Para sa Mga Gawa 10–15
Kasama ang inyong mga musmos, tingnan ang mga larawan ng mga bata na may iba’t ibang kulay ng balat, mga uri ng katawan, at pisikal na kakayahan. Ipaliwanag na mahal ng ating Ama sa Langit ang lahat ng Kanyang mga anak. Tulungan ang inyong mga musmos na gumawa ng puso gamit ang kanilang mga kamay at gawin ito sa tabi ng mga larawan.
Para sa Mga Gawa 16–21
Tulungan ang inyong mga musmos na gumawa ng mga missionary tag na may pangalan nila at buong pangalan ng Simbahan. Ipaliwanag na nagtuturo ang mga missionary sa mga tao tungkol kay Jesus. Iteyp ang mga tag at tulungan ang inyong mga musmos na sabihin kung bakit mahal nila si Jesus.