Pagbabahagi ng Ebanghelyo
Paano Maibabahagi ng mga Kabataan ang Ebanghelyo


Paano Maibabahagi ng mga Kabataan ang Ebanghelyo

Itinuro ni Mormon, “Yaong sa Diyos ay nag-aanyaya at nang-aakit na patuloy na gumawa ng mabuti” (Moroni 7:13). Kung naiisip mong gumawa o magsalita ng mabuti, gawin ito!

Mga Paraan na Maibabahagi ng mga Kabataan ang Ebanghelyo

  • Makinig sa isang tao kapag masama ang araw niya.

  • Maging mabilis sa paglilingkod sa iba.

  • Manindigan sa tama.

  • Hilingin sa Ama sa Langit na tulungan kang ibahagi ang ebanghelyo.

  • Magbahagi ng post mula sa social media account ng Simbahan.

  • Magbahagi ng musika ng mga kabataan.

  • Kapag tinanong ka ng iyong mga kaibigan kung kumusta ang iyong Sabado at Linggo, banggitin ang iyong pagsisimba o pakikibahagi sa mga aktibidad ng Simbahan.

  • Anyayahan ang isang kaibigan sa isang For the Strength of Youth (FSY) conference.

  • Dagdagan ang kasali sa grupo ninyong magkakaibigan.

  • Anyayahan ang isang kaibigan na dumalo sa seminary o sa aktibidad ng mga kabataan.

Mga Resource na Maibabahagi ng mga Kabataan sa Kanilang mga Kaibigan

Payo ng Propeta

Manalangin at humingi ng tulong para makita mo ang mga tao kung paano sila nakikita ng Diyos at magkaroon ng lakas ng loob na kausapin sila tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo. Magtiwala na tutulungan ka Niya na malaman kung paano tutulungan ang iyong mga kaibigan na mapakinggan Siya at madama ang Kanyang pagmamahal. “Ayon sa paggabay ng Espiritu, [anyayahan] ang mga tao na gumawa ng mga pangako na tutulong sa kanila na umunlad sa espirituwal at madama ang impluwensya ng Espiritu Santo sa kanilang buhay” (Mangaral ng Aking Ebanghelyo: Gabay sa Pagbabahagi ng Ebanghelyo ni Jesucristo [2023], 232). Kapag ginawa mo ito, matutuklasan mo na ang pagmamahal, pagbabahagi, at pag-aanyaya ay naghahatid ng kagalakan sa iyong buhay at tutulong sa iyo na maghandang maglingkod sa full-time mission.

Magtiwala na gagabayan at palalakasin ka ng Ama sa Langit. Masasabi mo rin ang mga salita ni Alma: “At ito ang aking kaluwalhatian, na baka sakaling ako’y maging kasangkapan sa mga kamay ng Diyos upang madala ang ilang kaluluwa sa pagsisisi; at ito ang aking kagalakan” (Alma 29:9; idinagdag ang pagbibigay-diin).

Makakapagpatotoo ka na “ang Kanyang ebanghelyo ang tanging pangmatagalang solusyon para sa kapayapaan. Ang Kanyang ebanghelyo ay isang ebanghelyo ng kapayapaan.” Ikaw ay mayroong espesyal na mga kaloob at kakayahan na ibahagi ang ebanghelyo—ngayon at sa hinaharap bilang isang full-time missionary. “Bawat isa sa inyo ay mahalaga sa Panginoon. Inireserba na Niya kayo sa panahong ito para tumulong na tipunin ang Israel. Ang desisyon ninyong magmisyon, proselyting man ito o service mission, ay magpapala sa inyo at sa maraming iba pa.” (Russell M. Nelson, “Pangangaral ng Ebanghelyo ng Kapayapaan,” Liahona, Mayo 2022, 6).

Print