Pagbabahagi ng Ebanghelyo
Paano Maibabahagi ng mga Young Adult ang Ebanghelyo


Paano Maibabahagi ng mga Young Adult ang Ebanghelyo

Ang iyong mga pagsisikap na magmahal, magbahagi, at mag-anyaya ay tutulong sa iba na mapalapit kay Cristo at magkaroon ng “higit na kaligayahan, pag-asa, kapayapaan, at layunin sa buhay” (Mangaral ng Aking Ebanghelyo: Gabay sa Pagbabahagi ng Ebanghelyo ni Jesucristo [2023], 2).

Mga Paraan na Maibabahagi ng mga Young Adult ang Ebanghelyo

  • Huwag husgahan ang ibang tao; mahalin lamang sila.

  • Magpatawad o humingi ng tawad sa mga nasaktan mo.

  • Maging mabilis sa paglilingkod sa iba.

  • Ipaliwanag kung paano napagyaman ng iyong pananampalataya ang iyong buhay. Tanungin ang ibang tao tungkol sa kanilang paniniwala.

  • Magbahagi ng post mula sa social media account ng Simbahan.

  • Kapag tinanong ka ng iyong mga kaibigan kung kamusta ang iyong Sabado at Linggo, banggitin ang iyong pagsisimba at pakikibahagi sa mga aktibidad ng Simbahan.

  • Mag-organisa ng isang scripture study group, at anyayahan ang isang tao na iba ang paniniwala.

  • Anyayahan ang isang kaibigan sa dumalo sa isang aktibidad o pagtitipon sa Simbahan.

  • Anyayahan ang isang kaibigan sa klase sa institute o aktibidad.

  • Anyayahan ang isang kaibigan na dumalo sa isang young adult conference o magsimba.

  • Anyayahan ang isang kaibigan na magpunta sa isang young adult gathering place.

Mga Resource na Maibabahagi ng mga Young Adult sa Kanilang mga Kaibigan

Payo ng Propeta

Patuloy na manalangin para sa mga oportunidad na maibahagi ang ebanghelyo, at magtiwala na tutulungan ka ng Ama sa Langit na malaman kung ano ang handang tanggapin ng iyong mga kapamilya, kaibigan, at iba pa.

Habang inaanyayahan mo ang mga tao, matutulungan mo silang magbago sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo. Matutulungan mo silang magsimulang makakita ayon “sa pananaw ng plano ng ating Ama sa Langit” (Neil L. Andersen, “Pagiging Pinagtipanang Tao sa Kalipunan ng mga Pinagtipanang Tao,” Liahona, Peb. 2022, 11) at matanggap ang lahat ng pagpapalang nagmumula sa paggawa at pagtupad ng mga tipan. Anuman ang maging resulta, higit mong madarama ang pagmamahal ni Cristo sa iyong buhay, at pagpapalain ka Niya ng higit na lakas ng loob at pagnanais na magbahagi.

Hinikayat tayo ng Pangulong Nelson: “Mayroon [kang] sagradong responsibilidad na ibahagi ang kapangyarihan at kapayapaan ni Jesucristo sa lahat ng makikinig at hahayaang manaig ang Diyos sa kanilang buhay. … Bawat isa sa inyo ay mahalaga sa Panginoon.” (“Pangangaral ng Ebanghelyo ng Kapayapaan,” Liahona, Mayo 2022, 6). Ibahagi ang ebanghelyo sa pang-araw-araw mong buhay. Kung hindi ka pa nakakapagdesisyong maglingkod sa full-time teaching o service mission, isaalang-alang ito ngayon.

Print