Pagbabahagi ng Ebanghelyo
Paano Maibabahagi ng mga Pamilya ang Ebanghelyo


Larawan
pamilyang naglalakad sa dalampasigan

Paano Maibabahagi ng mga Pamilya ang Ebanghelyo

“Itinatag ni Jesucristo ang Kanyang Simbahan upang tulungan ang mga indibiduwal at pamilya na [maisagawa ang] Kanyang gawain ng kaligtasan at kadakilaan” (Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 1.3, Gospel Library). Ang pagbabahagi ng ebanghelyo ay mahalagang bahagi ng dakilang gawaing iyon. “Marami sa mga taong ito ay hinahanap ang layunin ng kanilang buhay. Nag-aalala sila para sa kanilang hinaharap at sa kanilang mga pamilya” (Mangaral ng Aking Ebanghelyo: Gabay sa Pagbabahagi ng Ebanghelyo ni Jesucristo [2023], 2).

Mga Paraan na Maibabahagi ng mga Pamilya ang Ebanghelyo

  • Anyayahan ang isang pamilya na samahan kayo sa home evening, hapunan, o game night.

  • Anyayahan ang isang pamilya na magsimba kasama ninyo.

  • Magpraktis sa pagbabahagi ng ebanghelyo bilang pamilya sa pamamagitan ng role-playing.

  • Pag-aralan bilang isang pamilya ang Mangaral ng Aking Ebanghelyo at kumilos ayon sa mga turo nito.

  • Paglingkuran ang isang pamilyang nangangailangan, o anyayahan ang isang pamilya na samahan kayo sa isang organisadong service project.

  • Tulungan ang isang pamilya na tuklasin ang kanilang mga ninuno.

  • Anyayahan ang isang pamilya na samahan kayo sa pagdalo sa isang aktibidad o party sa Simbahan.

  • Anyayahan ang isang pamilya na magpunta sa open house ng templo, at ipaliwanag kung paano pinagbubuklod ng mga templo ang mga pamilya sa walang-hanggan sa pamamagitan ni Jesucristo.

  • Anyayahan ang isang pamilya na dumalo sa isang klase sa self-reliance o EnglishConnect.

Mga Resource na Maibabahagi ng mga Pamilya sa Kanilang mga Kaibigan

Payo ng Propeta

Manalangin sa Ama sa Langit bilang pamilya at hilingin na tulungan kayo na maibahagi ang ebanghelyo sa mga taong nakapaligid sa inyo. Ibahagi sa isa’t isa ang inyong mga nadarama at ideya kung paano ninyo maibabahagi ang ebanghelyo bilang isang pamilya sa pamamagitan ng pagkilos ayon sa mga alituntunin na “magmahal, magbahagi, at mag-anyaya.” Tulad ng mga anak ng Diyos sa Alma 6:6 maaari kayong “magkaisa sa pag-aayuno at mataimtim na panalangin alang-alang sa kapakanan ng mga yaong kaluluwa na hindi nakakikilala sa Diyos.”

Sundin ang mga pahiwatig ng Espiritu Santo at suportahan ninyo ang isa’t isa sa inyong mga pagsisikap. Habang ibinabahagi ng inyong pamilya ang ebanghelyo, matatanggap ninyo ang mga pagpapala ng Ama sa Langit at makakadama kayo ng lubos na kagalakan. “Kapag totoong namamangha tayo kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo, mas masaya tayo, mas masigasig tayo sa gawain ng Diyos” (Ulisses Soares, “Namamangha kay Cristo at sa Kanyang Ebanghelyo,” Liahona, Mayo 2022, 115).

Print