Kabanata 22
Sa araw ng milenyo, pupurihin ng lahat ng tao ang Panginoon—Mananahan siyang kasama nila—Ihambing sa Isaias 12. Mga 559–545 B.C.
1 At iyong sasabihin sa araw na yaon: O Panginoon, pupurihin kita; bagama’t nagalit kayo sa akin ay napawi ang inyong galit, at inalo ninyo ako.
2 Dinggin, ang Diyos ang aking kaligtasan; ako ay magtitiwala, at hindi matatakot; sapagkat ang Panginoong Jehova ang aking lakas at aking awit; siya rin ay naging aking kaligtasan.
3 Samakatwid, masaya kang iigib ng tubig mula sa mga balon ng kaligtasan.
4 At sasabihin mo sa araw na yaon: Purihin ang Panginoon, manawagan sa kanyang pangalan, ipahayag ang kanyang mga gawain sa iyong mga tao, ipahayag na dakila ang kanyang pangalan.
5 Awitan ang Panginoon; sapagkat gumawa siya ng mga dakilang bagay; ang mga ito ay nalalaman sa buong mundo.
6 Humiyaw at sumigaw, kayong mga naninirahan sa Sion; sapagkat dakila ang Banal ng Israel na nasa piling ninyo.